Skip to main content

Buhay Kalsada

Pare ang buhay ay parang kalsadang walang hangganan
Lakad, takbo sige ka lang sa paglakbay
Minsan may makipot na eskinitang madaanan
Dapat hinay-hinay lang at baka makabanga ka
Siguro akala mo ‘yon na ang tamang babaan
Pero sa dulo, dun nag-aantay ang mas mabato
Lubak-lubak at maalikabok na kapahamakan
At sasabihin mo ngayon susuko ka na,
Malayo pa ang PARKING AREA
Pare hindi lahat ng RIGHT TURN ay tama
At ang LEFT TURN ay puro mali
Dahil may panahon din na ika’y didiretso
Upang makisabay sa hamon ng buhay
Di ito parang U-TURN na uulit ka at babalik
Para ayusin ang kamalian ng nadaanan
Pero sige lang, bilisan mo pa
Habang puno pa ang tangke
Habang di pa kinakain ng kalawang ang parte ng makina mo
at di pa pudpod ang mga gulong mo
humabol ka hangga’t naka-BERDE ang trapik layt
huminto ka rin minsan pag naka-PULA
para mag-isip at ulit humanda sa DILAW na ilaw
wag kang lang mag-init, wag kang sisingit
dahil walang siorkat ang dulo ng tagumpay.


march 17, 2006
signal village, taguig city



AddThis Social Bookmark Button
Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…