Skip to main content

PRICE HIKE OF COMMODITIES? CHARGE TO FUEL!


Isa na namang pagtaas ng pamasahe ang napipintong mangyari nitong biyernes, inaprubahan na ng Land Transportation and Franchising Board Authority ang hinihinging dagdag sa pamasahe ng mga transportation sector. Pagtaas na subalit hindi nasunod ang hinihingi ay nakadagdag ng kita (ewan?) sa kanila at para mapantayan ang pagtaas ng fuel.

Sa dyip, ang inaprubahan ay P0.50 centavo para sa unang apat na kilometro at P1.50 sa mga susunod na kilometro. Sa ordinaryong bus ay karagdagang P1 sa unang limang kilometro at P1.25 sa mga susunod na kilometro. Kaya huwag na kayong magtaka sa mga susunod na araw kung ang inyong nasakyan ay sasabihing kulang ang ibinayad mo sa kanila.

Sadyang wala ng pakundangan ang sunodsunod na pagtaas ng krudo at gasoline, ni hindi makasabay ang mga tao sa lingo-lingong pasanin na ‘to. Kahit ang ordinaryong mamamayan ay apektado kahit walang sasakyan dahil ang lahat ng bilihin ay nakadepende sa gas. Anumang paggalaw nito ay malaki ang dulot sa bulsa ng bawat isa.

Hindi natin malaman kung ang demand ng papaunlad na bansa gaya ng China at India ang may kasalanan dahil buong mundo maliban ang Arab Countries ang nakakaramdam ng paglobo sa presyo ng gasolina. Maraming nagproprostesta, pero hanggang doon na lang dahil kahit magpakamatay ka sa gitna ng kalsada ay walang mangyayari para mapababa ito. Kung ikumpara mo ang presyo ng gasolina dito sa Pilipinas na P60.00 at sa Saudi na P7.00 ay napakalaki ang diperensya. Paano natin ipaliwanag na bakit ganun kalaki ang pagitan. Hindi ba’t nakakaloko na ang merkado?

Nitong linggo lang tumaas din ang presyo ng mga de-lata ng P1.50. Ang rason ng mga gumagawa ay dahil sa taas ng materiales. Siyempre ikaw na mamumuhunan gagawa ka rin ng hakbang para hindi ka malugi, gustuhin mo man na huwag magtaas pero kailangan.

Sana naman gumawa na ng hakbang ang gobyernong ito para maibsan man lang ang pagdepende ng bansa sa fuel. Bakit di natin buhayin uli ang nuclear power na di hamak na mas mababa ang generation cost ng elektrisidad. Sa mga mauunlad na bansa ay pinapakinabangan na nila ng lubos ang ganitong source ng enerhiya. Pinangangambahan nila ang malaking dulot daw nito sa mga tao? Di sana lahat na ng tao sa Europa ay namatay. Ang gumawa ng nuclear plant sa Bataan ay mga Amerikano at di gaya ng pumutok na Chernobyl sa Ukraine (dating sakop pa ng USSR) na sila na rin ang gumawa at mismanagement ng tao. Mas di hamak na ligtas ang sa atin. Pero sa tagal na rin ng pagkaunsiyami ng paggana sana ng nuclear plant natin ay siguradong sira na ang mga ibang parte at ang masaklap hanggang ngayon binabayaran pa rin ng Pilipinas ang inutang sa pagkagawa.

Ang pagpapaconvert ng mga sasakyan mula sa gas patungong LPG ay hindi garantisadong solusyon dahil nakadepende rin sa fuel ito. Anumang pagtaas ay siguradong susunod din. Ang kailangan natin ay pangmatagalang solusyon gaya ng ginagawa ng Japan sa kanilang mga sasakyan na pinapagana ng tubig gamit ang baterya. Isang imbensyon na meron na rin sa bansa at ginagamit sa piling lugar sa Makati.

Maraming mapagkukunan ng enerhiya dito sa Pilipinas para makapaggawa ng elektrisidad, nariyan ang araw (solar), ang hangin (wind power gaya ng windmill), alon, init ng lupa, talon, basura(methane) na problema ng Metro Manila. Ang mga nasabing mapagkukunan ay pinapakinabangan na natin pero sana magdagdag pa sila. Suportahan ng gobyerno kung anumang imbensyon. Hindi kung ano-ano ang ginagawa na wala namang katuturan.

Habang ganito ang sitwasyon ng buong mundo na naaalarma sa pagtaas ng presyo ng gas ay sana kumilos na ang gobyerno para tumulong man lang sa mamamayan. Walang patutunguhan kundi maubos ang gas ng mga Arabo. Aantayin pa ba nila na mangyari ito?

Nigeria



Madrid, Spain


Myanmar


India



Indonesia

Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…