ASAL



Asal Kalye


ang Pilipino daw ay likas na masipag, masunurin at di nagrereklamo. kaya nama’y pinupuri tayo sa ganitong ugali. ilan ng Pilipino ang nagtagumpay sa kani-kanilang larangan sa ibang bansa. nagsilipatan para hanapin ang kanilang langit sa banyagang lupa. upang doon kahit papaano’y matakasan ang impyernong kanilang nalasap, isang kaginhawaang di kayang ibigay ng kanilang nakamulatang buhay. at kahit magtrabaho may sila dito ng magdamag, magpakakuba ay kulang pa kung ihambing sa ngayo’y kanilang napagtagumpayan.

pero lingid sa mga mapanuring mata ng dayuhan, ay ang hubad na larawan ng ating kapwa Pilipino na naiwan dito sa ating bayan. kung sa ibang bansa ay sunod sa batas ang isang Pilipino dito nama’y kasintigas ng isang bato. mula sa batas sa kalsada makikita mo ang mga kabastusang di nakatago sa ating paningin. halimbawa na lang ang isang driver na walang pakundangang magsakay at magbaba ng isang pasahero kahit wala sa tamang lugar. isang katamarang masasabi sa isang pasahero na nagagalit kung di nasunod ang gusto, masasabi rin natin na “spoiled” and isang Pilipino. at sa loob pa ng bus nakikita mo ang mga pasahero na kahit pinapapasok sa loob ay para bang walang narinig at patay malisyang nakatayo dun sa harap na kahit nakahambalang sa dadaanan ng tao.

sa panig ng mga driver na minsan di nagbibigayan sa daan. isisingit nila ang kanilang sasakyan at parang di marunong pumila para lang makakuha ng mga pasahero kaya’t ito’y nagiging sanhi ng buhol-buhol na trapik sa daan. at kung huhuliin na ng mga may kapangyarihan sila pa ang may ganang magalit at nagdudunong-dunungan.

sa mga tumatawid nama’y napapansin ko rin na kahit kitang-kita na ang “stop light” ay nagsisipagtakbuhan pa rin at nakikipagpatintero sa mga sasakyang dumaraan. nakalagay na nga ang karatulang “bawal ang tumawid ditto” ay sige pa rin na isisiksik ang katawan sa mga rehas. nagmumukha ng palamuti ang mga “overpass” dahil tamad silang akyatin ito at magkasya na lang sa isang butas na pinakuhanan at pinagnakawan ng mga magbabakal sa gabi.

tila ba’y ganito na lang ang nakikitang tanawin sa maghapong pakikisalamuha sa ibang tao. mga taong di ata marunong magbasa ngunit kitang kita mo naming di siya mangmang, suot nya’y kurbata pero nag-aasal bobo. itatapon sa kung saang gusto ang isang pinagbalatan ng kinainan, mga upos ng sigarilyong matapos hithitin ang katawa’y itatapon na lang ng walang anuman sa daan. (itutuloy…)


Post a Comment

Popular Posts