Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2008

Treasures of Cagayan Valley

Nagmamadali akong umalis ng bahay kaninang umaga kasi nakaschedule ang miting ko ng 9:00AM sa isang interior designer sa bahay ng kliyente niya sa Alabang Hills, pero tumawag siya na i-reset ito ng 3:00 PM, kaya ayun wala na akong magawa kundi tumuloy na lang dahil nasa sasakyan na ako. Sayang naman ang oras kung babalik pa ako.

Naisipan ko na lang mag-mall hopping tutal madadaanan ko naman ang Festival Mall. Pamatay oras habang nag-aantay. Sa aga ko, isa ako sa mga unang pumasok sa mall. Ikot ng ikot sa mga shops hanggang napadako ako sa isang trade fair na ginaganap sa Mini Trade Hall sa may 2nd Floor ng mall.

"Gameng ti Cagayan Valley" ang pamagat nito. Gameng, iluko word for Kayamanan. Hindi yung literal na kayamanan kundi mga kumpanya at kooperatiba na naka-base sa Quirino at Nueva Vizcaya na gumagawa ng mga processed foods, arts & crafts, furnitures & accessories, bulaklak at ornamental plants.

Naalala ko tuloy noong bago pa ako sa kumpanyang pinasukan ko sa Makat…

Google Phone versus iPhone?

VERSUS

May bago na namang inaantay ang buong mundo, eto ang T-Mobile G1 ng Google na lalabas nitong October 22 sa US. At ang goodnews nito ay mas mura sa halagang US$179 kaysa sa US$199 na iPhone ng Apple. Ewan ko lang kung magkano naman ito kung dumating na sa atin, dahil yung US$199 sa US na iPhone ay naging US$850 ng nasa Pilipinas na, sa pamamagitan ng Globe.


Ang G1 ay mas makapal kaysa sa iPhone, pero mas malapad ng konti naman ang  iPhone. Ginawa ito ng isang Taiwanese firm na HTC. Ang Google Phone ay pinapatakbo ng Android Software, isang klase ng program na ginagamit na rin na libre ng iba pang mobile phone manufacturer.
Sekreto natin 'to...ang SMART daw ang kukuha ng rights sa pagdadala sa Pilipinas at kukumpitensiahin daw ang iPhone ng Globe. Ang presyo ay kagaya ng sa US daw, hehehe.

Anti-Obscenity and Pornography Act of 2008

Isang obra maestra ni Hidalgo. (pornograpiya ba ito?)

Hindi pa natatalakay sa mga media at press itong panukalang batas ni Senate President Manny Villar pero maiinit ng talakayan ito sa cyberspace lalo na yung mga nasa larangan ng arte tulad ng manunulat, mananayaw, iskultor, pintor, mga artista sa entablado at pelikula, at marami pang iba.

Bakit kaya niya isinusulong ito, gayung mas marami pang ibang dapat atupagin kaysa sa walang kabuluhang batas na papatay sa industriya ng sinalumang arte na nag-ugat pa maraming taon na ang nakaraan. Ito'y mula pa sa mga ninuno ng ating mga ninuno. Siya na walang karapatang husgahan kung ano ang nilalaman ng ating mga pag-iisip, ng ating kamalayan sa tunay na anyo ng paglalarawan ng ating niloloob.

Hindi kaya pantapat niya ito sa panukalang batas din ni Rep. Edcel  Lagman o yung tinatawag nilang "Reproductive Health Bill" para makakuha ng suporta sa simbahan na sobrang kumokondena nito? O kaya pantapal niya sa bahong inilabas ni Lacson t…

Garbage & Risky Products of China

Pagkatapos ang isyu ng Fisher Price na nagparecall ng mahigit isang milyong produkto nila sa merkado na gawang China dahil mayroon itong lead sa pinturang ginamit eto at mayroon na namang kinatatakutan ang buong mundo na isang produkto, ito ay gatas.

Ayon sa pag-aaral sa gatas na gawa ng Sanlu, nagtataglay daw ito ng melamine na siyang sanhi kung bakit nagkaroon ng bato sa kidney ang karamihan sa uminom at dumede ng gatas na gawa nila.

Ang melamine ay pangkaraniwang ginagamit din sa paggawa ng melamine resin o melamine formaldehyde, isang raw material para sa mga matitibay na produktong plastik. Kilala ang Melawares sa paggamit ng melamine, ang kumpanyang gumagawa ng mga plastik na kagamitan para sa bahay dito sa Pilipinas.
Ang melamine ay ginagamit din sa mga urea fertilizers at mga pandikit sa formica.

Kaya kung nakain o nasa loob na ng katawan natin ang melamine, mahirap na itong lumabas dahil hindi na basta-bastang natutunaw at naiiwan sa ating kidney. Nagiging sanhi pa ito ng b…

Manila Metropolitan Theater's Vanishing Beauty

Isang pagpapatunay na ang mga Pilipino ay wala talagang pagpapahalaga sa mga bagay na linumana ng panahon ay ang kinasapitan ng Manila Metropolitan Theater na matatagpuan sa may Padre Burgos Street o yung tinatawag nila na Lawton. Sa likuran nito ay ginawang istasyon ng mga bus papuntang South.

Dating pambansang tanghalan ng mga lokal na artista at banyaga pati na rin mga pakontes ng kagandahan at mga dulang ingles at kastila bago ito nagsara noong 1996.

Naglabas ng press release dati ang lokal na gobyerno ng Maynila upang ayusin ang naturang teatro pero hanggang ngayon hindi pa naman nauumpisahan. Naglilikom pa sila dati ng pondo para rito.
Ang teatro ay dinisenyo ng arkitektong si Juan M. de Guzman Arellano at binuksan noong 1931.

Gaya ng ibang mga gusali na matatagpuan sa Maynila pinamugaran pansamantala ng mga iskwater ang harapan at gilid nito sa ngayon.







Flour Millers & Bakers Association Rivalry

Parang awayan din ng mga oil companies at mga tsuper itong banggahan ng Flour Millers at Bakers Association tungkol sa presyo kung ano dapat ang nasa merkado. Hindi kasi nakontento ang mga bakers sa ibinaba ng presyo ng harina kahit bumaba na ang presyo ng trigo sa pandaigdigang merkado. Kulang pa raw kung tutuusin ayon sa kanilang kwentahan ang 13 pesos na inirollback.
Siempre si mamimili na naman ang papasan sa ganitong awayan. Kung dati may mabibili pa ako na pisong pandesal na gaya ng nasa larawan pero ngayon siguradong magiging dalawang piso na ito na kasing kamao lang ng bagong panganak na sanggol.

Revisiting Intramuros

CIUDAD MURADA, ito ang dating pangalan ng Intramuros na ang ibig sabihin ay Walled City o within the walls. Isang komunidad na pinapalibutan ng napakataas na bakod na gamit ang mga matitibay na bato. Hugis itong pentagon o limang sulok.

Paulit-ulit na akong pumupunta sa Intramuros pero hindi para magliwaliw at usisain ang kagandahan nito na sinira ng mga nagdaang giyera. Nitong linggo naisipan naming mag-anak na pumasyal dahil nangungulit ang aking anak na gustong makita daw si Dr. Jose Rizal. Kuriosidad para sa isang batang nag-aaral palang sa Kinder upang makita daw niya ang pambansang bayani.
Note: Ginawa ko rin sinaluma ang mga larawan para maiangkop sa artikulo.
Matandang puno na pinutol pero tumubo ang sanga. Nasa gilid ito ng Letran, malapit sa Puerta Isabel.

Ginawang banyo ng mga iskwater ang harapan ng estatua ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. tsk! tsk! tsk! Konting respeto naman.

Sinalumang bintana mula sa gumuhong building.

Ticket naming tatlo. P50 ang bayad ng matanda at P25…

NAIA 3 Ceiling Falls Again

Hindi pa noon nagbubukas ang NAIA 3 pero bumagsak na ang malaking bahagi ng kisame nito noong March 2006, August 2008 at kahapon naulit na naman sa pangatlong pagkakataon. Wala namang lindol pero bakit kusang nagsisilaglagan ang mga ito. O talagang gustong ipakita na napakalaki ang kinamal ng mga humawak sa naturang proyektong na hanggang ngayon binabayaran pa ng sambayanang Pilipino ang pagpapatayo.
Hindi ba dapat suriin mabuti ang insidenteng ito at huwag lang laging pagtatakpan at sabihin ligtas ang naturang paliparan. Hindi tamang isisi sa klima sa loob nito, dahil kung talaga matibay yan , hindi basta-basta babagsak. Ito kasi ang iginigiit ng pamunuan ng paliparan. Paano na kung ang mabagsakan ay si PGMA e di lagot kayo hehehe. 
Buti walang nasaktan na mga pasahero. Nabansagan pa naman ang mga OFW na bagong bayani, baka mamaya maging bayani nga sila dahil namatay sa pagguho ng isang KISAME lang.
Ayon kasi sa pag-aaral kahit magnitude 6 na lindol lang ay talagang lulubog ang naturang…

MMDA or MPDA

Maaga talaga ang kampanya dito sa Pilipinas. Dalawang taon pa ang papalipasin pero eto at nag-iingayan na ang mga trapo. Kanya-kanyang istilo ng pagpapaganda at pagpapabango sa kanilang mga pangalan. Ang iba pati ang produktong pampaganda ay pinatulan, ang iba naman ginagamit ang pangalan ng kanilang partido, panay ang pagpapa-interbyu sa TV, kunwari ay concern sa kapakanan ng masa at yung pinakasikat sa kanila naglipana sa Edsa ang mukha pati karatig probinsiya.
Kamakailan lang parang tumubong kabute ang mga larawan ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa mga poste ng MRT sa kahabaan ng Edsa. Gatao ang laki at talikuran pa sa poste. Akala mo boss na nakatayo run, suplado at nagmamasid. At ganun din sa mga karatig na probinsiya sa Zambales kung saan hindi naman na niya sakop pero nakalagay sa mga poste ng kuryente.
Nitong linggo lang nabuking ang mga sticker na pinakalat niya sa mga tricycle, bus at pati mga pribadong sasakyan. Noong una akala ko para sa mga totoong bayani na namatay na par…

Total Secure 2009 & Other Malwares

Umiikot na ang bumbunan ko nitong nakaraang dalawang araw dahil sa paglitaw ng mga spyware sa aking kompyuter. Hindi tuloy ako nakagawa ng mga sinusulat ko dahil sa tuwing pinipindot ko lumalabas ang mga warnings na nagsasabi sa akin na impektado daw ang kompyuter ng spyware at kailangan kong i-download ang kanilang produkto. Hindi ko alam kung bakit sila naglitawan gayong wala naman akong pinindot na links.
Una lumabas ang "antispyware", na sabi panlaban sa mga spyware. Naging interesado naman ako baka sakaling matanggal pero mas nagdagdag pa sa pabigat.
Unang lumabas itong warning na ganito. Pero kahit i-click mo ang "yes" or "no".
susunod naman lalabas ito:
Eto ay mga pekeng warning na ginagaya ang itsura ng "My Computer". Nagdadownload din siya ng sarili niya at nilalagyan niya ng pangalan na Total Secure 2009 aka totalsecure2009.exe, isinisiksik niya ang sarili sa My Documents. Sinubukan kong burahin pero hindi kayang burahin ng "delete bu…

Google Chrome Versus Firefox 3

VERSUS

Nagtataka ba kayo kung bakit nagloloko ang inyong Google Browser nitong mga nakaraang araw? Dahil ito sa pagbabago na ginawa ng pamunuan ng Google. Kalalabas lang noong September 2 ang bagong Google Chrome. Isang internet browser kung saan tatapatan nila ang bagong-bago lang na Mozilla Firefox 3.

Punom-puno ng makabagong feature ang Google Chrome, mas mabilis kaysa sa dati at mas may seguridad dahil hindi basta-basta napapasok ng mga embedded ads. Pinasimple ang itsura dahil wala kang makikitang mga menu sa itaas. Hindi mo na kailangang gumamit ng Internet Explorer dahil may sarili itong program na pwedeng idownload ng libre mula sa kanilang website. Pwedeng sabihin nating panlaban din sa Internet Explorer ng Microsoft.
Sa mga nakagamit na nitong Google Chrome, hindi ba kahawig nito ang Firefox 3? Kasi ayon sa mga balita, ang gumawa ng nasabing browser ay dating taga Mozilla Foundation, ang nagmamay-ari ng Firefox. Kasama siya sa mga gumawa ng Firefox noong nagsisimula pa lang. Um…

Bloglist against Blogs I'm Following

Naka-aktibo na ang "Blogs I'm Following" o Followers na feature ng Blogger ngayong araw lamang sa aking account. Mas nauna nila itong inilabas sa Blogger Buzz nila noong August 27. Aaminin ko na isa rin ako sa mga nag-abang sa kanilang bagong pakulo.

Epektibo na sana ang naturang feature kaso noong tignan ko ay parang kapareho lang ng Bloglist na kung saan makikita mo rin ang mga nakaposte na artikulo ng blogger na sinusundan mo. Kapareho lang din ito ng Google Reader sa feature ng Google.

Bago nga, kaso kung punahin mo wala namang pinag-iba. Paulit-ulit lang ang laman. Nagiging redundant kung baga at pampagulo lang na widget sa sidebar.

Marami ng inilabas ang Blogger na pandagdag nitong nakaraan lang para mahigitan ang iba na nag-ooffer din ng serbisyong libre sa pagbla-blog pero hanggang ngayon hindi pa nila maayos-ayos at punom-puno ng bug o kamalian. Ni hindi ata nila tinest maigi bago nila inirelease. Kaya ayun andaming blog subscriber na nagrereklamo.