Beijing Olympic Update

Tulad ng nagdaang Olimpiyada, tila wala na namang maiuuwi ang Team Philippines, kasing ilap ng hayop sa gubat ang gintong medalya. Isa-isang nalalagas sa kanilang paboritong palakasan ang mga delegado ng Pilipinas at kahit siguro tanso ay wala pa.

Sa unang araw ng kompetisyon (Aug 9), pinakakulelat sa lahat ng sumali si Eric Ang ng Shooting. Dahilan niya naging excited daw masyado dahil unang sabak niya sa olimpiyada.

Aug 11, pumangalawa sa huli ang 17 anyos na si Hidilyn Diaz sa 58 kgs weighlifting. At kahit nanguna si JB Walsh sa heat #2 ng Men's 200M Butterfly, hindi pa rin ito nagkasya para pumasok siya sa susunod na heat. Nagtapos ito na pang-29 sa 44 na nakikipagkompetisyon.

Aug 12, hindi rin nakapasok sa susunod na round sa Men's 200M Breaststroke si Miguel Molina, pumang-anim lang ito sa heat #2.

Aug 13, natalo rin si Mark Javier sa finals ng Archery.

Sa swimming, pumang-apat lang sa heat # 2 si Christel Simms sa Women's 100M Freestyle. Subalit nawasak niya ang Philippine Record, hindi ito nagkasya para maka pasok sa susunod na heat.

Pati si Miguel Molina ay nagtapos rin na pangalawa sa Men’s 200M Individual Medley.

Naging malungkot din ang mundo ng boksing matapos matalo si Harry Tañamor sa kanyang kalabang taga Ghana sa Light Flyweight ng una niyang laban. Si Tañamor na pangatlong beses ng delegado ng olimpiyada na hanggang ngayon wala pa ring naiuuwi na medalya.

Inaasahang tulad ng mga naunang delegado, isa-isa ring babagsak sa kanilang mga laro ang ibang natitirang delegado.

Sayang ang 15 milyon na ipinangako sa mananalo sana ng ginto. Ginawa lang itong press release, dahil alam naman nila na walang makakagawang makakakuha ng medalya sa mga delegado.
Post a Comment

Popular Posts