TAGLAGAS

...para sa isang kaibigan na naging parte ng maliligayang sandali...


hawiin mo ang mga pangamba sa kadiliman
tulad ng pagbasa sa mga galaw ng kuliglig
ng isang takipsilim binabagabag ng katinuan
na waring sinusukat ang magpakailanmang kawalan
ng patutunguhang di maarok ninuman...

tila ba ang kumukutitap na yaon
siyang hamog na didilig sa lupang
kinimkim ang pagkauhaw sa panahon ng tag-araw
siya bang kanlungan ng pansamantalang kabalintunawan
tungo sa pusod ng magpasawalang hanggan...

tulad din ng taglagas, and dahon nalalaglag
nang minsang tag-init tuluyang papanaw
sa mga sanga ng karanasang naging marupok
nalaglag sa ihip ng hanging mapusok
sa lupa doon yayapos at madudurog...

sana ang yapak na yun di na lilingon
upang ang daan sa dulo tuluyang mamaalam
at ang batong ipinukol lalamunin ng tubig
at hihimlay sa kailalilalimang hukay
ng minsang pagkabaliw dina mabalikan...

paalam!



jake favila ilac
signal village, taguig city
12-25-06