MMDA or MPDA

Maaga talaga ang kampanya dito sa Pilipinas. Dalawang taon pa ang papalipasin pero eto at nag-iingayan na ang mga trapo. Kanya-kanyang istilo ng pagpapaganda at pagpapabango sa kanilang mga pangalan. Ang iba pati ang produktong pampaganda ay pinatulan, ang iba naman ginagamit ang pangalan ng kanilang partido, panay ang pagpapa-interbyu sa TV, kunwari ay concern sa kapakanan ng masa at yung pinakasikat sa kanila naglipana sa Edsa ang mukha pati karatig probinsiya.

Kamakailan lang parang tumubong kabute ang mga larawan ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa mga poste ng MRT sa kahabaan ng Edsa. Gatao ang laki at talikuran pa sa poste. Akala mo boss na nakatayo run, suplado at nagmamasid. At ganun din sa mga karatig na probinsiya sa Zambales kung saan hindi naman na niya sakop pero nakalagay sa mga poste ng kuryente.

Nitong linggo lang nabuking ang mga sticker na pinakalat niya sa mga tricycle, bus at pati mga pribadong sasakyan. Noong una akala ko para sa mga totoong bayani na namatay na parang simpatiya sa kanila, yung pala ang tinutukoy ay ang chairman ng MMDA. Hindi bat siya ang nag-utos na tanggalin ang mga plakard na napakarami sa harapan ng wind shield. E, ano ang ginagawa ng kanyang sticker?

Naglabas na ng utos si LTO Chairman Alberto Suansing na pagbabaklasin ang mga sticker na ito. Katwiran niya pasakit sa mata ng mga tao, at noong tinanong nila ang isang drayber ng bus ang sabi para raw hindi sila huliin ng MMDA. Ano yan panakot? Saan niya kinuha ang perang pampaimprenta nito? 

At ano naman ang ginagawa niya (pati tauhan) sa iba-ibang lungsod sa Pilipinas? Nagpakalat kasi siya ng mga sasakyang  at tauhan(Marikina) para mamigay ng kung ano-anong naikaimprenta sa papel. May mga banners pa. Sakop pa ba yan ng MMDA?

Metro Manila Development Authority(MMDA) o Metro Philippines Development Authority(MPDA)?

See also more photos: http://mgasidecommentsko.blogspot.com/2008/08/where-in-philippines-is-bayani-fernando.html
Post a Comment

Popular Posts