Firefox Rocks

Habang naghahanap ako ng solusyon kung paano ko tanggalin ang mga naglilitawan at nakasingit na advertisement sa aking blog (hindi kasi kayang barikadahan ng pop-up blocker ng Internet Explorer) sa pamamagitan ng "html adblock" at pwedeng idagdag sa program ng TUGOT ay napadako ang atensyon ko sa mga resulta. Wala pa palang ganitong klase ng program. Hindi pa siguro nadebelop ni Bill Gates kung papaano.

Sa lahat ng resultang hinahanap ko tanging ang Mozilla Firefox ang may kakayahan o may adds-on para tuluyang wasakin ang mga nakakabwisit na advertisement.

Matatandaan ko, sinubukan ko na dati na gamitin ito ng isang araw pero mabagal at binura ko rin agad.

Ngayon, lumabas ang bago nilang version ang Firefox 3. Mas innovative dahil mas secure ito, mas mabilis at mas marami ng kakayahan kaysa sa Internet Explorer ng Microsoft.

Sa ngayon ito na ang ginagamit kong browser, totoo nawala ang mga nagsusulputang advertisement. Nawala ang sakit ng ulo. Ang mga advertisement na ito ang isa ring nagpapabagal sa pagdownload ng mga datos.
Post a Comment

Popular Posts