Prayer of Unsatisfaction

"Bless the President so we will have forbearance, good health, the tolerance to lead this nation up to 2010, and perhaps, who knows, even beyond,”



Hindi man diretsahan ang pagtukoy o pagsabi ni Press Sec. Jesus Dureza pero maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagnanais niya kasama ang mga kapwa gabinete at lalo na si Ginang Arroyo na manatili sa kanyang pwesto hanggang gusto niya. Ganon ba siya kalakas sa Itaas dahil kapangalan niya ang nakaluklok Doon upang mananlangin ng higit pang bagay na sana ibigay sa mas nararapat na nandiyan upang mamuno ng tama.


Ang pag “Amen” ay isang pag-amin din sa pagnanais nilang lahat na naduon.

Sa dami ng mga kabalbalang ginawa itong adminitrasyong ito, tiyak maraming mag-aantay na kaso sa kanila pagbaba sa kinauupuang trono, at upang maiwasan ang mga ito, hahanap sila ng paraan upang hindi mangyari ang pinangangambahang bangungot sa kanila.

Ngayon at nagpalit na nang pamumuno ang senado, tiyak mas kontrol na nila ang pagsulong sa Charter Change upang ang kasalukuyang sistema at mga batas ay maihabol nilang mabago bago pa man darating ang taong 2010.

Pasalamat tayo at sa bunganga na rin ni Sec. Dureza nanggaling ang pagbubunyag sa ganitong mga hangarin, siguro nga isa itong Divine Intervention para kahit papaano maibsan ang mga nakatagong plano sa likuran ng mga dingding sa Malakanyang.


Post a Comment

Popular Posts