Back-up your Blog?

Nangangamba ba kayo na pagdating ng araw bigla na lang mawala ang inyong pinaghirapang mga artikulo sa inyong blog dahil hindi niyo na ito mahanap, o kaya'y may mga parte nito ang nabawasan.

May mga naitalang ganitong insidente na sa blogosphere na kung saan naglaho ang pinaghirapan ng ilang taon. At hindi ito maiiwasan lalo na't libre lang naman ito kaya pwede nila itong paglahuin na parang bula. Kahalintulad lang natin ang isang estranghero na nakitulog, nakikain, nakipagkwentuhan at nakigamit sa kanilang mga kagamitan. Sa madaling salita, ito'y pahiram lang.

Ang BlogBackupOnline ang isa sa nakikita kong solusyon para kahit papaano may matira kang kopya kung sakaling magloko ang kanilang sistema dahil sa dami na ng subscriber. Ang naturang site ay nagbibigay ng libreng serbisyo sa paghawak ng inyong mga dokumento. Worry free! Ang hindi lang sakop nila ay yung mga widget/plug-in dahil ang mga ito ay kasama/parte ng program. Pero ang mga komento ng bumasa ay kasama sa kanilang itatago.

Isa pa itong BlogBackupr, halos pareho rin ang serbisyo nila. Para sa akin mas maganda ang mga ganito kung ikumpara kaysa sa mga bookmarking site.

Kaya ano pa inaantay mo, bago ka magngawa bukas, subukan mo na ito. Wala naman mawawala sa'yo kung sakali, di ba?
Post a Comment

Popular Posts