Skip to main content

Ancestral Domain; another key to a bigger war

Ang isyu ng ancestral domain (yung mga lupang pag-aari ng mga ninuno nila ay dapat mapunta sa mga susunod nilang lahi – “ang kay Jose ay kay Jose”), ay malawak ang sinasakupan hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

Pagkatapos naging matagumpay ang Final Peace Agreement ng Pilipinas at Moro National Liberation Front noong 1996 at napagkalooban sila ng sariling otonomiya(ARMM), ay naging problema naman ng gobyerno kung paano paamuhin ang mga break-away ng nasabing grupo na nagtatag ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Hindi kasi kinikilala ng MILF ang otonomiyang sinasabi ng gobyerno na nabuo pa noong rehimen ni Pangulong Marcos. Iginiit ng MILF ang problemang ipinaglalaban nila ang pagkakaroon ng total na otonomiya nila sa ilalim ng iisang Bangsa Moro.

Sa iginigiit nilang agenda ay nagkaroon ng tatlong sakop,
siguridad
rehabilitasyon
ancestral domain

Pinakamabigat ang Ancestral Domain, dahil ito ang susi para magkaroon ng peace talks sa pagitan nila ng gobyerno. Sa ilalim ng agenda, ang mga Moro ay magkaroon ng sapat na pagkontrol sa kanilang teritoryo at resources, at pamunuan ang kanilang sariling sakop ayon sa kanilang kultura na hindi laging pinapakialaman ng Manila.

Naging usad pagong ang nasabing agenda pero sa wakas ay may patutunguhan. Ngayong araw sana Aug 5, nakaiskedyul ang pagpima ng final draft ng Memorandum of Agreement para sa ancestral domain sa pagitan ng MILF at gobyerno sa Putrajaya, Malaysia pero nag-file ang mga opisyal ng North Cotobato sa Supreme Court ng Temporary Restraining Order(TRO) para pigilan ang pirmahan, at kahapon ito ay inilabas.

Pagsakaling natuloy, ang pagpapatupad ng nasabing ancestral domain tiyak madadamay ang mga kristiyanong nagmamay-ari ng lupa at papaalisin sila. Kung sakali namang pumalpak ang gobyerno sa pagpapatupad, magkakaroon na ng susi ang MILF para sa kanilang kalayaan at itatag ang bagong bansa. Nakapaloob kasi sa MOA ang lahat ng elemento ng isang estado, gobyerno, ang mamamayan, territoryo at international na pagkilala ng buong mundo.

Sa ilalim ng MOA, ang sinasukupan ng ARMM ay palalawakin mula sa dati ng probinsiya ng Sulu, Maguindanao, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Basilan, at Marawi City, ay isasama ang mahigit 700 villages sa probinsiya ng Sultan Kudarat, Lanao del Norte, at North Cotabato pero bago mangyari yun dadaan muna sa pamamagitan ng botohan na gaganapin sa 2009 at 2034.

Parang malabong magkakaroon ng totoong kapayapaan ang sinasabi nilang Bangsa-Moro dahil sila-sila ay hindi nagkakaintindihan, watak-watak at nagtatag ng sariling grupo. Hindi nila kayang kontrolin ang kapwa nila Muslim na naghihimagsik ng terorismo gaya ng Abu Sayyaf.

Hindi lang Muslim(Moro) ang nagmamay-ari ng Mindanao, maraming etniko ang nakatira gaya ng mga Lumads (tribu ng Manobo, Talaandig, Pulangiyon, Mamanwa, Bla'an, Dibabawon, Mandaya, T'boli, Tagabawa-Bagobo, Erumanen-Menuvu, Higa-onon at Subanon). Sila rin ay may sariling lupang dapat para sa kanila. Paaalisin din ba sila ng mga Moro para kunin ang ancestral domain na sinasabi nila.
Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…