Japan subtle plan

Tila bumabalik na naman ang Japan sa pagkobra ng mga teritoryo ng ibang bansa na nakapaligid sa kanilang nasasakupan. Hindi sa pamamagitan ng armas, kundi sa pagpoproklama ng kanilang sinakop noong World War II sa mga lupain ng ibang bansa bilang parte ng kanilang bansa.

Lahat ng pinagtatalunan nila ay mga isla, at meron mga pruweba na hindi nila ito pag-aari.

Ang Dokdo o Liancourts ay dalawang isla na pinagtatalunan nila ng South Korea. Ito ay matatagpuan sa Sea of Japan (east sea). May layong 217km sa mainland Korea at 250km sa mainland Japan. Pinaniniwalaang mayaman ito sa natural gas.



Ang Senkaku Islands o Diaoyutai Islands ay pinag-aawayan din nila ng China/Taiwan. Sinasabi ng Japan na parte ito ng Ryukyu Island pero matatagpuan ang mga nasabing isla, 170 kilometers hilaga ng Ishigaki Island, Japan; at 186 km Hilagang-Kanluran ng Keelung, Taiwan. Kaya naman nasama ang China dahil ayon sa kanila, ang Taiwan ay isa sa kanilang probinsya.


Ang Kuril Islands ay binubuo ng 56 na isla na halos puro mga bato. Pinagtatalunan din ito ng Japan at Russia. Sa ngayon inookupahan ang mga isla ng mga Russians, Ukrainians, Belarusians, Tatars, Koreans, Nivkhs, Oroch, at Ainu. Mayaman ang isla sa mga yamang dagat.


Sana hindi kasama ang Pilipinas sa kokobrahin, meron pa nga tayong pinagtatalunan ng karatig bansa na Spratly Island. Ano na kayang nagyari sa naturang isla? Mas marami daw itong depositong natural gas kung ikumpara sa deposito ng Kuwait. Pampalit sa napakamahal na langis. Tayo naman ang mag-export sa buong mundo.

Post a Comment

Popular Posts