Skip to main content

No Glory for the Philippines

"HOPELESS PHILIPPINES"

Ito ata ang nababagay na linya para sa kampanya ng Pilipinas sa Olimpyada. Magkakasunod na bumagsak sa kani-kanilang kompitisyon ang mga pambato ng bansa. Ni hindi sila nakaakyat man lang sa susunod na hakbang at bumagsak agad sa eliminasyon ng unang pagtatangka.

Ang mga iba ay nabura nila ang Philippine Record pero malayo iyon kung ikumpara sa mga naitalang World Record. Hindi iyon naging sapat. Kinulang sila ng lakas kahit sabihin ng ipinalangin sila ng sambayanang Pilipino.

Sumabak si Maristella Torres at Henry Dagmil ng Athletics pero hindi sila pinalad. Halos nasa panghuli lang sila sa kanilang mga kalaban. Ganun din si Tshomlee Go sa Taekwondo at Mary Antoinette Rivero na sinawing palad din. Sila na nagreyna at naghari noong SEA Games ay isa-isang nalagas. Malayo masyado ang kanilang lakas kung itapat sa mga taga Europa.

Buti pa ang mga karatig bansa natin dito sa Southeast Asia at may medalyang maiuuwi. Hindi ba tinalo natin ang mga ito noong dito ginanap ang SEA Games. Ang Indonesia na may 1 gold, 1 silver at 3 bronze at nasa pag-35 sa ranking. Ang Thailand na pang-50 sa ranking ay may 1 gold at 1 silver. Ang Malaysia, Singapore at Vietnam na may tig-iisang silver at pang-65 sa ranking. Baka mamaya pati Myanmar, Laos, Brunei, Cambodia at East Timor ay may makuhang medalya pero tayo hanggang tulo-laway na lang at uuwing luhaan.

Kulang talaga ang programa at pondo pagdating sa amateur sports. Kulang ang mga kagamitan para makatuklas at maka-enganyo ng mga atleta na sasabak sa ganitong larangan. At minsan ang mga opisyales ay di nagkakasundo, nag-aawayan sa pondo na pwede nilang makulimbat. Sa dami ng Pilipino wala man lang ni isa rito na pang-gold.

Bakit kung sa professional na division may naghahari na Filipino. Lalo na sa boksing, bowling, golf at billiard. Sana isinabak muna si Pacquiao sa amateur para nakaginto na ang Pilipinas bago ito nagpropesyonal pero gasino lang naman kasi ang kikitahin mo sa amateur kung ikumpara sa professional. Milyon-milyon ang layo. Kulang din ang insentibo sa mga atleta. Tignan na lang natin ang kaso ni Mansueto Velasco, ang panghuling pilak na medalya ng bansa sa Atlanta Olympics. Ni hindi naibigay ng tuluyan ang ipinangakong gantimpala ng mga politiko. Ito sana ang daan para pagsikapin niya ang susunod na olimpyada noong 2000 para makamit ang ginto. Tuloy nadismaya ata ang tao at pinasok na lang ang showbiz.

Ngayon uuwing wala ang mga delegado ng bansa. Tanging karanasan ang baon. Pagkatapos ng apat na taon sasabak na naman sila. Paulit-ulit na kasaysayan. Parehong delegado na natalo ang isasabak ulit.
Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…