Skip to main content

Ballooning Population of the Philippines

Para mapalaki ng tama ang isang bata hanggang mapagtapos ng kolehiyo ay aabot ka ng isa't kalahating milyon. Nakapaloob na dito ang kumpletong pagkain, gamit, tamang edukasyon at pati na para sa kalusugan. Paano na ang isang ordinaryong mamamayan, saan siya kukuha ng ganitong halaga, lalo na kung ang anak ay isang dosena.

Ang populasyon ng Pilipinas ay lumolobo ng dalawang milyon kada taon. Mula noong 1950 na mahigit 19 milyon umabot na ito ng 92 milyon pagsapit nitong Agosto ng 2008 at tinatayang magiging kulakulang na 200 milyon ang populasyon pagsapit ng 2075-2085.

Itong paglobo ng populasyon na'to ay sa dahilang walang permanenteng programa ang gobyerno kung saan siya tatayo pagdating sa nasabing usapin. Datapuwa't naglalaan ito ng $ 49M sa birth control kada taon ay parang walang napupuntahan ito. Kada bagong opisyales kasi, bago rin ang paninindigan. May nagsusulong ng birth control sa pamamagitan ng kontraseptibo meron din atubili. May natatakot na babatikusin ng simbahang katoliko kung isusulong ang makabagong pamaraan. Napakalaki ang impluwensya ng simbahan kung bakit hanggang ngayon patuloy pa rin ang paglaki ng populasyon.

Kamakailan lang, inulan ng batikos mula sa simbahan ang isinusulong ngayon ni Congressman Edcel Lagman ng Albay na bill tungkol sa Reproductive Health and Population Development Act ng 2008. Sakop nito ang
(1) Impormasyon tungkol sa natural at modernong pamaraan ng family planning.
(2) Nutrision at kalusugan para sa nanay, sanggol at mga bata.
(3) Promosyon ng breast feeding.
(4) Pagprevent ng pagpapalaglag at pag-manage sa komplikasyon ng pagpapalaglag.
(5) Kalusugan ng kabataan.
(6) Pag-prevent sa mga nakakahawang sakit gaya ng STD at AIDS.
(7) Pagtigil ng pananakit/pag-aabuso sa mga kababaihan.
(8) Pagpapayo tungkol sa reproductive health.
(9) Paggamot sa breast cancer at kung paano ito makita agad.
(10) Partisipasyon ng mga kalalakihan sa RH.
(11) Paggamot at kung paano maiwasan ang pagkabaog.
(12) Edukasyon ng kabataan tungkol sa RH.

Karamihan kasi sa mga Filipino ay wala masyadong kaalaman o edukasyon kung paano kontrolin ang pagdami ng pamilya. Ni hindi dumadaan sa seminar at nagiging ignorante. Basta na lang tira ng tira. Masarap e. Pagkatapos ng sampung taon na pagsasama, eto at may mala "rice terraces" ng mga anak.

Habang ganito ang populasyon, ang budget ng gobyerno na nakalaan kada taon ay hindi magkakasya. Kapag dumami ang tao, dadami rin ang kailangan na suplay ng pagkain, ang mahirap di naman dumadami ang sakahan na tinatamnan, bagkus lumiliit pa nga ang mga ito dahil tinatayuan ng mga bahay.

Mahirap baguhin ang isang tao sa isang iglap lang, kailangan mo ng tatlong henerasyon para mawala ang iba-ibang paniniwala nito na ipinamana ng kanyang mga ninuno. At kung talagang seryoso ang gobyerno para masolusyonan itong ganitong klase ng problema, baguhin dapat nito ang kapaligirang ginagalawan ng isang tao. Palakasin ang kampanya sa birth control, ituro ang tama at ituwid ang mga maling paniniwala. Nasa pandidisiplina lang at tamang pagpapatupad ng batas.
Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…