Beijing; pre-olympic games status

Nakakaalarma ang estado ng China, hindi lang sa kanilang lumolobong populasyon kundi pati ang kalidad ng hangin na kanilang nilalanghap. Sa listahan ng World Bank, 16 sa 20 na siyudad sa mundo ay sa China matatagpuan. No. 1 ang Linfen City ng Shanxi Province. At sa 113 na listahan ng China pang-28 ang Beijing, ang kapital ng bansa kung saan idaraos ang Summer Olympic Games nitong Agosto.

Lagpak sa international guideline ng World Health Organization ang kalidad ng hangin ng Beijing. Nagkaroon pa sila dati ng mga imprastraktura para linisin o mabawasan man lang ang smog (smoke at fog) na bumabalot sa siyudad. Pinasara ang 90 porsyento ng paktorya na nagbubuga ng mga hangin at pinagbawalan ang mga sasakyan sa loob ng siyudad.

Sigurado maraming mga atleta na dadalo sa olympic ang aangal at sisisihin ang kalidad ng hangin na malalanghap. May isang bansa na rin na nagsabing magdadala daw sila ng gas mask habang nakikipaligsahan.

Ayon sa pag-aaral, sa 24 oras na pagkababad ng polusyon ay malaki ang posibiladad na aatakehin ka ng stroke at heart attack, maliban pa sa allergy, asthma at iba pang klase ng respiratory problem.

Kahit si Steven Spielberg na sana isa sa creative consultant sa pagbubukas at pagsasara ng Olympic Games ay umatras na rin, hindi dahil sa kalidad ng hangin kundi sa kabiguan ng Beijing para pagsabihan ang Sudan na tapusinna ang lban nito sa Darfur.

Kaya sa mga nagbabalak na pumunta sa olympic, magdalawang isip kayo. Magbaon kayo ng gabundok na aspirin, inhaler at gas mask.
Post a Comment

Popular Posts