Who says typewriter is out?



Nasa sulok na ba ang inyong typewriter at pinamahayan na ng mga ipis o tinabunan na ng alikabok? Kapag oo magdalawang isip na kayo at agad linisin. Kung bakit? Basahin mo ito.

Habang prinoproseso ko ang permit galing sa Department of Environment and Natural Resources para sa eksibit namin sa World Trade nitong July 18, napansin ko ang pormularyo na ibinigay sa akin ng organizer. Eto pala ay dapat pinupunan gamin ang typewriter, napakamot ako sa aking batok. Saan ako hahagilap ng typewriter ngayong panahong ito, gayong dinomina na ng kompyuter ang mundo at tila patapon na ang sinaunang uso. Wala na rin yung dating maraming hilera ng mga nagta-type sa Recto.

Una akong pumunta sa City Hall ng Quezon City para kumuha ng sedula at magbakasaling may mapagpa-taypan doon pero nabigo ako. Nakita ko ang isang gwardya at tinanong ko sa kanya kung saan ako pwedeng magpa-type. Ayun sinamahan ako sa isang maliit na opisina na katabi ng pinagkukuhanan ng Police Clearance. Eto pala ay opisinang nagnonotaryo, pinapunan ko ang mga dokumento, siguro kung bilangin ko ang letra nito ay aabot lang ng 150-200. Nagbayad ako ng 30 pesos. Mas mahal pa kung nag-arkila sana ako sa kompyuteran, may 20 pesos per hour na ngayon. At ang mas ikinagulat ko ay ang gwardya na nagturo sa akin ay may tip pala kung nakakadala siya ng tao doon na magpapagawa. Sinilip ko ang opisina ng pulis na katabi lang ng pinuntahan ko, pareho rin palang typewriter ang gamit nila.

Karamihan pa kasi ng polmularyo ng ahensya ng gobyerno ay ginagamitan pa ng typewriter. Hindi pa sila makasunod sa uso ng e-filing na gamit ang Microsoft Word o Excel. Dahil matatanda na rin ang mga kawani nito, karamihan sa kanila ay di marunong gumamit ng makabagong teknolohiya at pinagtiyatiyagahan ang papalaos ng gamit.

Magandang pagkakakitahan? Hindi kasi madalang, parang patak ng ulan sa panahon ng tag-araw.
Post a Comment

Popular Posts