Treasures of Cagayan Valley



Nagmamadali akong umalis ng bahay kaninang umaga kasi nakaschedule ang miting ko ng 9:00AM sa isang interior designer sa bahay ng kliyente niya sa Alabang Hills, pero tumawag siya na i-reset ito ng 3:00 PM, kaya ayun wala na akong magawa kundi tumuloy na lang dahil nasa sasakyan na ako. Sayang naman ang oras kung babalik pa ako.

Naisipan ko na lang mag-mall hopping tutal madadaanan ko naman ang Festival Mall. Pamatay oras habang nag-aantay. Sa aga ko, isa ako sa mga unang pumasok sa mall. Ikot ng ikot sa mga shops hanggang napadako ako sa isang trade fair na ginaganap sa Mini Trade Hall sa may 2nd Floor ng mall.

"Gameng ti Cagayan Valley" ang pamagat nito. Gameng, iluko word for Kayamanan. Hindi yung literal na kayamanan kundi mga kumpanya at kooperatiba na naka-base sa Quirino at Nueva Vizcaya na gumagawa ng mga processed foods, arts & crafts, furnitures & accessories, bulaklak at ornamental plants.

Naalala ko tuloy noong bago pa ako sa kumpanyang pinasukan ko sa Makati, sa Carousel Court ng Festival Mall din ako nadestino pagsapit ng Philippine Furniture Festival na inoorganisa ng Chamber Furniture and Industries taon-taon. Tumagal ng dalawang taon hanggang inilipat na sa Mega Mall ang exhibit, hindi na sumali ang kumpaniya namin, at itinoka na lang ako sa Philippine International Furniture Shows sa World Trade Center.

Ang mga naka-exhibit sa Treasure of Cagayan Valley ay mga pangkaraniwang mga muebles na nakikita sa bahay-bahay at tila hindi pa sila preparado para sa export, base sa aking analisa. Kulang pa sa kaalaman kung ano ang uso sa international market.

Nag-umpisa ang exhibit ng Gameng ti Cagayan Valley noong Sept 26 at matatapos ito sa Oct 5. Kaya sa mga gustong bumili at balak bumili punta na kayo, tiyak mas mura ito ng konti kumpara sa mga exporter.













Post a Comment