GNU Image Manipulation Program

Naging aburido ako sa paggamit ng Adobe Photoshop nito nakalipas na mga buwan. Hindi ko maperpektong maigi ang mga logo, button at mga larawan na gusto ko sanang kalabasan. Nahihirapan din akong imanipula ang mga ito lalo na sa larawan dahil hindi ko masyadong kabisado itong gamitin.

Hanggang nabasa ko sa internet ang isang artikulo at nagtatanong kung paano daw niya palinawin ang isang blurred na larawan. Kagaya ko naghahanap din ng solusyon na mas kombinyente sa kanya at mas madaling gamitin(user-friendly) na program.

Isa itong GIMP 2.5 (GNU Image Manipulation Program) sa mga nakita kong software na tila kasagutan sa lahat, at higit sa lahat libre itong i-download sa kanilang website at nag-a-update ng kusa. Ang mga feature nito ay akma sa makabagong henerasyon dahil gumagamit din ito ng tatlong dimensyon(3D). Madaling sundan kahit konti lang ang background mo sa kompyuter. Nagmumukhang propesyunal na gawa ito pag nailipat na.

Ang GIMP 2.5 ay meron ding button at logo maker. Kailangan mo lang maghanap ng font (istilo ng mga letra) na gagamitin. Maraming available sa internet na pwede idagdag sa inyong ginagamit ngayon.

Sa larawan, kaya niya itong palinawin ang mala-usok, pwede ka ring maglagay ng border na naka bevelled, i-convert ang larawan para maging cartoon.

Meron din itong “user manual” para turuan ka ng step-by-step na paggamit sa feature nito.


Eto ang mga sample ng gawa ko:


LOGO





BUTTON




SPHERE



LARAWAN


Post a Comment

Popular Posts