Skip to main content

Organic Life

Patok na patok ngayon ang mga organikong pagkain dito sa kalunsuran. Mga produktong hindi ginamitan ng mga pestisidiyo at artipisyal na pampataba para lang makapagpalabas ng mas malaking bunga at malayo sa mga insektong sisira sa mga pananim, o yung mga hindi binago ang sangkap/genes(Genetically Modified Organisms) para maging high-breed.
Pagbumibili tayo sa mga palengke o supermarket ng bigas, gulay, prutas, karne at isda ay hindi tayo sigurado na ito ay mga organikong produkto. May mangilanngilan na naglalagay ng "tagging" na ito raw ay organic pero madali lang naman na gawin ito dahil wala namang pagpapatunay na ganun nga ang pag-aalaga sa naturang produkto, at higit sa lahat mas malaki ang kita kasi nila dahil mas mahal ang presyo ng organic.

Naging isyu ang paglubog ng MV Princess of the Star ng Sulpicio Lines hindi lang dahil sa pagkamatay ng maraming sakay nito kundi pati na rin ang lulan nitong "Endosulphan (aka Thiodan, Thionex, Phaser, Benzoepin by Bayer) " na pag-aari ng Del Monte Philippines. Ginagamit kasi ang naturang pestisidiyo para kontrolin ang mga peste sa mga tanim nilang saging at pinya. Ang endosulphan ay istriktong ipinagbabawal sa mga bansa sa Europa pero dito sa Pilipinas ngayong Septembre pa lang umpisahan. Sa US, Canada, Australia at India ito ay malawakang ginagamit pa rin nila. Ang lulan ng lumubog na barko ay galing pa ng India.

I-imagine mo na habang kumakain ka ng repolyo, letsugas, petsay, cauliflower o lahat ng may dahon na gulay, habang sarap na sarap ka ay ito pala ay may sangkap na endosulphan o kahit anong pestisidiyo. Direktang iniinom mo ang naturang pestisidiyo, lalo na sa mga restauran na ginagawang salad ang mga ito.

May mga soya at mais ngayon na binago na rin ang kanilang komposisyon (GMO) para maging mas marami ang aanihin. Kilala ang mga nasabing tanim bilang pakain sa mga isda, manok at baboy. Ayon sa pag-aaral ang mga alaga na pinakain ng mais na GMO ay nagdedeveloped ng problema sa dugo (leukemia), high blood, kidney, liver, allergies sa impeksyon, biglang pagtaas ng blood sugar levels, diseases, at pati kanser. Kaya pala marami na ngayong sakit na walang lunas dahil hindi mahanap kung saan nagsimula.

Pati mga beybi ay di rin ligtas sa inorganikong istilo ng buhay, dahil sila ay pinapadede sa mga formulated milk at mga artipisyal na suplimento.

Madalang sa mga pamilihan ang organikong produkto at mahal ng konti kung ikumpara sa mga pagkain na ginamitan ng makabagong pamamaraan ng pagpapalaki pero ang pagtitipid ay meron din namang mapupuntahan

Kung gusto niyo talagang magkaroon ng sariling organikong produkto gaya ng gulay, pwedeng magtanim-tanim sa bakuran o sa mga paso. Mas makasigurado kayong organiko talaga ito dahil ikaw mismo ang nag-alaga.

Kung bibili sa groseria, tignan at basahin mabuti ang mga tatak at subukan ikumpara ito sa mga nakadisplay. Kahit sa kulay pa lang ay makikita ang diperensia nito gaya na lang sa itlog ng manok, higit na matingkad ang kulay ng organikong itlog na tila makapal ang balat nito kaysa sa inorganikong itlog na madaling madurog. Sa gulay mas matapang o mas mabango ang organik at minsan naman sa sukat ay mas maliit din ito. Sa mga bigas meron din yung tinatawag nilang brown rice, kasing presyo rin ito ng mga commercial rice. Ang mga tinatanim ngayon sa probinsiya na palay ay di na rin ligtas dahil iniispreyan na rin ng sandamakmak na pampatay ng peste, at ito ay mga high-breed para maging matibay sa bagyo at tagtuyot.

Huwag masyado kumain ng fastfood na nagkalat sa mga tabi-tabi. May kasabihan kasing "fast food, fast life". Karamihan kasi ay mga processed food na ito, para tumagal ang buhay nilalagyan nila ng preserbatibo, at nagtataglay din ang mga ito ng matataas na level ng taba, asuka at asin. Kaya tumataas ang porsyento ng mga obese na batang Filipino ay dahil sa mga ito.
Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…