Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2008

A cent for your thought

Dumarami at nadadagdagan pa ang aking mga naipon na sentabo sa lalagyan ng Downy. Ito'y mga sukli sa Mercury, True Value, SM Supermarket, Landmark, 7-11, Ministop at kung saan-saan pa. Halos mapuno na. Kanina lang nadagdagan na naman.


Gusto ko sanang magprotesta kung susuklian ako ng ganitong pera dahil pabigat lang sila sa bolsa at madalang namang gamitin dahil sa liit nila at hindi na tinatanggap ng ibang tao gaya sa mga traysikel pero wala akong magawa. Tanging simangot na lang ang isusukli ko rin.



I-imagine mo na na magbabayad ka ng pamasahe sa dyip ng P8.50, pero puro tig-10 sentabo o 5 sentabo, baka mabulyawan ka ng drayber dahil isang salop na ang laman ng kanyang palad.

Sa probinsya, lalo na dun sa amin sa Lasam, hindi na tinatanggap ang mga ito pati yung mga 25 sentabo. Katwiran nila wala daw mabibili ang mga ito at napakadaling dumumi o kapitan ng kalawang. Mababang klase kasi ang ginamit na metal sa paggawa.

Dati may programang pangkawanggawa ang dating First Lady Ming Ramo…

Yellow Mickey Mouse Head?

Kagilagilalas ang mga ganitong ornamental na tanim na pwedeng pangdekorasyon sa loob ng bahay at pati na rin sa labas.

Sinibukan kong nagpatanim sa Cagayan ng ganito, pero hindi ata tugma sa klima dahil mainit dun. Sadyang gusto lang ang malalamig na lugar na kagaya sa Tagaytay.

Lessons from Mistakes

Halos pareho kami ng napansin ni Manong Jovy kagabi ng kami'y sumakay sa bus byaheng Monumento. Mula sa binabaan namin sa Cubao galing sa isang pagtitipon ng mga manunulat na Ilocano sa Royal Tagaytay Estates, Alfonso,Cavite, kinailangan pa namin sumakay uli dahil hindi na aabot sa destinasyon namin ang pinag-angkasan naming may-ari ng sasakyan; matutulin pa rin ang mga ito sa kanilang pagpapatakbo, sa tantya namin umaabot ito ng 80-100kph.

Hindi pa rin pala sila natuto sa nangyaring pagkakaaksidente at pagkamatay ng isang kilalang doktor na nadamay lang mula sa paghahabulan ng dalawang bus ng Joanna Jesh na tila nagkakarerahan at walang pakialam kung may mahagip sila sa kanilang kayabangan.


Ganyan din ang muntik nangyari sa amin ng kasama ko sa isang negosyo, tatlong buwan na ang nakakalipas sa panulukan ng McArthur Highway, nagbeating the red light ang isang bus kung saan kami ang nasa harapan. Konti na lang at mahagip na sana ang nguso ng serbis naming ISUZU DMAX kung hindi lang …

I AM SORRY

Nagiging palasak na sa atin itong katagang ito kung tayo ay nagkasala at humihingi ng tawad at pang-unawa mula sa taong nasaktan natin. Ito’y may kaakibat na pagsisisi sa nagawang kamalian at nagsusumamo ng higit na pagnanais upang hindi na masundan ulit.

Kahit si Ginang Arroyo ay nabigkas din ito sa harapan ng midya ng siya’y pinaratangan at idiniin sa pagkakasalang pandaraya sa resulta ng pampanguluhang eleksyon na lalo nagpatibay noong inilabas ang “Hello Garci Tape”, kasabwat ang isang komisyoner ng COMELEC na si Garcillano. Hindi maawat dati ang sambayanan upang ipamukha sa isang pekeng namumuno na siya’y produkto rin ng pandaraya, at kalaunay tanging “I am Sorry” na binitawang salita para kahit paano mapakalma lang ang mga Filipino, pero ang pagbigkas niya ng naturang kataga ay parang pag-amin niya na rin sa ginawang kasalanan.


Ganito rin ang sinabi ng isang retiradong direktor ng PNP at Comptroller na si De la Paz ng dumating ito sa bansa mula sa biyahe niya sa Mozcow, Russia upa…

Big 3, big greed

Kasakiman ang siyang naging dahilan kung bakit bumagsak ang ekonomiya ng buong mundo, sila’y yaong mga kapitalistang ang tanging hangad ay malalaking kita sa kanilang imperialistang negosyo. Ito’y mga bankong nagpapautang sa pamamagitan ng pabahay na may kaakibat na napakalaking interes, at pag pumalya sa paghuhulog tiyak magkapatong-patong ito at lolobo ng husto na siyang maging pabigat upang hindi na ito mabayaran.

Kasakiman din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa ibinababa ng husto nitong mga dambuhalang korporasyon ng langis ang kanilang presyo kahit sumasad na ng husto ang pandaigdigang merkado na mula sa $147 noong Hunyo ay naging $61 na lang ngayong Oktubre 17. Mahigit kalahati na ang ibinaba nito kung susumahin. Kung noong $147 ang presyo ng isang bariles ay halos P60 ang isang litro, dapat P30 o mas mababa pa dapat ang presyo sa ngayon.

Tila nagsisidedmahan na lang sila at nag-aantay na tataas ang presyo ulit para makapagtaas na naman sila. Inuunti-unti nila sa pama…

Killer Billboards

Hapon ng Lunes, papunta na ako sa aking miting sa Makati ng biglang bumuhos ang ulan, kaya tanging nagawa ko ay sumabay na lang sa delivery ng mga ilaw para sa aking kliyente sa isang leisure club project sa probinsiya ng Quezon, doon din naman ang bisinidad ng delivery sa aking miting.

Binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA ng biglang ibalita ng isang istasyon ng radyo, na trapik na raw ang southbound lane dahil sa isang billboard na bumagsak bago paakyat sa flyover ng Santolan, at may mga itinakbo raw sa ospital na mga taong nabagsakan ng mabibigat na bakal. Kaya ang ginawa namin ay umiwas na lang at baka maipit pa kami.

Hindi na nadala ang gobyerno sa ganitong insidente, ganyan din ang nangyari noong kasagsagan ng bagyong Milenyo kung saan nakapatay din ang bumagsak na billboard. May mga imbistigasyong nangyari noon dahil pinagpistahan ito ng midya pero kalaunan wala ring nangyari at nauwi sa wala. Hindi maalis sa suspetsa ko na may bayarang nangyari noon, kung kaya parang bula lang…

Anti-Poverty Campaign on Blog Action Day

Sa kabuuang 90 milyon na populasyon ng bansa ayon sa istatistika ng Census, 40 porsyento nito ay nasa mahirap. Kabilang na rito ay yung mga pamilyang nabubuhay sa $1 sa isang araw. Sila yung pinagkaitan ng pagkakataon na baguhin ang takbo ng kanilang buhay, kulang sa biyaya inaambon galing sa mapagmahal na gobyerno at tila iniwanan na rin ng Diyos na parang di nakikita ang kanilang kalagayan.

Nitong nagdaang mga araw, hindi ako makapaniwala sa balitang kinitil ng isang ginang sa Cavite ang buhay ng kaniyang mga anak at isinunod pati ang sarili dahil wala na siyang maipakain sa kanila. Ganun din sa Davao nung isang taon lamang, isang dalagita ang nagbigti dahil din sa gutom na nararanasan ng kanilang pamilya.

Ganun na ba kahirap ang buhay dito sa Pilipinas? At pati sariling hininga o buhay ng kaanak ay kinikitil na lang para lang matakasan ang kalam ng sikmura.Tanging 'yun na lang ba ang naisip na kalutasan ng bumabagabag na konsensiya, ang takasan ang responsibilidad at idamay ang i…

Nightmare of JPEPA on Philippine Economy

Tila walang hangganan ang pang-aapi ng administrasyon ni Ginang Arroyo sa mahihirap at maliliit na mamamayan ng Pilipinas. Pagkatapos papasukin ang mga minero dito sa bansa, ang pagpapasipsip sa langis ng bansa sa mga dayuhan at ibigay ang karapatan sa pagkuha sa isla ng Spratly, heto at pinabilis sa Senado ang pagpirma sa Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) na halatang pumapabor lamang sa bansang minsang nagpahirap sa atin at kumitil ng napakaraming buhay noong Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, at sa botong 16 laban sa 4 ay naipasa ang pinangangambahang batas na siyang papatay sa ekonomiya ng bansa at pagpabor sa Japan. Hindi pa ba siya natuto sa free trade na dinala ng GATT-WTO sa atin ng rinatipikahan ng Senado noong 1994, at senadora na siya ng panahong iyon?
Samantala, ang 16 senador na pumirma sa JPEPA ay sina Mar Roxas, Edgardo Angara, Rodolfo Biazon, Alan Peter Cayetano, Miriam Defensor Santiago, Jinggo Estrada, Juan Ponce Enrile, Gregorio Honasan, Panfilo …

Eh ano kung may langis?

Magandang balita sana ang ibinibida ng Sekretaryo ng Departamento ng Enerhiya na si Angelo Reyes tungkol sa pag-uumpisa ng pagpapaluwal ng langis sa Galoc 1 pero para sa akin hindi pa rin ito matutustusan ang pangangailangan ng bansa sa konsumo sa langis.

Mayroon 300,000 bariles na ginagamit ang Pilipinas sa isang araw, at ayon sa report ang naturang oil field ay makakapagpalabas ng 20,000 bariles lang sa isang araw o 6 porsyento sa kabuoang ginagamit.Sa pagtataya nila mayroon daw itong 5 hanggang 14 milyong bariles ng nakatagong langis. I-divide kaya natin ang 14 milyon sa 300,000. Gagamitin lang ito ng ating bansa sa isa’t kalahating buwan o mas mababa pa sa aking kalkula.

Mababawasan kaya ang presyo ng langis sa merkado? Hindi. Kasi ang pagpresyo ng mga kumpanyang nagmamay-ari sa GALOC Field ay ibabase nila ito sa pandaigdigang merkado o kasing presyo rin ng nasa ibang bansa lalo na’t ang pinakamalaking bahagi ng operasyon nito ay kinokontrol ng dalawang banyagang korporasyon na Gal…

French Writer wins 2008 Nobel Prize for Literature

Isa na namang Pranses ang nagkamit ng Nobel Prize, ang pinakamataas na pagkilala sa larangan ng panitikan, sa katauhan ng 68 anyos na si Jean-Marie Gustave Le Clézio. Siya ang pangatlong Pranses na nanalo sa prestihiosong award pagkatapos kina Gao Xingjian (2000) at Claude Simon (1985).

Si Le Clézio ay isinilang sa siudad ng Nice sa France. Ang kanyang ama ay isang Briton at Pranses naman ang kanyang ina.

Sa edad na 7 ay nakapagsulat na siya ng libro tungkol sa dagat. Nakapaglimbag na siya ng kanyang nobelang Le Procès-Verbal (The Interrogation)sa edad na 23, at naging daan ng kanyang pagkabantog dahil nanalo ito sa Renaudot Prize.

Sa 32 librong naisulat niya, may mga mangilan-ngilan nito'y naisalin sa ibang mga lengguahe. Nakakapagsulat din siya sa wikang Ingles.

Ang nobelang Desert na isunulat niya noong 1980 ay siyang naging daan kung bakit siya ang itinanghal na Nobel Prize for Literature. Ayon sa Nobel Academy, ang nobelang ito'y nagtataglay ng kakaibang imahe o pagsasalarawa…

Milking Cow

Hindi ko pa nararanasan ang sinasabi ni Ginang Arroyo na kaltas sa singil sa text na kanyang ipinangalandakan noong nag-SONA pero eto at binubuliglig na naman ang isyu hinggil sa pagdagdag ng presyo nito kung sakaling igiit ng gobyerno ang pagkuha ng 20 porsyentong halaga para raw mapunan ang kulang-kulang na budget ng edukasyon sa bansa.

Ayon sa Senate Bill 2402 o mas kilala sa Health and Education Acceleration Program (HEAP) na ipinanukala ni Senator Richard J. Gordon, kakaltasan ng 20 porsyento ang pisong singil sa text at ito ay mapupunta sa mga programang tumatalakay sa edukasyon. Ang naturang porsyento ay ilalagak daw umano ng mga telecom company sa isang Trust Fund, upang doon kukunin naman ng gobyerno.

Maganda sana ang panukalang batas, dahil ang lahat ng mga bata ay magkakaroon ng sapat at tamang pag-aaral. Sino ang aayaw na dadami ang mga silid-aralan, libro at titser na magtuturo. At iaangat niya ang estado ng edukasyon sa bansa. Pero papayag kaya naman ang mga telecom compan…

The Early Birds

"The early birds catches the worm."
'Yan ang isang pamosong kasabihan/idioma/proberbio na lumabas sa John Ray's A collection of English proverbs 1670, 1678, na ang ibig sabihin ay kung mas maaga ka, mas may tyansa kang magtagumpay sa iyong ginagawa.

Kaya pinadrowing ko sa kompyuter ang aking anak gamit ang "PAINT" upang ilarawan niya base sa interpretasyong sinabi ko sa nasabing idioma. At pagkatapos ginamit ko ito sa aking post.

Kaya silipin din natin sa politika kung sino-sino ang mga early birds na nagpapahiwatig ng kanilang interes upang kumandidato sa pagiging Presidente ng "Pilipinas Kong Mahal" sa 2010 kahit napakalayo pa.
Bayani Fernando - MMDA ChairmanPanfilo Lacson - SenatorManny Villar - Senate PresidentMike Velarde - EL ShaddaiEddie Villanueva - Jesus Lord MovementMar Roxas - SenatorBongbong Marcos - RepresentativeJoseph Estrada - Former PresidentFrancis Escudero - SenatorNoli De Castro - Vice President Ronaldo Puno - Loren Legarda - Senat…

ANOTHER ILUKO SHORT STORY CONTEST

Gapu iti kaadu ti pakasikoran iti napalpalabas a bulan ket diak unayen nakasirip wenno nakatambay sadiay "ILOCANO.ORG", maysa a website nga ayuyang dagiti Ilokano iti cyberspace.

Iti Ilocano.orgmo a makita wenno maam-aamo dagiti dadduma nga Ilokano nga agnaeden kadagiti agsasabali a disso ditoy Filipinas ken agramanpayen dagiti addan sadiay ballasiw taaw. Lallalo ket ti akinkukua ken webmaster iti nasao a website ket naka-base met sadiay Amerika.

Simple laeng ti rules sadiay, maiparit iti agsao iti Tagalog, ta ikkaten no kua ti webmaster. Agduduma iti topic a mabalin a pagpilian, ken amin dagitoy mabalinmo met ti agkomento. Ti agrasaw, maikkan iti suspension wenno maiparitton a dumap-aw, nga usar iti agpada a nagan.

Nabayagakon a miembro iti nasao a website, ket uray diak unay sumirsirip sadiay adda latta dagiti mangit-ited kaniak iti update babaen iti email. Isu nga idi kalman pinatulodandak iti imbitasion iti maysa a pasalip. Sinnuratan kano iti ababa a sarita, ket ti prem…