AnthologyBuilder now accepting Iluko Literary Works

Pagkatapos kong mag-antay ng ilang buwan, eto at naapprove na rin ang mga kwentong ipinasa ko sa Anthology Builder, pinakauna ang Ilokano sa lahat ng wika sa Pilipinas na tinanggap. Kahanay nito ang English, French, Spanish, Italian at German.

Sa halagang US$14.95 ay magkakaroon ka na ng Anthology o isang kalipunan ng inyong paboritong mga kwento mula sa mga manunulat ng buong mundo. Hindi mo na kailangan pang bumili ng maraming mga aklat.

Para sa mga manunulat, kailangan lang gumawa ng sariling account para magkapagsumite ng gawa. Mag-antay ng sampung araw para maaprubahan ito. Papadalhan ka ng email na naglalahad na aprubado na ito.

Ang Anthology Builder ay pwede ring market site ng mga manunulat dahil ang lahat ng isusumiteng gawa ay binabayaran kapag may bumili o nagsubkribo rito.
Post a Comment

Popular Posts