It's Manny Again







Pagkatapos ng ilang araw na paghihintay, eto at isa na namang karangalan para sa bansa ang pagkakapanalo ulit ni Manny Pacquiao sa laban nila ni David Diaz sa Mandalay Bay, Las Vegas. Natapos ang kanilang laban sa pamamagitan ng knock-out sa ika-siyam na bout. Sa ngayon dalawa ang hawak ni Manny na belt; ang Superfeatherweight na naagaw kay Juan Manuel Marquez at Lightweight, pareho sa WBC.

Si Pacquiao, ang natatanging Filipino na nakakuha ng titulo sa WBC-Lightweight Division at pinakaunang Asiano na nagkamit ng apat na korona sa iba't-ibang division.

Isang lamog na Diaz ang napanood ng tao, duguan ang mukha mula sa sugat na pinuntirya ni Pacquiao, at ito rin ang naging dahilan kaya hindi siya makakita maigi habang lumalaban. Pangalawang beses na rin ito na nangyari sa boksingero, ang unang eksena ay noong nakalaban niya si Eric Morales para idepensa ang korona bago naagaw ni Pacquiao sa kanya.


Pagannurotan iti daniw ken sarita awan pay!







Siguro dagiti dadduma addan nasuratda a pakisalip.

Ngem agingga ita awan pay ti pagannurotan iti pasalip ti Komisyon sa Wikang Filipino para iti daniw ken sarita (Iluko ken dadduma pay a dialekto) iti kadaytoy a tawen. Ti naalak laeng iti websiteda ket ti sinnuratan ti salaysay para iti Filipino.

Ngem daksanggasat la unay ta naka-paste laeng iti Microsoft Word dagiti nasao a dokumento. Dida man laeng in-Adobe koma tapno medio presetable para kadagiti mangi-download. No gamin binnatem ti ladawan ket uray la kumusnaw.

Tapno medio dumakkel, inkabilko iti panid ti Google Pages, napia la bassit tapno mabasa dagiti di unay makabasa iti babassit a letra.


Pomulario
Pagannurotan

Naghuhulahup na Building











Isa na namang kamanghamanghang ideya ang papalapit ng matupad. Noon ko pa iniisip baka darating ang araw may makakagawa ng ganito. Pag sawa ka na sa mga nakikita mo sa paligid tuwing pagbukas mo ng bintana sa umaga ay pwede mong ilipat sa kabilang ibayo, o kung sawa ka na rin sa pagmumukha ng kapitbahay mo "Makaikot nga!".

Uumpisahan kasi ngayong Hunyo ang pagtatayo sa Dubai ng isang building na umiikot.Ang bawat palapag ay may kanya-kanyang kakayahan na makaikot. Ito ay pre-fabricated sa isang planta bago ikabit.

Ang naturang building ay may 59 na palapag. Ito ay di na kailangan ng elektrisidad dahil may solar at wind power na pagkukunan, angkop na solusyon sa problema ng global warming. Ang istraktura ay dinisenyo ni David Fischer ng Dynamic Architecture firm.

Itatayo ang susunod na umiikot na building sa Moscow, Russia. Dito sa Pilipinas kaylan kaya?

Bawat Isa Mahalaga




Tayo ay gumagalaw sa iisang sistema na ang bawat isa ay may kanyang-kanyang katangian, may kanya-kanyang kapakinabangan sa lipunang ginagalawan. Tulad ng katawan, may ibat-ibang parte. May katungkulan upang ito ay gumalaw ng tama, ano mang kakulangan ay siyang kapintasan ng buong katawan.

Ordinaryo ka man na maituring, may kabuluhan kang maidudulot sa lipunan. Ang kaya mo marahil ay kaya rin ng iba pero tandaan mo, lahat tayo ay may kanya-kanyang talento. Hindi porke’t wala kang pinag-aralan, wala kang kayamanan kundi ang iyong lakas na makatulong sa kapwa, may kakayanan ka rin na di kaya ng iba, na ang kakayanan mo ay kahinaan nila.
(...itutuloy)

Handog sa mga Inosente

Sunod-sunod ang mga insidente na kinapapalooban ng mga sanggol dito sa Pilipinas. Nandiyan ang itapon ang sanggol mula sa taksing tumatakbo at ihulog mula sa ika-siyam na palapag ng kondo.

Isa sa tinitignang anggulo kung bakit nagawa ng isang ina sa walang kamalay-malay na anak nila ay dala ng tinatawag nilang postnatal(postpartum) depression na pangkaraniwang nararamdaman ng isang nagsilang.

Ang mga simtomas ng pagkakaroon ng postnatal depression ay ang sumusunod;

  • pag-iiyak,
  • iritable,
  • hindi makatulog
  • balisa
  • idinaraing ang ulo dahil sa sakit
  • at hypochodriasis.

Pangkaraniwang tumatagal ang mga nasabing simtomas ng ilang oras hanggang abutin ng ilang araw.

Iba rin naman ang insidente na nagyari sa Salt Lake City, isang anim na buwang sanggol ang ibinebenta sa online classified ads. At sa Canada, naaresto rin ang mag-asawang nagbebenta ng kapapanganak na sanggol (pitong-araw) sa halagang C$10,000.
At hindi rin lang sa ibang bansa, ganun din dito sa Pilipinas may insidente rin ng pagbebenta (black market.

Bilang alay sa mga sanggol, isang ginang ang gumawa ng cake frosting na tinatawag din nilang Marzipan. Ito ay gawa sa almond paste (giniling na almond na may asukal).








www.hoax-slayer.com/marzipan-frosting-babies....





TAWA KA MUNA






(photo courtesy of www.fannation.com)



Bobo: pare hulaan mo ugali ko, nagsisimula ng letter A
Pare: approachable?
Bobo: mali
Pare: amiable
Bobo: mali pa rin
Pare: o sige, sirit na nga
Bobo: Anest



Policeman arresting a prostitute
Prosti: I am not selling sex
Police: Then what are you doing?
Prosti: I'm a saleswoman selling condoms with free demo.



Bush: What are the pollutants in your country?
Jingoy: We have lots of pollutants.. ..we have sisig, kilawin,
chicharon, mani
Erap: Anak, may nakalimutan ka, Boy Bawang (cornik).



Tindero: Hoy, bili ka gatas ng baka. P10 piso lang isang baso
Manong: Ang mahal naman, may tig piso lang ba nyan?
Tindero: Meron po, pero kayo na po ang dumede sa baka.



Pasyente: Dok, bakit po ganito ang operasyon sa ulo ko?
Halos kita na utak ko
Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open minded.



A naked girl takes a taxi
Naked Girl: 'Bakit ka nakatitig sa katawan ko, ngayon ka lang ba nakakita ng
hubad?'
Driver: 'Hindi po miss, iniisip ko lang kung saan nakatago pamasahe mo'



Beauty contest
Emcee: What's the big problem facing the country today?
Contestant: Drugs
Emcee: Very good, why do you say that?
Contestant: Ang mahal kasi eh!



Amo: Bakit ka umiiyak?
Katulong: Sabi po ni dok tatanggalan po ako ng butlig
Amo: Butlig lang iiyak ka na...
Katulong: Kasi ok lang kung right lig or left lig lang po..
pero bakit naman butligs pa.....





Doc: For your health take only a cup of rice, lean meat
and a saucer of kangkong. Fruits for dessert and lots of juice....
Fat guy: Doc, shall I take them before or after meals?



Kodigo
Nahuling may kodigo ang estudyante.. .
Guro: Ano 'to?
Estudyante: Prayer ko po, ma'am!
Guro: At bakit answers ang nakasulat?
Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!



SIOPAO
Kulas: Miss, isa ngang siopao... 'yung babae.
Waitress: Babaeng siopao?
Kulas: Oo. 'Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.
Waitress: Ahh, ganun po ba? Lalaki po ang nandito.
Kulas: Lalaki?
Waitress: Kasi po, may itlog sa loob.



A Chemistry teacher asked a sexy student, 'What are NITRATES?
The student replied shyly, 'Ma'am, sa motel po.
NITRATES are higher than day rates!'


Usapan ng dalawang mayabang...
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala
niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.



WHO'S GUILTY?
Wife dreaming in the middle of the night suddenly shouts,
'Quick, my husband is back!'
Man gets up, jumps out the window and realizes, 'Damn!
I AM the husband!'



Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!



Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!



Lito: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?
Joseph: Diyos ko naman! Di mo ba alam 'yun?!
Ang H2O ay water! At ang CO2... cold water.



Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang
sabihin kung may basketbol sa langit. Naunang namatay si Dado.
Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.
'Ikaw ba 'yan, Dado?' usisa ni Rodel.
'Oo naman!' tugon ni Dado.
'Parang hindi totoo!' bulalas ni Rodel. 'O, ano, meron bang basketbol
sa langit?'
Sagot ni Dado, 'May maganda at masama akong balita sa 'yo.
Ang maganda, may basketbol doon. Ang masama...
kasali ka sa makakalaban namin bukas!' (ngek!)



Usapan ng dalawang bata...
Junjun: Magaling ang tatay ko! Alam mo, 'yang Pacific Ocean,
siya ang humukay nun!
Pedrito: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo, yung Dead Sea ?
Junjun: Oo...
Pedrito: Siya ang pumatay nun!



Stewardess: Do you want a drink, sir?
Sir: What are my choices?
Stewardess: Yes or No.



Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw nalang tayong nag-aaway
Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa
siguro, sumama na ako sa 'yo!



Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang
ipagsabi. Nahihiya ako...
Mister: Okey.
Kinabukasan, dumating ang taga-Meralco. ..
Taga-Meralco: Misis, delayed po kayo ng one month.
Misis: Ha? Bakit mo alam?
Taga-Meralco: Nasa record po.
Misis: Sasabihin ko ito sa Mister ko.
Mister: (Galit at nagpunta sa Meralco.) Bakit naka-record diyan
na delayed ang misis ko?
Taga-Meralco: Kung gusto ninyong mawala sa record, magbayad kayo!
Mister: Eh kung ayokong magbayad?
Taga-Meralco: Puputulan kayo!
Mister: Eh anong gagamitin ni misis?
Taga-Meralco: Pwede naman siyang gumamit ng kandila.



Advantage at disadvantage ng may-asawa...
ADVANTAGE: 'Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: 'Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!



What is the difference between a girlfriend, a call girl and a wife?
Sagot: Post paid, pre paid, unlimited.



Sa isang classroom...
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.



Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay
kaming kumain. Ngayong mahirap na kami, nakakutsara na.
Pedro: Baligtad yata?
Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!




Umuwi si mister nang 4:00 AM at nakita niya
ang kanyang misis na may katalik na lalaki sa kama ...
Misis: (sumigaw) SAAN KA GALING?!
Mister: Sino 'yang katabi mo?
Misis: GRABE KA! HUWAG MONG IBAHIN ANG USAPAN!


Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa 'kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: 'Yun lang? Anong masama ru'n?
Harry: Ang masama ru'n... twins kami! Twins

Isa ka ba sa Kanila?






Marami sila hindi lang nag-iisa, nagkalat sa paligid. Sa bangketa, sa palengke, sa groserya, sa pilahan ng dyip, sa pagpasok sa iskwelahan, sa bayaran ng resibo, sa pagkuhaan ng tseke, kahit saan.



Sila ay naka-barong tagalog, nakapantalon ng Versace, nakasuot ng nike, nakashade ng Oakley, nakadaster, nakakolorete, o damit ay tagpi-tagpi.

Ito ay pangkaraniwang ugali na ng mga Filipino, kahit saan ka man dumako Luzon, Visayas at Mindanao. Palasak na sa kultura natin ang ganitong ugali na sadyang nakakainis talaga sa kahit sinong nakaranas.

Makakaramdam ka ng pagkaapak ng inyong ego, minaliit ka at tinanggalan ka ng respeto. Maliit mang kortesiya pero nakakapambababa ng pagkatao. Habang ikaw ay nandun nakapila, nangangawit ang baywang, naiihi na, o tumatagaktak ang pawis, heto ang singit walang kahirap-hirap kang nilampasan. Minsan pag sinita mo, sila pa ang may ganang magalit. Pag-inirapan mo baka sakaling mahiya sa sarili, pero hindi bagkus nakatango ang ulo at sadyang ipinagmayabang ang kawalang modong ginawa.

Ikaw isa ka ba sa kanila? Kung hindi, nasingitan ka na rin ba?

Using Indeginous Material





Mayaman ang Pilipinas ng likas na yaman na pwedeng pakinabangan ng mga Filipino kung alam lang nila ito gamitin ng tama. Mas mayaman pa tayo kaysa sa mga bansang Arabo na ipinagmamayabang ang papaubos ng langis nila. Tayo nandiyan pa sa mga paligid basta alam lang natin ito pangalagaan.


Shells

Nandiyaan ang niyog na halos lahat ng parte nito ay pwedeng pakinabangan. Mula sa dahon, bunga, at ang kahoy nito Ang kawayan na pinakamatibay sa lahat ng damo, mas madali pang antayin na lumaki ito kaysa sa kahoy na kailangan pa ang 25 years para marating ang tamang taon sa pagputol nito. Ginamit ang kawayan ng sikat na arkitektong/national artist si Francisco Mañosa sa bakasyunan ng mga Ayala sa Batangas at ang grandiosong The Coconut Palace.


Slated Humpcane(tanglar)

Dalawa lang ito sa mga ginamit kong materiales para sa papalapit na eksibit ng Philippine International Flora & Fauna Garden Expo 2008. Madaling kumuha sa mga ganitong materiales pero ang disenyo ang pinakamadugo sa lahat at kailangan ang masusing pag-aaral at pagtatanong sa mga taong minsan nakagamit na ng mga ganitong materiales sa kanilang produkto.


Slated Bamboo(Tinidtid)

Isa na ring tulong siguro para sa akin, ang pagtratrabaho dati sa isang kumpanya sa Makati na may kinalalaman sa mga paggamit ng indigenous na materiales. Mga materiales na patok sa export, ang isa sa mga pinagkukunan ngayon ng malaking portion ng export ng bansa.


Coconut Shell Tiles

Nakikita lang natin sa mga paligid ang mga ganitong materiales na akala natin wala ng pakinabang pero kung pag-aralan natin ito, tiyak masasabi natin maganda pala. Habang papataas ang mga presyo ng mga pangkonstruksyon na materiales dahil sa pagtaas ng demand sa mundo, bakit di natin ito isama sa mga disenyo ng ating bahay.


Grass Rings (Tanubong Grass tubes)

Business Glitch




Para sa mga nagbabalak na magkaroon ng sariling negosyo, sana magdalawang isip kayo sa pagkuha ng inyong accountant na hahawak sa mga transaksyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Isa ito kasi sa mga problema na kinakaharap ng aming kumpanya ngayon sa aming accountant. Pinagbabayad ang aming kumpanya ng P55,000 para sa tax deficiency sa taong 2005 lamang at di pa kasama ang mga susunod na mga taon.

Paano ba naming nakilala ang nasabing accountant? Isang examiner ng BIR ang nagrekomenda sa kaniya, kahit hindi naming personal na kakilala ito, pinagkatiwalaan naming ang salita ng examiner. At mula noon nailipat sa naturang accountant ang pangangalaga ng aming dokumento. Siya ang nag-aayos ng buwanang obligasyon pati na rin ang pantaunang transaksyon sa departamento ng gobyerno.

Naging malinis ang mga nagdaang taon. Pinagsabihan pa namin ang accountant na kung ano man ang pumapasok na benta sa kumpanya ay kailangang i-declare niya lahat. Ito ay hindi lamang para malinis ang pangalan ng kumpanya at walang kahit ano mang aberya. Tumugon siya na, siya raw ang bahala. Pwede raw paliitan ang i-declare na benta para makamenos sa pagbabayad ng buwis. Ginagawa rin naman daw ng iba na mas malalaki sa amin. Huwag daw kami mag-alala.

Pagkatapos ng tatlong taon, eto na ang aberya na pinangangambahan namin nung una pa lamang. May dumating na liham mula sa BIR na nagsasabing meron daw hindi nabayarang mga buwis ang kumpanya sa taong 2005, 2006 at 2007.

Akala namin ayos ang lahat! Sino ang sasalo sa kapalpakang ginawa ng accountant kundi ang kumpanya. At ngayon ibinabato namin ang sisi sa kanya. Plano naming i-settle kung ano man ang nasabing deficit at tanggalin na siya ng tuluyan.

Pinagsususpetsahan din namin ang accountant na siya rin ang gumawa ng hakbang para igisa kami sa sarili naming mantika. Baka siya ang nagsuplong, at kung sakaling nabayaran na ang naturang pagkukulang, paghahatian nila ng examiner o kung sino man na nandun sa BIR na kakilala niya.

Kaya mag-ingat din kayo. Hindi garantisado na ang isang accountant na may kakilala sa BIR ay matulungan kayo. Baka mas mitsa pa ito ng inyong kapahamakan. Kaylangang alamin ang background nito kung hindi ito kakilala.

Kimchi








Malaking impluwensya para sa akin ang pagkakaroon ng kaibigan na Koreano para ang kimchi ay maging isa sa paborito kong appetizer.

Ang kimchi(gimchi o kimchee) ay burong gulay na sinangkapan ng ibat-ibang pampalasa, pangkaraniwan ay talagang maanghang ito. Sa Korea laganap sa mga kabahayan ang kimchi, tradisyon na inihahain tuwing kumakain sila o sangkap ng kanilang linulutong ulam.

May kakaibang amoy nga lang ang kimchi. Sa mga mapipili ng pagkain tiyak di ito magugustuhan at magtatakip sila ng ilong. Dito sa Pilipinas matatagpuan ang masasarap na kimchi sa mga restoran sa Jupiter St, Bel-air, Makati. May mga restoran na libre itong inihahain pag-umoder ka ng main dish nila. Pwede rin umulit kung naubos mo ang nakalagay sa platito.

Sa mga high-blood maganda raw ito para sa kanila na isama sa kanilang pagkain, mataas kasi ito sa dietary-fiber at mababa naman sa calories. Ang isang serving ay may 80% na Vitamin C at Carotene na kailangan ng ating katawan.

Sa palagay ko, kimchi rin ang sekreto kung bakit lahat ng mga koreans ay mapapayat. Dito sa atin dinadagsa tayo, pero hanggang ngayon wala pa akong nakikitang obese sa kanila. Sa mga nagpapapayat na Filpino, araw-arawin niyo ito. After six months, siguradong slim na kayo. Mas garantisado ito kaysa magpa-lipo.

So, ano pang ginagawa niyo? Tara! Kain tayo ng kimchi na may kasamang pinakbet o dinengdeng. Bagong food fusion di ba?

Sacrificing their Dreams


http://img.alibaba.com/photo/11190613/Araal_Slates_Philippine_Teppei_Stone_.jpg

Habang pinapanood ko ang replay ng Correspondents ni Karen Davila kaninang madaling araw na tumatalakay sa mga taong nag-kwakwari ng araal o yung Philippine Teppei Slate sa bundok ng Bongalon sa bayan ng Sagñay sa Camarines Sur, sumagi sa isip ko ang mga bahay ng mga mamayaman dito sa Metro Manila na napalamutian ng mga ganitong bato. Nakadekorasyon sa kanilang dingding at maging sa mga palagid ng garden.

Nakakaawa ang kalagayan ng mga bata na kasama ng mga magulang sa paghuhukay ng nasabing mga bato. May sugat ang mga kamay dahil sa pagbubuhat ng matalim na bitak, ang tatay naputulan ng daliri dahil sa pagkadagan nito, meron din isang bata na nagasgasan ang buong siko. At ang nakakalunos karamihan sa mga batang ito ay di na rin pumapasok sa paaralan dahil di raw sapat ang pera na kinikita sa pagkwakkwari. Masakit isipin na sa murang edad tumutulong na sila sa kabuhayan ng magulang para maitawid ang buhay na di alam kung hanggang kaylan tatagal. Gaya ng ibang bata meron din naman silang pangarap para sa kanilang sarili pero naisasakrispyo ang mga ito kapalit ang mumunting halaga, pabayaan na lang nila na gaya ng bundok na kanilang hinuhukay, unti-unti rin natitibag ang pangarap at pabayaan na lang i-aagos ng tubig-ulan.

Isa ito sa mga insidente na tila di nakikita ng bulag na gobyerno na nakatutok lang sa pagpapaganda ng imahe ng umaalingasaw na baho.

Kung may pangsubsidy sila sa mga urban poor bakit di nila tustusan din ang kailangan ng rural poor na di hamak na mas marami. Binigyan ang mga spoiled na mamamayan ng Maynila para may pambayad sila sa ginastong kuryente, at bago itong subsidy sa Meralco, dati namimigay na rin ng subsidy sa mga pamilya ng limang daan gamit ang isang card. Karamihan ang nakinabang ay sa Tondo. At ngayon may subsidy rin sa mga tsuper ng bus at dyip para i-convert ang kanilang sasakyan na maging LPG dependent. Bakit LPG pa gayong paubos na ang gasolina ng Middle East? Bakit di gamitin ang sariling atin na CNG (Compressed Natural Gas) na kinukuha sa Palawan at sa Palanan, Isabela. Ibang bansa pa ang nakikinabang, dahil ang CNG ay ine-export na nila sa Singapore.

Itong pagkwakwari ay di lamang sinisira ang bundok, ang likas yaman na ibinigay ng Diyos kundi isang banta rin sa buhay ng mga nakatira sa nasabing pook. Sana may natutunan sila sa landslide ng Samar, sa bilang pagbaha sa Ormoc, sa Tsina na kaylan lang sinalanta ng matinding lindol at malilimot ba natin ang nangyari sa Baguio na talamak din ang pagmimina at ayun sandali lang gumuho ang lupa.

Pinangangambahan pa ang epekto ng global warming sa buong mundo na nararamdaman na natin ngayon, kung di itigil ang nasabing pagkwari, tiyak ibabaon sila ng buhay. Makakatawid man ang iba sa pang-araw-araw na pangangailangan pero lahat naman sila damay pagdating ng sakuna.

Ano ang ginagawa ng opisina si Secretary Lito Atienza ng Department of Environment and Natural Resource para tugunan ang nasabing problema? Ang Department of Social Welfare and Development, ang probinsial na gobyerno ng Camarines Sur na marami na raw ang natanggap na reklamo pero hanggang ngayon wala pang aksyon?

Hindi kaya maging pangarap na lang ang pangarap ng mga bata. Ang pangarap ng magulang din na mapag-aral ang kanilang anak. Sana hindi mananatiling pangarap ang pangarap ng isang musmos. Baka magaya lang tayo kay dating Senatoriable Pichay na ang “Pangarap natin ay pangarap din niya”.

Google versus Yahoo



Kung papipiliin ako sa dalawa, google o yahoo pagdating sa paggamit ng email. Mas pipiliin ko ang gmail na pag-aari ng Google. Mas maraming feature kasi ang nasabing kumpanya na bagay para sa henerasyon ngayon di gaya ng Yahoo na mukhang walang balak mag-upgrade ng kanilang serbisyo na ibinibigay sa kanilang mga kliyente.

Sa Google habang tumatagal nadadagdagan ang laki ng iyong email capacity at di mo na kaylangan pang magbura ng iyong mga sulat sa inbox, tinatanggangap ang malalaking larawan hanggang 1 megabyte, at di ka binobomba ng mga spam kahit di mo ginamit ito ng ilang buwan.

Sa Yahoo kasi, napansin ko sa aking email account na di ko pinasyal ng ilang buwan, ayun nung tignan ko namimiyesta na ang mga buwisit na spams at wala ng space na natira, kinain na ng mga walang kabuluhang email ang espasyo na inilaan sa akin ng Yahoo. Mabagal din ito na tumanggap ng larawan lalo kung marami na. Nagha-hang ito at kung minsan di mo na mabuksan, wala kang mapipilian kung hindi burahin ang di mo pa nabuksan na larawan.

May mga insidente rin na nabasa ko sa web. Mga gumagamit ng account ng Yahoo, basta na lang nawala ang kanilang account pagkatapos di ginamit ito ng mahabang panahon.

Nagkaroon sana ng magandang pagbabago sa larangan ng email kung natuloy ang pag-merge ng Yahoo at Microsoft. Mapantayan siguro nila kung anong serbisyo ang ibinibigay ng Google sa kanilang kliyente o baka mas mahigitan pa nila. Sa ngayon malabo ng mangyari dahil umatras na ang Microsoft sa pagbili ng Yahoo.

Kahit nauna ang Yahoo na itinayo ng dalawang taon kaysa sa Google, mas naging malawak ang mga features ng huli para ang isang subscriber ay makontento.

Ikaw di ka ba nagdadawalang isip na lumipat sa Google?

KWF Formal a linuktanna ti pasalip

Daytoy man ti naalak nga impormasion iti website ti KWF para iti Linggo ng wika inton Agosto. Linuktanda manen ti pasalip para iti Iluko ken dagiti dadduma a lengguahe.

Awan pay ti pagalagadan iti nasao a pasalip ngem kas iti dati agpada wenno saan unay nga adayo iti dati a pagalagadanda.

Manamnama nga iruarda kadagiti sumarsaruno nga aldaw ti pagalagadan ti pasalip.

***********************************
Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga!

Ito ang tema ng isang buwang pagdiriwang ng Wikang Pambansa 2008. Muling pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang naturang taunang pagdiriwang na umaalinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041.

Kaugnay nito, muling bubuksan ang timpalak sa Gawad Komisyon sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes na nasa wikang Filipino. Kasabay nito, bubuksan din ang Gawad Komisyon 2008. Ito ay timpalak sa pagsulat sa tula, maikling kuwento at/o sanaysay sa sampung (10) pangunahing wika: Ilokano, Sebwano, Tagalog, Bikol, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Kapampangan, Meranaw. Ilan sa mga tampok na gawain kaugnay ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga sumusunod:

Agosto 1, 2008 Pambukas na Palatuntunan
Agosto 14, 2008 Araw ng Komisyon sa Wikang Filipino
Agosto 19, 2008 Parangal sa Ama ng Wikang Pambansa
Agosto 31, 2008 Pangwakas na Palatuntunan

Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay may mga gawaing idaraos sa iba’t ibang rehiyon na pangungunahan naman ng mga Pangungunahan naman ng mga Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino na nakabase sa mga pang-estadong unibersidad sa bansa. (KWF)

LINGALING



Lingaling ti awag kadaytoy a mula kadagiti Ilocano ti Cagayan, lotus iti ingles, addaan iti pink a sabong a sangadangan ti kadakkelna ken amarilio ti tengngana. Siit-siitan dagiti kayo(stalks) ti sabong agraman dagiti bulong a kas kadakkel iti bulong ti aba a nakatapaw iti danum no matinep ngem no kinatikag aggiinnuna dagiti bulong iti tayag. No agtinnag dagiti petalio ti sabong mangrugi metten a tumpuar ti kasla ragadera nga abut-abotan a pagdianan dagiti bukel.

Idi babassit kami pay, matandaanak pay dagitoy a mula iti tengnga dagiti taltalon sadiay tengnga ti Galluan sadiay Lasam. Masarakan dagitoy kadagiti sinilong a pagattao ti katayag dagiti tambakna, dagiti kinelleng a saan a maab-abbatan wenno iti buyon. Kas katayag ti tao dagitoy a mula.

Paggiinagawanmi dagiti bunga dagitoy a mula idi, mabalin gamin a ngatingaten dagiti bukelna a kasla mani uray no saan a naluto, nananam daytoy a sumam-it. No mapan kami agliwliw idi, kadagiti kalingalingan kami nga agdiretso, sadiay a makitam dagiti lames, paggaayat gamin dagiti ar-aro, gurami ket carpa a paglingedan/paglinongan dagiti bulongna no tengnga ti aldaw.

Ita awanen dagitoy a mula sadiay Galluan, pinatpat gamin dagiti nagkakauna a lallakay a nangtalon kadagiti sinilong. Pinatpatda a naminpinsan dagiti makasugat ken makagarummiad a lingaling. Kaadduan met dagitoy a lallakay ket natayen, diak ammo no matandaanan pay dagiti dadduma a kasadarko, nga iti naminsan adda kastoy a mula sadiay.

Apple launches new iPhone 3G, price cut to $199 for 8GB version


http://www.dmwmedia.com

San Francisco - Apple CEO Steve Jobs unveiled the much-anticipated second-generation Apple smart phones at the company’s annual Worldwide Developer Conference in San Francisco on Monday. The new iPhone 3G will use third-generation, or 3G, wireless technology to enable users to run wireless Internet applications like streaming video much faster than before. The price is also cut to $199 from $399 for the 8GB version, when it goes on sale in 22 countries on July 11.

So why is this such a the big deal? Well, many customers, particularly in Europe, have resisted buying an iPhone, waiting for a 3G version. The current generation of iPhones in the U. S. runs of AT&T’s EDGE network, which has been called “2.5G”. In plain English that means that it takes much longer to load web pages and multimedia apps. Steve Jobs claims that the iPhone 3G is even 36% faster than the Nokia N95, perhaps it's closest 3G competitor. It's also got built-in GPS improved battery time and, of course, the substantial price cut by $200 makes it much more affordable.

Apple hopes that the new model will help the company increase sales from 6 million iPhones as of today to reach its goal of selling 10 million units by the end of the year. Jobs also announced that it will soon be available in many more countries.

Apple also made a big deal of the new application store and the iPhone 2.0 software being released in early July as free software update for all iPhone owner and at a price $9.95 for iPod Touch consumers. Apple focused much of the presentation on business and enterprise uses such as Microsoft Exchange support for the iPhone, which indicates a clear strategy to take on Research in Motion (RIM), makers of the Blackberry devices, in the mobile e-mail space.

********************************************
Kaylan kaya darating dito sa Pilipinas ang nasabing iPhone? Kasi kung di ako nagkamali ngayon lang dumating ang unang version nito sa bansa at naka-lock sa Globe. Mas naunahan pa sila ng Greenhills at Grand Central hehehe sa pag-import. Yun lang at clone na galing China.
Balak ko sanang bumili ng Nokia N95 pero ngayon nagdalawang isip na ako. Antayin ko na lang ang iPhone 3G na dumating sa bansa. Baka sakaling nandito na sa atin pagdating ng December.

“RAMDAM ANG KAUNLARAN”. IKAW RAMDAM MO BA?

Nagkalat sa mga istasyon ng LRT at LRT-2 ang mga naglalakihang mga tarpolin na ganito. Obyus na nagmamalaki, sa slogan pa lang na nakasulat, ipinagmamalaki ang pag-unlad (daw) ng ekonomiya sa kanyang panunungkulan. Pati ba pagsakay ng tren ay dapat sabihin mo na nararamdaman mo ang pag-unlad gayong di naman ginawa itong mga proyekto na ‘to sa kanyang panunungkulan bilang presidente.

Pag-unlad bang maituturing ang di makontrol na pagtaas ng mga bilihin, mula sa bigas na tumaas ng 35-40 porsyento at tila kulang ata raw ang supply at inaasahang tataas pa ulit, mga groserya na tumaas ng 10 porsyento, pamasahe na triple na ang itinaas mula ng siya ang umupong presidente, gasolina/krudo na nagkikipag-unahan gayong kung minsan mababa naman ang presyo sa pandaigdigang merkado pero sige pa rin ang pagtaas ng mga nagkakartel na kumpanya ng langis.

Ngayon sasabihin niyang “RAMDAM ANG KAUNLARAN”. Pambubulag lang o maruming propaganda ang mga ganitong slogan sa mga mamamayan para i-cover-up o takpan kung ano talaga ang kasalukuyang situasyon ng Pilipinas pagdating sa ekonomiya. Insulto para sa ating lahat ang mga ganitong slogan na halos ibaon ang ulo sa trabaho para makahawak man lang ng pera para sa pambili ng pangangailangan ng pamilya.

Sila lang kasama ang kanyang gabinete, ang kanyang pamilya at mga alipores ang nakakaramdam ng kaunlaran, dahil sila ang direktang nakikinabang sa mga pera ng bayan. Si Abalos pati na si FG na nakinabang sa ZTE, at si Bolante na ngayon nandun pa sa US na kumamal sa fertilizer project, proyektong sana pinakinabangan ng mga magsasaka at siyempre ng buong Pinoy.


Pati Meralco ay tinira rin ng gobyerno at sabi mataas daw ang singil nito sa mga nangongonsumo. Kung balikan natin ang ating mga bill ng kuryente, malaki rin kung pansinin ang VAT na nakalagay. Kung seryoso talaga ang gobyernong ito, tanggalin ang tax para bumaba ang bayarin ng masa. Halos lahat ng kinikita ng isang ordinaryong manggagawa ay sa tax na lang napupunta. Buti sana kung may tamang paroroonan ang mga koleksyon ng buwis(it).

Mas tama siguro ang slogan niya na "RAMDAM ANG KAHIRAPAN, LABANAN ANG KAUNLARAN".

Filipino Tindera(o)s are lack of Good Sales Relationship



Siguro amin tayo ket nakapadasen iti panangsuplado ti maysa nga arogante a tao nga aglaklako nangnangruna kadagiti babassit a paglakuan a kas ti sarisari store, iti palengke a paglakuan ti karne/gulay/ikan, iti botika, iti paglakuan dagiti badbado ken pati payen iti restoran.

Adu dagitay aglaklako nga uray no nasayaat ti pakilangenmo kadakuada ngem inton asikassuenda ti gatangem wenno kasapulam ket urayda la bumugkaw, kumusilap wenno ibarsakda ti suklim iti latag. Kasla man rugitka iti panagkitada wenno adda maangotda a nabuyok iti bagim ta nakamirduotda.

Adda pay dagitay katulongan iti paglakuan nga uray no imbagamon ti gatangem ket didaka ikankano, un-unaenda ketdi ti makituttot iti padada nga aglaklako. Ken adda met dagitay aglaklako a masadut a tumakder iti nagtugawanna ket kaslana urayen ti gatangem a banag a mapan iti sanguananda. Naing-ingarda pay ngem tay akinkukua iti paglakuan.

Dagitoy a babassit a banag ti di makita dagitoy nga aglaklako. Awanda koma iti paglaklakuanda no awan dagitoy gumatgatang kadakuada ken nasisiyaat laengen nga irikepda ti paglakuanda ket agkul-obda lattan iti ayanda. No seriosoda iti gannuatda a dumakkel iti pagbibiaganda, baliwanda koma ti pannakilangenda kadagiti gumatgatang. Sursuruenda ti umisem uray pay no nakipagbreak ti boypren/gelprenna kenkuana, wenno naporlata tay tinayaanna iti hueteng di kalman, wenno di a napagustuan idi rabii kenni lakayna/baketna. Iti kastoy a pannakilangen, sigurado agsublinto a gumatang ulit ti kustomerda, ket agbalin a suki wenno gayyem ket irekomendananto daytoy a paglakuan kadagiti gagayyemna, kadagiti kabagianna ken pati iti barangay. Siento por siento manamnama iti dakkel a ganansia gapu laeng iti maysa nga "ISEM".

"Saan a makita ti piso iti panagruprupa ti tao no ketdi ti kalangiking iti bulsana a mangiyed iti grasia."


Naudi manen ni Ilocano!

Bayat iti panagbuybuyak idi rabii iti self title program ni Jessica Soho napabilibak iti maysa a segmentna maipapan iti pelikula a Kapampangan a madamada ita a mangsapsapulda kadagiti castings da.

Ne! no kayada apay a di kaya dagiti Ilocano kunkunak iti panunotko. Am-amang met nga ad-adu ti Ilocano no idilig kadagiti Kapampangan a mangbuya koma kadagiti partuat a pelikula a maaramat iti bukod a lengguahe.

Kadagiti kallabes nga indie films (independent producer) a naipabuya iti ballasiw taaw, maysa ti dinirehe ken nagbidaan ni Cesar Montano a “Panaghoy sa Suba” ket naaramat ti Bisaya, kadaytoy pay a pelikula ti nangalaanna ti adu a pammigbig-aramid kadagiti award giving bodies.

Sadiay Ilocandia umatiperper ti “ayug-ilocano” wenno dagiti kankanta nga ilocano kadagiti estasion ti radio, ngem ditoy Manila no dika mangipatugtog iti MP3 playermo ket diam mangeg dagiti a ritmo. Ad-adda ketdi a mangegmo dagiti Bisayan Song wenno tay Kampampangan-Rock a mangdomdomina iti air-waves. No kasta dagiti telenobela kadagiti lokal nga estasion ti telebision, buyaen met ngata dagiti Ilocano?

Kaano ngata nga adda makaitured a mangpondo iti kasta a proyekto, adu dagiti nalalaing a mannurat tayo nga ilocano a mabalin a mangtulong tapno mangsurat iti maysa a pampelikula wenno uray dagitay epiko tayo a kas ti “Biag ni Lam-ang” a mabalin a mangpantay iti “Lord of the Rings”.

Biag ni Lam-ang agbalin nga Oscar nominee? Apay ket a saan?