Debt of Gratitude

Debt of gratitude o utang na loob sa Filipino. Isang ugali na nakabuntot sa kultura natin mula noon, ngayon at kahit sa susunod pa na henerasyon. Kung may ginawa na pabor ang isang tao sa'yo, tatanawin mo yun na utang na loob magpakailan pa man. Mahirap atang masabihan ng "walang utang na loob".

Kahit sa MalacaƱang ay uso itong utang na loob. Ano ang itatawag sa pagpapaupo kay Angelo Reyes bilang kalihim ng Department of Energy. Isa heneral dati na tumulong kay GMA para mailuklok siya bilang Presidente. At pagkatapos ang posisyon niya bilang Chief of Staff ng Armed Forces ay naging sekretario ng Department of National Defense, sa Department of Interior ang Local Government, at ngayon nailipat sa DOE.

Si Lito Atienza, dating mayor ng Maynila at kilalang suporter ni Arroyo. Nang matapos ang kanyang termino ay pinaupong namang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

Si Mike Defensor, dating senatoriable pero natalo noong 2004. Kilala bilang malapit na kaalyado ng taga MalacaƱang, pamangkin ni Sen. Miriam Defensor Santiago at tagapagtanggol ni GMA. Ngayon pinuno ng task force para sa pagbubukas ng Ninoy Aquino International Airport's Terminal 3.

Si Ralph Recto, dating reelectionist senatoriable ng Team Unity pero natalo din gaya ni Defensor. Ngayon itinalaga bilang National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary. Isang departamento na dating pinamunuan ni Romulo Neri, isa na ngayong pinuno ng Commission on Higher Education. Si Neri na nakilala sa ZTE Scandal.

Si former Sen. Vicente Sotto III ay itinalaga rin bilang pinuno ng Dangerous Drugs Board. ISang natalong senador noong 2004.

Sa mga tumakbong mga senador ng Team Unity na natalo noong 2004, tanging sina Oreta( magiging DepEd Secretary?), Pichay, Magsaysay, Montano at Kiram ang wala pang posisyon sa gabinete ni GMA pero inaasahan sa mga susunod na araw ay magsilutangan ang mga ito para mapakinabangan ang utang na loob. Pambayad ni Arroyo sa kanilang suporta sa kanya.


Debt of Integrity, bow!
Post a Comment

Popular Posts