Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon nagsasalita na sila ng Ilokano, Ata ng Mabinay, Negros Oriental, Ayta-Sorsogon na matatagpuan sa Prietro Diaz, Sorsogon na karamihan sa kanila ay nakapag-asawa ng ibang lahi.

Subalit marami pa ang bilang ng Casiguran Agta (Casiguran Dumagat, matatagpuan sa Casiguran, Aurora) na may 600 katao, pero nanganganib na rin ang kanilang lengguahe dahil sa bata pa lang ang isang agta ay natututo na ng Tagalog. Dati nakatira ang mga ito sa mga gubat at gilid-gilid ng dagat pero ang iba lumipat sa patag para maging tagapagtrabaho sa mga kontsruksyon, sa palayan at pati sa mga bahay .

Dalawang lengguahe sa buong mundo ang namamatay sa loob lamang ng isang buwan at pagsapit ng susunod na siglo 1/3 nito ang matitira. Hindi malayong mangyari na ang Pilipinas ay magiging 5 -10 na lang ang magiging lengguahe nito. Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Maranaw, Waray, Kapampangan, Pangasinense, Maguindanao at Tausug.

Sana tutukan ng gobyerno ito. Ano ang ginagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino? Buwan ng wika ngayon di ba?
Post a Comment

Popular Posts