1 Peso coin for export?

Akala ko wala ng halaga ang ating isang pisong barya dahil sa mahal ng mga bilihin ngayon. Tanging kendi na lang ang katapat nito sa sari-sari store ni Aling Maria.

Ayon sa napanood ko kanina lang muntik ng makalusot papuntang Korea ang 17.9 metriko toneladang tig-iisang piso at nagkakahalaga ito ng 30 milyon pesos at pagdating dun aabot na ito ng 200 milyon. Higit na anim na beses ang halaga ating isang piso ayon sa nakalap kong impormasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang ating isang pisong barya ay may 75 porsyento ng copper at 25 porsyento ng nickel. Mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng selpon, partes ng kompyuter, tokens para sa mga amusement park at train, at pati na rin sa mga bala ng baril.

Ang ginagawa nilang pagkuha ng mga barya ay mas madali kaysa magmina sa bundok na mas magastos at sisirahin pa ang kabundukan. Matatandaan ko pa dati na may ganitong balita rin ang China ay nangunguha rin ng ating pisong barya.

Kaya kung noon pa kayo nag-alkansiya aba tignan niyo na. Baka may 200 libo na yan. Pwede natin ipagbili ng 1.2 milyon. Tawagan niyo lang ako hehehehe.
2 comments

Popular Posts