Sana...

ako ba'y ipinangak na lalasap
sa mga pait ng kahapon
kasalanan ko bang nasisilip ko
ang bangungot ng kinabukasang walang langit
sa mga halakhak na walang imik
sa mga pighating di ko mabatid
nasaan ang mga lintanya ng mga anghel
saan ba makikita ang pagkapuksa ng dilim
saan ba nagtatago ang pag-asa
at di ko na maapuhap ang ulan
ng panahong bilad ang mundo ng katotohanan
mata ba ng hustisya ay nakikita niya
ang pagdurusang pasan hangang hukay
ito ba ang gantimpala ng luha
sana... dumating naman ang katapusan
at punasin ang pagkaparam
ng aking kinahantungan
sana... dito ko masilayan
ang pagngiti ng bulaklak
ang pagsibol
ng
aking
kamatayan.
1 comment

Popular Posts