Skip to main content

Assessment of the Exhibit

Naging abala ako sa tatlong araw na pag-eeksibit ng aking produkto sa katatapos lang na Philippine International Flora and Fauna Garden Expo na ginanap sa World Trade Center.

Isang stratehiya para ipromote at ipakilala sa madla kung ano meron kami, kung ano ang pwedeng gawin sa mga paru-paro maliban sa panonood lang sa kanila na lumilipad sa mga garden at hayaan lang mamatay pagkatapos ng pito hanggang sampung araw.

Sa unang araw ng eksibit, dinagsa ito ng mga estudyante mula sa iba't-ibang paaralan. Naging pangunahing bisita rin si DENR Secretary Lito Atienza at kasama si Rachy Cuna, isang arkitekto at kilalang nagdidisenyo sa mga floral arrangement. Hindi man ganun kasing ganda ang pagkadisenyo ng aming booth ay maraming namang mga tao na kumuha ng larawan sa aming produkto. Lahat sila namangha sa kulay ng mga paro-paro at parang ngayon lang nakakita ng ganun. Masarap pakinggan na may pumupuri sa aming mga gawa. At dalawang print-media-outfit ang nagtanong at nag-alok kung pwede ba raw nila itong i-feature sa kanilang magazine.

Hindi ko natanggihan ang paghingi ng pabor ng Diliman Preparatory School para ilecture sila tungkol sa paro-paro. Pinalibutan ng limampung istudyante ang aming booth na naka-upo at nakinig sa aking mga sinabi. May nagtanong kung anong klase ng paruparo ang pinakagala sa lahat ng specie, sinagot ko naman na ang Danaus Plexippus(Common name: Monarch Butterfly). Mula kasi sa California lumilipad sila patungong Mexico pagsapit ng winter. Ang pinakamahabang lipad na naitala ay 2900 kilometer.

Dinagsa pa rin ng mga bisita ang pangatlong araw ng eksibit, wala ng mga istudyante pero mas marami ang pamipamilyang pumunta. Parang pumunta kasi sila sa isang mini-zoo, may mangilan-ngilan na hayop na dinala ng Avilon Zoo gaya ng tigre, ibon, unggoy, tortoise at ibang klase ng reptilya. Ang ibang eksibitor ay nagpresenta rin ng iba't-ibang klase ng bulaklak, puno, isda at halaman. Maliban sa free lecture mula unang araw hanggang sa huli tungkol sa organikong pamamaraan ng pagtatanim at ang paggamit ng natural na mga produkto, nagkaroon din kami(eksibitor)ng forum kasama ang DENR. Naging paksa ang mga permit na pinagkukuha sa opisina ng DENR. Tinanong ko sila kung bakit mas mahal ang pagkuha ng permit kaysa sa bayad ng isang pirasong paruparo, paano naman namin ibenta ito ng mura, syempre ipapatong ito sa bayad ng bawat isa at lumalabas na napakamahal. Bakit di na lang nila ito gawing lump sum. At ang ikinagulat ko sa lahat pati pala "santan" isang klase ng halaman na pinapalago lang sa mga bakuran ay nagbabayad din ng 25 pesos kada piraso kung ito ay i-eksibit. Ang iba naging concern tungkol sa pagkuha rin ng Local Transport Permit, natawa ako sa sinabi nang isang eksibitor, pati ba yung hiningi mo na isang sanga ng santan sa kaibigan mo ay kaylangan pa ng permit kung dalhin ito sa iyong bahay. Naging paksa rin ang pagkumpiska ng mga halaman at puno sa mga tao kung ito ay rare species, bakit di na lang hayaan ang mga ito na magtanim ng magtanim para naman mapalago ito makatulong sa global warming. Saan ba raw napupunta yung mga nakukumpiska? Dapat magkaroon ng isang sangay ng DENR para pangalagaan ang mga ito gaya ng ginagawa nila sa mga hayop na kinukumpiska. Pati ang mga maghahayop(nag-aalaga o nagbi-breed) ay umaangal, hayaan sana sila na magbreed ng mga endangered species para ito ay dumami, ang iba nilang maparami ay ipakawala din sa wild. Nagbigay sin ng solusyon ang isang eksibitor, tungkol ito sa mga nagtutumbahang mga puno pagkatapos ng bagyo. Dapat ibangon ito ulit at kung putulin man dapat hanggang tapat lang ng ulo ng tao. Nabubuhay daw kasi ulit ito dahil ang mga puno ay may puso rin. Kaya pala yung mga nagta-tai chi ay niyayakap nila ang mga puno.

Hindi man dinagsa ng foreign buyer ang eksibit, dahil siguro kulang ang promosyon nito sa international, sapat na rin para sa nag-uumpisa. Sa susunod na taon mas marami ang magpapartisipa, mas maraming bisita na pupunta at mas marami ang matututong mahalin ang kalikasan.
Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…