Tullahan Update



Kung taga Valenzuela o Bulacan ka at dito ka sa Tullahan Bridge dumadaan, siguro kailangan mong magbaon ng malaki-laking pasensya. Dahil kahit hating gabi mahaba pa rin ang trapik. Sabi nga nila "Patience is a virtue".

Ang kontrata pala ng nasabing proyekto ay hinati sa dalawa, ang tulay ay sa R.C. Ramos Construction at ang kalsada nito ay sa Ferdstar Builders Corporation. Ang tulay ay mahigit 63 Milyon samantala ang gakulangot na kalsada ay 12 Milyon, sumatotal mahigit 75 Milyon. Ilang bahay kaya ang maitatayo nun? Ilang kwarto ng iskwelahan ang pwedeng pag-aralan ng mga istudyante? Wala pang 300 meters para sa 12 milyon. Napakamahal! Mas mahal pa ata kaysa sa Diosdado Macapagal Airport, ang pinakamahal na kalsada sa buong mundo.

Ang nakakainis, ang orihinal pala ay dapat sementado ang ilagay sa kalsada kaso para maihabol pala nila sa deadline, pinatungan na lang nila ito ng aspalto. Hindi ba ang niloko nila ang sarili nila. Dahil kung aspalto yan ay saglit lang masira. May back-job tuloy ang Ferdstar pagkatapos ng isang taon. Sana isang bagsakan na lang paghihirap ng mga komyuter.

Ngayon mag-iisang buwan na mula noong isinarado para kumpunihin pero wala pang nailalagay na semento hanggang ngayon. Paano naman kasi wala pang sampung katao ang gumagawa. At nung napadaan ako nagtetext yung operator ng pison.

Papasok na naman ang holiday season. Baka abutin pa ito hanggang sa unang bahagi ng 2009.
Post a Comment