SONA(sana) AGAIN - 2008 REVIEW

Eto na naman, nangangako, di na natuto (tune ng DI NA NATUTO)


Kung ako ang magbibigay ng grado sa pangulo para sa kanyang nagampanan pagkatapos ng isang taon, mula 1(pinakamababa) hanggang 10(pinakamataas), ang ibibigay ko ay 4. Hindi pasado grado dahil nakikitang ko na wala namang nagbabago sa ating situasyon mula noong siya ang nanungkulang presidente, bagkus lalo pang lumala ang kurapsyon, ang kahirapan. Ang mga binaggit niya sa 2007 SONA ay hindi natupad o nagawa ng tama.

First, investments in physical, intellectual, legal and security
infrastructure to increase business confidence. Imprastraktura para sa negosyo
at trabaho. Isang milyong trabaho taon-taon.


Second, investments in a stronger and wider social safety net - murang
gamot, abot-kayang pabahay, eskwelang primera klase, mga gurong mas magaling at mas malaki ang kita, mga librong de-kalidad, more scholarships for gifted students, and language instruction to maintain our lead in English proficiency. Dunong at kalusugan ang susi sa kasaganaan.


Third, investments in bringing peace to Mindanao; in crushing terrorism
wherever it threatens regardless of ideology; and in putting a stop to human
rights abuses whatever the excuse.



Nasaan ang isang milyong trabaho na ipinangako niya. Hindi ba't mas lalo pang nawalan ng kumpyansa ang mga negosyante dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng kuryente at gas.

Murang gamot? Lalo pang tumaas ang presyo nito sa mga botika. Pabahay? Maraming pinapatayong mga condo at subdibisyon pero tanging pribadong kumpanya lang ang nakakagawa at tanging mayayaman ang nakakabili. Eskwelang de-kalidad at gurong mas magaling, iskolarship? Maraming eskwela na kulang sa pasilidad, maraming nag-uumpukan sa loob ng klase dahil kulang sa pondo para sa pagpapatayo ng silid-aralan, ang ibang guro ay nagsipuntahan na sa ibang bansa para magturo ng Ingles at kapalit ang mas malaking kita. Iskolarship hanggang sa salita na lang siguro na maririnig, marami pa rin ang di na nakakapag-aral na istudyante na may kapasidad.


Peace in Mindanao? Hindi na siguro titigil ang karahasan sa Mindanao, kumakailan lang ang pagkidnap sa mga taga ABS-CBN. Hindi ba't binayaran nila ang kanilang kalayaan. Parang hindi seryoso ang gobyerno na durugin ang mga ganitong elemento ng lipunan.

We have created a Philippine model for reconciliation built on inter-faith
dialogue, expanded public works and more responsive social services. These
investments show both sides in the Mindanao conflict that they have more at
stake in common; and a greater reason to be together than hang apart, including
being together isolating the terrorists.

Imprastraktura ang haliging nagtitindig hindi lamang ng kapayapaan kundi ng ating buong makabagong ekonomiya: mga kalsada, tulay, paliparan, public parks and power plants.


Asan ang mga imprastrakturang binanggit niya? kalsada?Maraming parte pa rin ng Region 2 ang hindi sementado at hinidi napag-ugnay-ugnay. Tulay? ang tulay ng Tulyahan na napakamahal at andaling nasira. Hindi pa inabot ng isang taon ay sira na. Public Parks? Wala naman akong nakita na nagawang ganito dito sa Metro Manila, lalo pang pinagpuputol ang mga puno. Power Plants? Asan ang mga ito? Bat mataas pa rin ang presyo ng kuryente? Dahil may VAT at systems lost na ipinapatong ng NAPOCOR sa MERALCO at sinisingil naman sa mga tao.

Dapat maging daan sa tagumpay sa agribusiness ang reporma sa lupa. Done
right, reform will democratize success, as Ramon Magsaysay and Diosdado
Macapagal envisioned. We must reform agrarian reform so it can transform
beneficiaries into agribusinessmen and other agribusiness women.


Repormang agraryo? Buhay pa rin ang hacienda ng Arroyo at Coquangco. Hindi pa rin ipinagkakaloob sa mga magsasaka. Ilang magsasaka ang nagmartsa pantungong DAR & DA para igiit ang kanilang karapatan sa kanilang sinasaka.

Sa anim na taon nagtayo tayo at nag-ayos ng patubig para sa isang milyong
ektarya sa buong bansa - pinakamalaki sa matagal na panahon.



Patubig? marami pa ring sakahan sa Isabela at Cagayan ang hindi inaabot ng patubig at umaasa lamang sa ulan na dala ng malalakas na bagyo.

We thank Miriam Defensor-Santiago and Migz Zubiri for sponsoring the
Biofuels Law in the last Congress. We now have 160 thousand hectares of jatropha
nurseries in Bukidnon and 30,000 in General Santos. Jatropha is a 100%
substitute for diesel, with only 5% of its emission.


Anong nangyari sa taniman na binisita niya? Hindi bat 160,000 hectares sana pero ang nangyari 100 hectares lang ang natamnan. Sana tinamnan niyo na lang ng palay ang 160,000 ay makakapag-ani ng 1,600,000 na sako. Hindi kung ano na lang ang ipinagtatanim na di naman mapakinabangan. Bawas pa sana sa inaangkat na bigas sa ibang bansa.

Sa Lallo naman mayroon tayong inaprobahan na agribusiness ecozone. Ang
mga agribusiness ecozone ay payo ni Pangulong Ramos. Chief Justice Puno, I am
happy to see you here. It is the first time that a Chief Justice
attended.


Anong nangyari sa Agribusiness Zone na ito?

Some towns in Nueva Vizcaya, Quirino, and Isabela are included in the
geo-hazard mapping we have done for 700 cities and towns all over the country to protect the environment.


May mga nagmimina sa mga bayan ng Nueva Vizcaya. Sinisira ang mga bundok para lang makapagpaluwal ng revenue? At kahit sa ibang panig ng bansa, pinayagan ang pagmimina ng mga dayuhang korporasyon.

The Bangui Bay Wind Power Project which was put up when Bongbong Marcos was governor, is now expanding. Sa paggamit ng hangin, nababawasan ang kailangang langis sa enerhiya.

Asan ang karagdagang windmill? Baka tinangay ng hangin.


Clark airport got its approach control radar in April. It now has 50
international flights and 50 cargo flights a week, the second busiest after
NAIA. We want more airline service centers there. Now, speaking of NAIA, I'm
sure everyone wants to know about NAIA Terminal 3. The ceiling that fell wasn't
the only thing in danger of falling. There are more serious dangers from
construction and structural defects. We cannot risk the grim consequences of a
major earthquake. But NAIA is accelerating the remediation, completion and
opening of the terminal. Public safety comes first.


Ayon sa isang report, di raw kakayanin ng NAIA 3 ang magnitude 6 na lindol. Katotohanan dahil hindi pa nagbubukas ang naturang airport pero bumagsak na ang kisame. Bakit hindi habulin ang mga kontraktor nito. O baka naman dahil may nakinabang? Kaya patay malisya. At patay ang mga taong sasakay dyan.

Last year, I said we would connect North and South Expressways through
C-5. Ginagawa na ang C-5 bandang Katipunan. Kausap na ang UP para sa bagong daan patungong Commonwealth, na kasulukuyang pinapalapad at North Avenue. Sa kabilang dulo ng Mindanao Avenue, binibili na ang lupa para sa bagong daan mula Barangay Talipapa hanggang Malinta at tuloy sa NLEX. Sana bumawas ang trapik pa-North Manila.


Hindi pa nauumpisahan. Kahit puntahan niyo. Drowing lang.

We just broke ground to continue the Skyway up to Alabang. In a year the
fast train from Caloocan to Alabang will be serving thousands daily. From
Alabang to Santo Tomas the South Luzon Expressway is currently being widened.
And by March, Ricky Reyes SLEX will reach Batangas Port.
Hanggang ngayon ang Skyway ay walang pagbabago. Yung nakatayong poste dati, yun pa rin ang ginagawa nila, abala na nga sa mga motorista. Fast train of Caloocan to Alabang? Kalokohan! Hanggang ngayon pati ang pagpapaayos ng SLEX ay napakatagal. Limang taon ng kinukumpuni pero hindi pa rin matapos-tapos.

Matapos ang maraming taong usapan, ang ating administrasyon ang
nakapagsimula ng Flood Control Project sa Kalookan, Malabon, Navotas at
Valenzuela (CAMANAVA).


Binabaha pa rin ang CAMANAVA. Tanungin niyo ang mga nakatira.

Information technology will help the BIR bring in more taxes in the
coming months. Its Revenue Watch Dashboard will monitor revenue collections in
real time from the national level down to the examiners. The LGU Revenue
Assurance shares information between the BIR and the LGUs to uncover fraud and non-payment, before heads would roll per Danny Suarez's Attrition
Law.


Marami pa rin makukulimbat ang mga taga BIR kahit may kompyuter. Dumadaan pa rin sa tao ang pera. Matutukso pa rin sila. Andaming kaso ng ganitong kalokohan ng kawani ng BIR.

This year, we are investing more for education: P150 billion, P29 billion more than last year.

And, last year government and private sector built 15,000 classrooms instead of the usual 6,000.

Noon, isang libro bawat limang mag-aaral.

Ngayon, tig-isang aklat na bawat grade schooler.One third of our public high schools now have Internet access, with private sector support.


Tanungin mo mga istudyante. Iilingan ka lang.
We must weed out corruption and build a strong system of justice that
the people can trust. We have provided unprecedented billions for anti-graft
efforts. Thus the Ombudsman's conviction rate hit 77% this year, from 6% in
2002. We implemented lifestyle checks, dormant for half a century. Taun-taon
dose-dosenang opisyal ang nasususpinde, napapatalsik o kinakasuhan dahil
labis-labis sa suweldo ang gastos at ari-arian nila.

Sana nakulong na si Jocjoc Bolante at Abalos.
Firms who were asked for bribes in taxes, permits and licenses dropped
from one-third to one-half. Contract bribes are also down. Graft won't be
eliminated overnight but we are making progress.


Maraming ganito, sila pa ang magsasabi ng kanilang presyo na ipatong sa kontrata. Kaya nakakatakot ang makipagtransak sa gobyerno. Wala na nga downpayment, matagal magbayad at sa kalaunan pag nabuko ang mga taong may kagagawan ng ganito. Iiwanan ka sa ere at mag-isa kang babagsak sa kulungan at kahihiyan.

Our fundamentals are paying off in huge leaps in investment. Anim na
milyong trabaho ang nalikha sa anim na taon, most in sustainable enterprises. Sa
lakas ng piso, bumagal ang pagtaas ng bilihin.


Bumagal ba ang pagtaas ng presyo ng gas, ng mga bilihin, ng pamasahe? Ang piso na bumabalik na parang yoyo sa tunay niyang presyo.

SONA (sana). Makikinig ka pa ba?
Post a Comment

Popular Posts