Parting Shots






Pagkatapos arugahin ng apat na buwan, heto at dumating na ang sandali na aalis na sila sa amin upang mapunta naman sa karapat-dapat na taong magmamahal din ng katumbas ng pagmamahal na inilaan din namin sa kanila noong nasa amin pa sila.

Masakit man na mawalay sila sa amin pero kailangan dahil di na namin sila kayang alagaan at maliban na rin sa halagang ginagastos nila sa pang-araw-araw.

Malikot man silang maituring pero nakakaaliw din sila dahil sadyang malambing ang ganitong lahi ng aso. Sasalubungin ka tuwing pagbangon sa umaga at hahalikan nila ang iyong mukha, mga mata na nangungusap na nagsasabing gutom na sila. Paborito nila ang saging at mansanas na merienda, maliban sa dog food na binibili kailangan din ng katawan nila ng gulay na luto pero walang halong vetsin o yung hilaw din na ampalaya, tinapay, at karne.

At bago ang kanilang pag-aalis, pinaayusan pa namin para matuwa ang bagong magmamay-ari sa kanila. Kinailangan din na bilinan ang mga nakabili kung ano ang nakasanayan na pagkain, ang oras na dapat ilaan sa kanila, ang pasensiya na walang katumbas at ang pagmamahal na di matatawaran.

Kuhang larawan pagkatapos nilang naayusan:




Larawan bago sila pinayusan:



Larawan noong mga tuta pa sila:

Post a Comment

Popular Posts