Text Messaging Subsidy

Ikaila man ng isang libong beses na walang pangbrabrasong naganap sa pagitan ng MalacaƱang at ng mga kumpanya ng telecom ay hindi maialis ang mga spekulasyon ng may secret deal na kapalitang promong ito na tatagal lang ng 90 days.

Sinimulan na ng Globe, Smat at Sun ang pagkaltas ng singil nila ngayon, mula piso ay ginawa na lang 0.50 centavo ang bayad ng pagpapadala ng mensahe, na itinaon sa SONA ni Arroyo. Hindi ba't nangangamoy sibuyas ang stratehiya nila? Pampalubag loob sa mga nangangalam na sikmura ng sambayanang Pilipino. Uunahin mo ba ang pambili ng load kaysa sa pagkain?

Dahil siya ang reyna ng subsidia, siguro nangako siyang babayaran ng gobyerno ang kalahati ng mawawalang kita ng mga dambuhalang korporasyon, o kaya rebate ng buwis na binabayaran nila sa gobyerno?


"Anumang dahilan ay hindi mahalaga basta't ginogoyo ko sila".

Basic need ba ng mga mamayang Pilipino ang load? Nakakain ba ito? Nakakabawas ba sa taas ng mga bilihin, ng pamasahe? Kung talagang sinsero siya sa adhikaing tumulong, tanggalin ang VAT o kaya naman kaltasan.

Kaya sa mga adik sa text, text lang ng text while supplies last.

Buti hindi binanggit ang NLEX na bumaba ang singil. At pati Meralco na muntik nilang ginamit para mapababa ang singil ng kuryente. Ang cheap mo!
Post a Comment

Popular Posts