COFFEE ON THE GO



Starbucks, Seattles Best, Figaro, Gloria Jeans Coffee, Coffee Bean, Bo's Coffee.


Bago pa man naging uso ang mga malakabuteng nagsusulputang coffee shop sa tabi-tabi, ang kape ay isa ng parte ng ating kulturang Filipino. Naging laman ito sa mga usapan ng mga magkakaibigan, tsismisan ng magkakapitbahay, kumustahan ng mga galing sa malalyong lugar at pampatanggal ng amats ng mga tomador.

May dalawang klase ng kape sa mundo na itinatanim, ang Cofféa arabica at cofféa canephora (robusta). Ang kape ang siyang pangalawa sa mahalagang produkto ng mundo sunod sa langis. Dito sa atin sa Pilipinas ang kape barako o Liberica ang pinakapopular.

Noong bata pa ako, nakagawian ng mga Ibanag (nanay ko kasi ay purong Ibanag) ang pag-serve ng pinakuluhang kape sa mga dumadayo at nakipagkwentuhan na bisita. Hindi nawawalan ng usok ang kusina kung saan nakasalang ang kumukulong buto ng kape. Ang iba ay binabayo ang mga at hinahaluan ng bigas o kaya ginigiling para maging pino.

Nang lumipat na kami ng Lasam, may tanim dati ang lolo ko na tatlong puno ng kape. Maliliit ang mga dahon at sanga nito. Pati ang mga sanga nito ay tinutubuan ng bunga. Ginagawa naming kendi ang mga mapupula at matatamis na cherry.

Sa mga furniture shop, isa itong sikreto na inilalagay sa mga tray para tanggalin ang amoy ng pintura ng mga muebles. Sinisipsip o pinapatay kasi nito ang mababahong amoy at pinapanatili nitong mabango ang kulob na tindahan. Kung walang uling at naiinis ka na sa amoy malansa, mapanghi at kung ano-ano pa, ang kape ay pwedeng ilagay sa banyo, sa ref o kahit sa kusina.


Post a Comment

Popular Posts