A

lahat ba ng luha ay nagtatapos sa A
simbolo ng pangamba at pagdurusa
Ng marami pang katanungang gumagambala
kung bakit ang mundo puno ng salamangka
di ba't ang pag-asa ay nagtatapos din sa A
at ang saya pinupunas ang luha
pero bakit sa akin ipinagkait sila
sa mata ko'y lumbay hinarian nila
ninakaw ang aking lakas at sigla
bakit ang bukas ay hindi nagtatapos sa A
upang makita ko rin ang pagbuka
ng mga nakangiting estrella
sa mundo kong nawalan ng ligaya
oo ang umaga ay nagtatapos din sa A
sana dun ko mahanap sa gitna ng letra
ng bawat tugtog at tipa
ng buhay na kulay ahh...


may 2, 2006
taguig city
2 comments

Popular Posts