Skip to main content

Sacrificing their Dreams


http://img.alibaba.com/photo/11190613/Araal_Slates_Philippine_Teppei_Stone_.jpg

Habang pinapanood ko ang replay ng Correspondents ni Karen Davila kaninang madaling araw na tumatalakay sa mga taong nag-kwakwari ng araal o yung Philippine Teppei Slate sa bundok ng Bongalon sa bayan ng Sagñay sa Camarines Sur, sumagi sa isip ko ang mga bahay ng mga mamayaman dito sa Metro Manila na napalamutian ng mga ganitong bato. Nakadekorasyon sa kanilang dingding at maging sa mga palagid ng garden.

Nakakaawa ang kalagayan ng mga bata na kasama ng mga magulang sa paghuhukay ng nasabing mga bato. May sugat ang mga kamay dahil sa pagbubuhat ng matalim na bitak, ang tatay naputulan ng daliri dahil sa pagkadagan nito, meron din isang bata na nagasgasan ang buong siko. At ang nakakalunos karamihan sa mga batang ito ay di na rin pumapasok sa paaralan dahil di raw sapat ang pera na kinikita sa pagkwakkwari. Masakit isipin na sa murang edad tumutulong na sila sa kabuhayan ng magulang para maitawid ang buhay na di alam kung hanggang kaylan tatagal. Gaya ng ibang bata meron din naman silang pangarap para sa kanilang sarili pero naisasakrispyo ang mga ito kapalit ang mumunting halaga, pabayaan na lang nila na gaya ng bundok na kanilang hinuhukay, unti-unti rin natitibag ang pangarap at pabayaan na lang i-aagos ng tubig-ulan.

Isa ito sa mga insidente na tila di nakikita ng bulag na gobyerno na nakatutok lang sa pagpapaganda ng imahe ng umaalingasaw na baho.

Kung may pangsubsidy sila sa mga urban poor bakit di nila tustusan din ang kailangan ng rural poor na di hamak na mas marami. Binigyan ang mga spoiled na mamamayan ng Maynila para may pambayad sila sa ginastong kuryente, at bago itong subsidy sa Meralco, dati namimigay na rin ng subsidy sa mga pamilya ng limang daan gamit ang isang card. Karamihan ang nakinabang ay sa Tondo. At ngayon may subsidy rin sa mga tsuper ng bus at dyip para i-convert ang kanilang sasakyan na maging LPG dependent. Bakit LPG pa gayong paubos na ang gasolina ng Middle East? Bakit di gamitin ang sariling atin na CNG (Compressed Natural Gas) na kinukuha sa Palawan at sa Palanan, Isabela. Ibang bansa pa ang nakikinabang, dahil ang CNG ay ine-export na nila sa Singapore.

Itong pagkwakwari ay di lamang sinisira ang bundok, ang likas yaman na ibinigay ng Diyos kundi isang banta rin sa buhay ng mga nakatira sa nasabing pook. Sana may natutunan sila sa landslide ng Samar, sa bilang pagbaha sa Ormoc, sa Tsina na kaylan lang sinalanta ng matinding lindol at malilimot ba natin ang nangyari sa Baguio na talamak din ang pagmimina at ayun sandali lang gumuho ang lupa.

Pinangangambahan pa ang epekto ng global warming sa buong mundo na nararamdaman na natin ngayon, kung di itigil ang nasabing pagkwari, tiyak ibabaon sila ng buhay. Makakatawid man ang iba sa pang-araw-araw na pangangailangan pero lahat naman sila damay pagdating ng sakuna.

Ano ang ginagawa ng opisina si Secretary Lito Atienza ng Department of Environment and Natural Resource para tugunan ang nasabing problema? Ang Department of Social Welfare and Development, ang probinsial na gobyerno ng Camarines Sur na marami na raw ang natanggap na reklamo pero hanggang ngayon wala pang aksyon?

Hindi kaya maging pangarap na lang ang pangarap ng mga bata. Ang pangarap ng magulang din na mapag-aral ang kanilang anak. Sana hindi mananatiling pangarap ang pangarap ng isang musmos. Baka magaya lang tayo kay dating Senatoriable Pichay na ang “Pangarap natin ay pangarap din niya”.

Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…