Debt of Gratitude

Debt of gratitude o utang na loob sa Filipino. Isang ugali na nakabuntot sa kultura natin mula noon, ngayon at kahit sa susunod pa na henerasyon. Kung may ginawa na pabor ang isang tao sa'yo, tatanawin mo yun na utang na loob magpakailan pa man. Mahirap atang masabihan ng "walang utang na loob".

Kahit sa Malacañang ay uso itong utang na loob. Ano ang itatawag sa pagpapaupo kay Angelo Reyes bilang kalihim ng Department of Energy. Isa heneral dati na tumulong kay GMA para mailuklok siya bilang Presidente. At pagkatapos ang posisyon niya bilang Chief of Staff ng Armed Forces ay naging sekretario ng Department of National Defense, sa Department of Interior ang Local Government, at ngayon nailipat sa DOE.

Si Lito Atienza, dating mayor ng Maynila at kilalang suporter ni Arroyo. Nang matapos ang kanyang termino ay pinaupong namang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

Si Mike Defensor, dating senatoriable pero natalo noong 2004. Kilala bilang malapit na kaalyado ng taga Malacañang, pamangkin ni Sen. Miriam Defensor Santiago at tagapagtanggol ni GMA. Ngayon pinuno ng task force para sa pagbubukas ng Ninoy Aquino International Airport's Terminal 3.

Si Ralph Recto, dating reelectionist senatoriable ng Team Unity pero natalo din gaya ni Defensor. Ngayon itinalaga bilang National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary. Isang departamento na dating pinamunuan ni Romulo Neri, isa na ngayong pinuno ng Commission on Higher Education. Si Neri na nakilala sa ZTE Scandal.

Si former Sen. Vicente Sotto III ay itinalaga rin bilang pinuno ng Dangerous Drugs Board. ISang natalong senador noong 2004.

Sa mga tumakbong mga senador ng Team Unity na natalo noong 2004, tanging sina Oreta( magiging DepEd Secretary?), Pichay, Magsaysay, Montano at Kiram ang wala pang posisyon sa gabinete ni GMA pero inaasahan sa mga susunod na araw ay magsilutangan ang mga ito para mapakinabangan ang utang na loob. Pambayad ni Arroyo sa kanilang suporta sa kanya.


Debt of Integrity, bow!

Beijing; pre-olympic games status

Nakakaalarma ang estado ng China, hindi lang sa kanilang lumolobong populasyon kundi pati ang kalidad ng hangin na kanilang nilalanghap. Sa listahan ng World Bank, 16 sa 20 na siyudad sa mundo ay sa China matatagpuan. No. 1 ang Linfen City ng Shanxi Province. At sa 113 na listahan ng China pang-28 ang Beijing, ang kapital ng bansa kung saan idaraos ang Summer Olympic Games nitong Agosto.

Lagpak sa international guideline ng World Health Organization ang kalidad ng hangin ng Beijing. Nagkaroon pa sila dati ng mga imprastraktura para linisin o mabawasan man lang ang smog (smoke at fog) na bumabalot sa siyudad. Pinasara ang 90 porsyento ng paktorya na nagbubuga ng mga hangin at pinagbawalan ang mga sasakyan sa loob ng siyudad.

Sigurado maraming mga atleta na dadalo sa olympic ang aangal at sisisihin ang kalidad ng hangin na malalanghap. May isang bansa na rin na nagsabing magdadala daw sila ng gas mask habang nakikipaligsahan.

Ayon sa pag-aaral, sa 24 oras na pagkababad ng polusyon ay malaki ang posibiladad na aatakehin ka ng stroke at heart attack, maliban pa sa allergy, asthma at iba pang klase ng respiratory problem.

Kahit si Steven Spielberg na sana isa sa creative consultant sa pagbubukas at pagsasara ng Olympic Games ay umatras na rin, hindi dahil sa kalidad ng hangin kundi sa kabiguan ng Beijing para pagsabihan ang Sudan na tapusinna ang lban nito sa Darfur.

Kaya sa mga nagbabalak na pumunta sa olympic, magdalawang isip kayo. Magbaon kayo ng gabundok na aspirin, inhaler at gas mask.

CO.CC - Free domain hosting

CO.CC:Free Domain

Sa panahon ngayon saan ka ba makakita ng libre? Lahat na kasi ng presyo ng bilihin ay nagsitaasan. Kaya kung libre ang pag-uusapan kahit sino makikipag-agawan. Mayaman man o mahirap.

Habang naghahanap ako ng pwede kong mapaglipatan sa aking binubuong website napansin ko itong CO.CC. Sila daw ay nabibigay ng libreng paghohost ng napiling pangalan ng inyong website.

Madali lang iset-up pero kailangan mong mag-antay at mawala sa ere ng 48 hours para umipekto ang napili mong website domain.

Eto ang mga steps kung paano i-set-up:

  • - I-open ang inyong browser sa co.cc
  • - Magrehistro ng domain na gusto.
  • - Kung hindi available ang napili, i-try ang iba. Pero kung available sundan ang susunod na step.
  • - Hanapin ang "SET-UP-->Manage domain"
  • - Piliin ang "Zone Records" at i-click ito.
  • - Sa box, piliin anf "Host" at ilagay ang napiling pangalan (www.yourdomainname.co.cc")
  • - Piliin ang "CNAME" para sa "Type"
  • - Sa "Value" box punan ng "ghs.google.com" (NOTE: PARA SA BLOGGER LANG)
  • - I-click ang "Setup" Button.


Pagkatapos maiset-up sa CO.CC, pumunta sa inyong account sa sa blogspot(Blogger).

  • - Pumunta sa "Setting-->Publishing"
  • - Piliin ang "Switch to: • Custom Domain
  • - I-click sa "Already own a domain? Switch to advanced settings"
  • - Ilagay ang inyong napiling pangalan sa "Your Domain" coloumn.



  • - Pagkatapos ay i-click ang "Save Setting" Button.
Ayan, napasimple lang. Sinubukan ko na sa aking extra na blog at sa tingin ko maganda. Nagkaroon ng sariling bahay ito. Blak ko rin ilipat itong personal blog ko sa http://www.tugot.co.cc. Kaya watch out!

Dengue Phenomenon

Isang anak ng aking kasamahan ang isinugod kagabi sa ospital dahil nadengue na naman sa pangatlong pagkakataon. Sinusupetsang nakagat ito ng lamok sa kanilang iskwelahan sa Marulas kung saan laganap ang kaso ng nasabing epidemiya.

Nakakaalarma ang mga ganitong insidente lalo't kapitbahay namin ang may sakit. Pwede itong mailipat ang strain sa pamamagitan ng ibang lamok. Kung bakit kasi naging uso o fever na ang ganitong epidemiya kada taon, lalo na pagsapit ng tag-ulan. Kasalanan ng global warming?

Ayon sa naitalang mga kaso, 15,061 katao ang nadale sa unang anim na buwan ng taon sa Pilipinas. Tumaas ng 43 porsyento kung ikumpara noong 2007. At ang pinakamalaking bahagi nito ay galing sa Metro Manila na halos sa Valenzuela lahat, may naitala kasing 433 cases kumpara noong nakalipas na taon na 73.

Dumating kanina ang mga taga-barangay at nagfumigate sa mga kabahayan, isang hakbang para maitaboy o mapatay ang mga lamok na siya nagdadala ng dengue. Kahit mabaho, pinabugahan na rin namin ang aming bahay para maging safe. Iba na ay sigurado. Prevention is better than cure ika nga nila.

Text Messaging Subsidy

Ikaila man ng isang libong beses na walang pangbrabrasong naganap sa pagitan ng Malacañang at ng mga kumpanya ng telecom ay hindi maialis ang mga spekulasyon ng may secret deal na kapalitang promong ito na tatagal lang ng 90 days.

Sinimulan na ng Globe, Smat at Sun ang pagkaltas ng singil nila ngayon, mula piso ay ginawa na lang 0.50 centavo ang bayad ng pagpapadala ng mensahe, na itinaon sa SONA ni Arroyo. Hindi ba't nangangamoy sibuyas ang stratehiya nila? Pampalubag loob sa mga nangangalam na sikmura ng sambayanang Pilipino. Uunahin mo ba ang pambili ng load kaysa sa pagkain?

Dahil siya ang reyna ng subsidia, siguro nangako siyang babayaran ng gobyerno ang kalahati ng mawawalang kita ng mga dambuhalang korporasyon, o kaya rebate ng buwis na binabayaran nila sa gobyerno?


"Anumang dahilan ay hindi mahalaga basta't ginogoyo ko sila".

Basic need ba ng mga mamayang Pilipino ang load? Nakakain ba ito? Nakakabawas ba sa taas ng mga bilihin, ng pamasahe? Kung talagang sinsero siya sa adhikaing tumulong, tanggalin ang VAT o kaya naman kaltasan.

Kaya sa mga adik sa text, text lang ng text while supplies last.

Buti hindi binanggit ang NLEX na bumaba ang singil. At pati Meralco na muntik nilang ginamit para mapababa ang singil ng kuryente. Ang cheap mo!

COFFEE ON THE GO



Starbucks, Seattles Best, Figaro, Gloria Jeans Coffee, Coffee Bean, Bo's Coffee.


Bago pa man naging uso ang mga malakabuteng nagsusulputang coffee shop sa tabi-tabi, ang kape ay isa ng parte ng ating kulturang Filipino. Naging laman ito sa mga usapan ng mga magkakaibigan, tsismisan ng magkakapitbahay, kumustahan ng mga galing sa malalyong lugar at pampatanggal ng amats ng mga tomador.

May dalawang klase ng kape sa mundo na itinatanim, ang Cofféa arabica at cofféa canephora (robusta). Ang kape ang siyang pangalawa sa mahalagang produkto ng mundo sunod sa langis. Dito sa atin sa Pilipinas ang kape barako o Liberica ang pinakapopular.

Noong bata pa ako, nakagawian ng mga Ibanag (nanay ko kasi ay purong Ibanag) ang pag-serve ng pinakuluhang kape sa mga dumadayo at nakipagkwentuhan na bisita. Hindi nawawalan ng usok ang kusina kung saan nakasalang ang kumukulong buto ng kape. Ang iba ay binabayo ang mga at hinahaluan ng bigas o kaya ginigiling para maging pino.

Nang lumipat na kami ng Lasam, may tanim dati ang lolo ko na tatlong puno ng kape. Maliliit ang mga dahon at sanga nito. Pati ang mga sanga nito ay tinutubuan ng bunga. Ginagawa naming kendi ang mga mapupula at matatamis na cherry.

Sa mga furniture shop, isa itong sikreto na inilalagay sa mga tray para tanggalin ang amoy ng pintura ng mga muebles. Sinisipsip o pinapatay kasi nito ang mababahong amoy at pinapanatili nitong mabango ang kulob na tindahan. Kung walang uling at naiinis ka na sa amoy malansa, mapanghi at kung ano-ano pa, ang kape ay pwedeng ilagay sa banyo, sa ref o kahit sa kusina.


Japan subtle plan

Tila bumabalik na naman ang Japan sa pagkobra ng mga teritoryo ng ibang bansa na nakapaligid sa kanilang nasasakupan. Hindi sa pamamagitan ng armas, kundi sa pagpoproklama ng kanilang sinakop noong World War II sa mga lupain ng ibang bansa bilang parte ng kanilang bansa.

Lahat ng pinagtatalunan nila ay mga isla, at meron mga pruweba na hindi nila ito pag-aari.

Ang Dokdo o Liancourts ay dalawang isla na pinagtatalunan nila ng South Korea. Ito ay matatagpuan sa Sea of Japan (east sea). May layong 217km sa mainland Korea at 250km sa mainland Japan. Pinaniniwalaang mayaman ito sa natural gas.



Ang Senkaku Islands o Diaoyutai Islands ay pinag-aawayan din nila ng China/Taiwan. Sinasabi ng Japan na parte ito ng Ryukyu Island pero matatagpuan ang mga nasabing isla, 170 kilometers hilaga ng Ishigaki Island, Japan; at 186 km Hilagang-Kanluran ng Keelung, Taiwan. Kaya naman nasama ang China dahil ayon sa kanila, ang Taiwan ay isa sa kanilang probinsya.


Ang Kuril Islands ay binubuo ng 56 na isla na halos puro mga bato. Pinagtatalunan din ito ng Japan at Russia. Sa ngayon inookupahan ang mga isla ng mga Russians, Ukrainians, Belarusians, Tatars, Koreans, Nivkhs, Oroch, at Ainu. Mayaman ang isla sa mga yamang dagat.


Sana hindi kasama ang Pilipinas sa kokobrahin, meron pa nga tayong pinagtatalunan ng karatig bansa na Spratly Island. Ano na kayang nagyari sa naturang isla? Mas marami daw itong depositong natural gas kung ikumpara sa deposito ng Kuwait. Pampalit sa napakamahal na langis. Tayo naman ang mag-export sa buong mundo.

SONA(sana) AGAIN - 2008 REVIEW

Eto na naman, nangangako, di na natuto (tune ng DI NA NATUTO)


Kung ako ang magbibigay ng grado sa pangulo para sa kanyang nagampanan pagkatapos ng isang taon, mula 1(pinakamababa) hanggang 10(pinakamataas), ang ibibigay ko ay 4. Hindi pasado grado dahil nakikitang ko na wala namang nagbabago sa ating situasyon mula noong siya ang nanungkulang presidente, bagkus lalo pang lumala ang kurapsyon, ang kahirapan. Ang mga binaggit niya sa 2007 SONA ay hindi natupad o nagawa ng tama.

First, investments in physical, intellectual, legal and security
infrastructure to increase business confidence. Imprastraktura para sa negosyo
at trabaho. Isang milyong trabaho taon-taon.


Second, investments in a stronger and wider social safety net - murang
gamot, abot-kayang pabahay, eskwelang primera klase, mga gurong mas magaling at mas malaki ang kita, mga librong de-kalidad, more scholarships for gifted students, and language instruction to maintain our lead in English proficiency. Dunong at kalusugan ang susi sa kasaganaan.


Third, investments in bringing peace to Mindanao; in crushing terrorism
wherever it threatens regardless of ideology; and in putting a stop to human
rights abuses whatever the excuse.



Nasaan ang isang milyong trabaho na ipinangako niya. Hindi ba't mas lalo pang nawalan ng kumpyansa ang mga negosyante dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng kuryente at gas.

Murang gamot? Lalo pang tumaas ang presyo nito sa mga botika. Pabahay? Maraming pinapatayong mga condo at subdibisyon pero tanging pribadong kumpanya lang ang nakakagawa at tanging mayayaman ang nakakabili. Eskwelang de-kalidad at gurong mas magaling, iskolarship? Maraming eskwela na kulang sa pasilidad, maraming nag-uumpukan sa loob ng klase dahil kulang sa pondo para sa pagpapatayo ng silid-aralan, ang ibang guro ay nagsipuntahan na sa ibang bansa para magturo ng Ingles at kapalit ang mas malaking kita. Iskolarship hanggang sa salita na lang siguro na maririnig, marami pa rin ang di na nakakapag-aral na istudyante na may kapasidad.


Peace in Mindanao? Hindi na siguro titigil ang karahasan sa Mindanao, kumakailan lang ang pagkidnap sa mga taga ABS-CBN. Hindi ba't binayaran nila ang kanilang kalayaan. Parang hindi seryoso ang gobyerno na durugin ang mga ganitong elemento ng lipunan.

We have created a Philippine model for reconciliation built on inter-faith
dialogue, expanded public works and more responsive social services. These
investments show both sides in the Mindanao conflict that they have more at
stake in common; and a greater reason to be together than hang apart, including
being together isolating the terrorists.

Imprastraktura ang haliging nagtitindig hindi lamang ng kapayapaan kundi ng ating buong makabagong ekonomiya: mga kalsada, tulay, paliparan, public parks and power plants.


Asan ang mga imprastrakturang binanggit niya? kalsada?Maraming parte pa rin ng Region 2 ang hindi sementado at hinidi napag-ugnay-ugnay. Tulay? ang tulay ng Tulyahan na napakamahal at andaling nasira. Hindi pa inabot ng isang taon ay sira na. Public Parks? Wala naman akong nakita na nagawang ganito dito sa Metro Manila, lalo pang pinagpuputol ang mga puno. Power Plants? Asan ang mga ito? Bat mataas pa rin ang presyo ng kuryente? Dahil may VAT at systems lost na ipinapatong ng NAPOCOR sa MERALCO at sinisingil naman sa mga tao.

Dapat maging daan sa tagumpay sa agribusiness ang reporma sa lupa. Done
right, reform will democratize success, as Ramon Magsaysay and Diosdado
Macapagal envisioned. We must reform agrarian reform so it can transform
beneficiaries into agribusinessmen and other agribusiness women.


Repormang agraryo? Buhay pa rin ang hacienda ng Arroyo at Coquangco. Hindi pa rin ipinagkakaloob sa mga magsasaka. Ilang magsasaka ang nagmartsa pantungong DAR & DA para igiit ang kanilang karapatan sa kanilang sinasaka.

Sa anim na taon nagtayo tayo at nag-ayos ng patubig para sa isang milyong
ektarya sa buong bansa - pinakamalaki sa matagal na panahon.



Patubig? marami pa ring sakahan sa Isabela at Cagayan ang hindi inaabot ng patubig at umaasa lamang sa ulan na dala ng malalakas na bagyo.

We thank Miriam Defensor-Santiago and Migz Zubiri for sponsoring the
Biofuels Law in the last Congress. We now have 160 thousand hectares of jatropha
nurseries in Bukidnon and 30,000 in General Santos. Jatropha is a 100%
substitute for diesel, with only 5% of its emission.


Anong nangyari sa taniman na binisita niya? Hindi bat 160,000 hectares sana pero ang nangyari 100 hectares lang ang natamnan. Sana tinamnan niyo na lang ng palay ang 160,000 ay makakapag-ani ng 1,600,000 na sako. Hindi kung ano na lang ang ipinagtatanim na di naman mapakinabangan. Bawas pa sana sa inaangkat na bigas sa ibang bansa.

Sa Lallo naman mayroon tayong inaprobahan na agribusiness ecozone. Ang
mga agribusiness ecozone ay payo ni Pangulong Ramos. Chief Justice Puno, I am
happy to see you here. It is the first time that a Chief Justice
attended.


Anong nangyari sa Agribusiness Zone na ito?

Some towns in Nueva Vizcaya, Quirino, and Isabela are included in the
geo-hazard mapping we have done for 700 cities and towns all over the country to protect the environment.


May mga nagmimina sa mga bayan ng Nueva Vizcaya. Sinisira ang mga bundok para lang makapagpaluwal ng revenue? At kahit sa ibang panig ng bansa, pinayagan ang pagmimina ng mga dayuhang korporasyon.

The Bangui Bay Wind Power Project which was put up when Bongbong Marcos was governor, is now expanding. Sa paggamit ng hangin, nababawasan ang kailangang langis sa enerhiya.

Asan ang karagdagang windmill? Baka tinangay ng hangin.


Clark airport got its approach control radar in April. It now has 50
international flights and 50 cargo flights a week, the second busiest after
NAIA. We want more airline service centers there. Now, speaking of NAIA, I'm
sure everyone wants to know about NAIA Terminal 3. The ceiling that fell wasn't
the only thing in danger of falling. There are more serious dangers from
construction and structural defects. We cannot risk the grim consequences of a
major earthquake. But NAIA is accelerating the remediation, completion and
opening of the terminal. Public safety comes first.


Ayon sa isang report, di raw kakayanin ng NAIA 3 ang magnitude 6 na lindol. Katotohanan dahil hindi pa nagbubukas ang naturang airport pero bumagsak na ang kisame. Bakit hindi habulin ang mga kontraktor nito. O baka naman dahil may nakinabang? Kaya patay malisya. At patay ang mga taong sasakay dyan.

Last year, I said we would connect North and South Expressways through
C-5. Ginagawa na ang C-5 bandang Katipunan. Kausap na ang UP para sa bagong daan patungong Commonwealth, na kasulukuyang pinapalapad at North Avenue. Sa kabilang dulo ng Mindanao Avenue, binibili na ang lupa para sa bagong daan mula Barangay Talipapa hanggang Malinta at tuloy sa NLEX. Sana bumawas ang trapik pa-North Manila.


Hindi pa nauumpisahan. Kahit puntahan niyo. Drowing lang.

We just broke ground to continue the Skyway up to Alabang. In a year the
fast train from Caloocan to Alabang will be serving thousands daily. From
Alabang to Santo Tomas the South Luzon Expressway is currently being widened.
And by March, Ricky Reyes SLEX will reach Batangas Port.
Hanggang ngayon ang Skyway ay walang pagbabago. Yung nakatayong poste dati, yun pa rin ang ginagawa nila, abala na nga sa mga motorista. Fast train of Caloocan to Alabang? Kalokohan! Hanggang ngayon pati ang pagpapaayos ng SLEX ay napakatagal. Limang taon ng kinukumpuni pero hindi pa rin matapos-tapos.

Matapos ang maraming taong usapan, ang ating administrasyon ang
nakapagsimula ng Flood Control Project sa Kalookan, Malabon, Navotas at
Valenzuela (CAMANAVA).


Binabaha pa rin ang CAMANAVA. Tanungin niyo ang mga nakatira.

Information technology will help the BIR bring in more taxes in the
coming months. Its Revenue Watch Dashboard will monitor revenue collections in
real time from the national level down to the examiners. The LGU Revenue
Assurance shares information between the BIR and the LGUs to uncover fraud and non-payment, before heads would roll per Danny Suarez's Attrition
Law.


Marami pa rin makukulimbat ang mga taga BIR kahit may kompyuter. Dumadaan pa rin sa tao ang pera. Matutukso pa rin sila. Andaming kaso ng ganitong kalokohan ng kawani ng BIR.

This year, we are investing more for education: P150 billion, P29 billion more than last year.

And, last year government and private sector built 15,000 classrooms instead of the usual 6,000.

Noon, isang libro bawat limang mag-aaral.

Ngayon, tig-isang aklat na bawat grade schooler.One third of our public high schools now have Internet access, with private sector support.


Tanungin mo mga istudyante. Iilingan ka lang.
We must weed out corruption and build a strong system of justice that
the people can trust. We have provided unprecedented billions for anti-graft
efforts. Thus the Ombudsman's conviction rate hit 77% this year, from 6% in
2002. We implemented lifestyle checks, dormant for half a century. Taun-taon
dose-dosenang opisyal ang nasususpinde, napapatalsik o kinakasuhan dahil
labis-labis sa suweldo ang gastos at ari-arian nila.

Sana nakulong na si Jocjoc Bolante at Abalos.
Firms who were asked for bribes in taxes, permits and licenses dropped
from one-third to one-half. Contract bribes are also down. Graft won't be
eliminated overnight but we are making progress.


Maraming ganito, sila pa ang magsasabi ng kanilang presyo na ipatong sa kontrata. Kaya nakakatakot ang makipagtransak sa gobyerno. Wala na nga downpayment, matagal magbayad at sa kalaunan pag nabuko ang mga taong may kagagawan ng ganito. Iiwanan ka sa ere at mag-isa kang babagsak sa kulungan at kahihiyan.

Our fundamentals are paying off in huge leaps in investment. Anim na
milyong trabaho ang nalikha sa anim na taon, most in sustainable enterprises. Sa
lakas ng piso, bumagal ang pagtaas ng bilihin.


Bumagal ba ang pagtaas ng presyo ng gas, ng mga bilihin, ng pamasahe? Ang piso na bumabalik na parang yoyo sa tunay niyang presyo.

SONA (sana). Makikinig ka pa ba?

Firefox Rocks

Habang naghahanap ako ng solusyon kung paano ko tanggalin ang mga naglilitawan at nakasingit na advertisement sa aking blog (hindi kasi kayang barikadahan ng pop-up blocker ng Internet Explorer) sa pamamagitan ng "html adblock" at pwedeng idagdag sa program ng TUGOT ay napadako ang atensyon ko sa mga resulta. Wala pa palang ganitong klase ng program. Hindi pa siguro nadebelop ni Bill Gates kung papaano.

Sa lahat ng resultang hinahanap ko tanging ang Mozilla Firefox ang may kakayahan o may adds-on para tuluyang wasakin ang mga nakakabwisit na advertisement.

Matatandaan ko, sinubukan ko na dati na gamitin ito ng isang araw pero mabagal at binura ko rin agad.

Ngayon, lumabas ang bago nilang version ang Firefox 3. Mas innovative dahil mas secure ito, mas mabilis at mas marami ng kakayahan kaysa sa Internet Explorer ng Microsoft.

Sa ngayon ito na ang ginagamit kong browser, totoo nawala ang mga nagsusulputang advertisement. Nawala ang sakit ng ulo. Ang mga advertisement na ito ang isa ring nagpapabagal sa pagdownload ng mga datos.

What is art?

Any authentic work of art must start an argument between the artist and his audience. -
Rebecca West (1892 - 1983), Irish-born British novelist, critic, and journalist.


Art never expresses anything but itself. -
Oscar Wilde (1854 - 1900), Irish poet, playwright, and wit.




Habang ginaganap ang eksibit ng aming produkto, isang bata (tatlong taon gulang siguro)ang nagtanong sa akin kung bakit daw "A Butterfly Art" ang pangalan na nakalagay sa aming booth. Napaisip ako ng konti dahil bata ang kausap ko. Paano ko ba ipaliwanag sa isang musmos ang ibig sabihin ng arte na madali niyang maintindihan.

Maliban kasi na nakikita natin ang mga paruparo na lumilipad mga garden, pwede natin silang gamitin para mapakinabangan. Pwede natin silang ayusin ayon sa ating gusto at maging kaaya-aya sa lahat. Isa yung klase ng art. Ang paggamit ng isang bagay para iparating natin ang ating gusto sa mga taong nakakakita ay art.

"Art din po ba kahit wala sila sa linya?" Itinuro ang isang frame na naka-rainbow ang ayos pero may humiwalay at meron din parang sumalisi at humahabol.

"Oo naman, tignan mo yan. Di ba naka-arko sila? Tignan mo yung nasa unahan niya sinundan ng maraming paruparo."

"Ay oo nga!" Ay ang galing.

Napangiti ako.

"E di kawawa po yung mga buhay na paruparo, pinapatay nyo sila."

"Namamatay din naman ang mga paruparo. Gaya natin. Ang kaibahan lang nila pwede natin silang mapakinabangan."

Biglang umiyak ang musmos. Nasa likuran na pala niya ang kaniyang mama.

"Sige na bibili na ako. Alam ko na ang kaartehan mo na yan tuwing gusto mong magpabili.

Assessment of the Exhibit

Naging abala ako sa tatlong araw na pag-eeksibit ng aking produkto sa katatapos lang na Philippine International Flora and Fauna Garden Expo na ginanap sa World Trade Center.

Isang stratehiya para ipromote at ipakilala sa madla kung ano meron kami, kung ano ang pwedeng gawin sa mga paru-paro maliban sa panonood lang sa kanila na lumilipad sa mga garden at hayaan lang mamatay pagkatapos ng pito hanggang sampung araw.

Sa unang araw ng eksibit, dinagsa ito ng mga estudyante mula sa iba't-ibang paaralan. Naging pangunahing bisita rin si DENR Secretary Lito Atienza at kasama si Rachy Cuna, isang arkitekto at kilalang nagdidisenyo sa mga floral arrangement. Hindi man ganun kasing ganda ang pagkadisenyo ng aming booth ay maraming namang mga tao na kumuha ng larawan sa aming produkto. Lahat sila namangha sa kulay ng mga paro-paro at parang ngayon lang nakakita ng ganun. Masarap pakinggan na may pumupuri sa aming mga gawa. At dalawang print-media-outfit ang nagtanong at nag-alok kung pwede ba raw nila itong i-feature sa kanilang magazine.

Hindi ko natanggihan ang paghingi ng pabor ng Diliman Preparatory School para ilecture sila tungkol sa paro-paro. Pinalibutan ng limampung istudyante ang aming booth na naka-upo at nakinig sa aking mga sinabi. May nagtanong kung anong klase ng paruparo ang pinakagala sa lahat ng specie, sinagot ko naman na ang Danaus Plexippus(Common name: Monarch Butterfly). Mula kasi sa California lumilipad sila patungong Mexico pagsapit ng winter. Ang pinakamahabang lipad na naitala ay 2900 kilometer.

Dinagsa pa rin ng mga bisita ang pangatlong araw ng eksibit, wala ng mga istudyante pero mas marami ang pamipamilyang pumunta. Parang pumunta kasi sila sa isang mini-zoo, may mangilan-ngilan na hayop na dinala ng Avilon Zoo gaya ng tigre, ibon, unggoy, tortoise at ibang klase ng reptilya. Ang ibang eksibitor ay nagpresenta rin ng iba't-ibang klase ng bulaklak, puno, isda at halaman. Maliban sa free lecture mula unang araw hanggang sa huli tungkol sa organikong pamamaraan ng pagtatanim at ang paggamit ng natural na mga produkto, nagkaroon din kami(eksibitor)ng forum kasama ang DENR. Naging paksa ang mga permit na pinagkukuha sa opisina ng DENR. Tinanong ko sila kung bakit mas mahal ang pagkuha ng permit kaysa sa bayad ng isang pirasong paruparo, paano naman namin ibenta ito ng mura, syempre ipapatong ito sa bayad ng bawat isa at lumalabas na napakamahal. Bakit di na lang nila ito gawing lump sum. At ang ikinagulat ko sa lahat pati pala "santan" isang klase ng halaman na pinapalago lang sa mga bakuran ay nagbabayad din ng 25 pesos kada piraso kung ito ay i-eksibit. Ang iba naging concern tungkol sa pagkuha rin ng Local Transport Permit, natawa ako sa sinabi nang isang eksibitor, pati ba yung hiningi mo na isang sanga ng santan sa kaibigan mo ay kaylangan pa ng permit kung dalhin ito sa iyong bahay. Naging paksa rin ang pagkumpiska ng mga halaman at puno sa mga tao kung ito ay rare species, bakit di na lang hayaan ang mga ito na magtanim ng magtanim para naman mapalago ito makatulong sa global warming. Saan ba raw napupunta yung mga nakukumpiska? Dapat magkaroon ng isang sangay ng DENR para pangalagaan ang mga ito gaya ng ginagawa nila sa mga hayop na kinukumpiska. Pati ang mga maghahayop(nag-aalaga o nagbi-breed) ay umaangal, hayaan sana sila na magbreed ng mga endangered species para ito ay dumami, ang iba nilang maparami ay ipakawala din sa wild. Nagbigay sin ng solusyon ang isang eksibitor, tungkol ito sa mga nagtutumbahang mga puno pagkatapos ng bagyo. Dapat ibangon ito ulit at kung putulin man dapat hanggang tapat lang ng ulo ng tao. Nabubuhay daw kasi ulit ito dahil ang mga puno ay may puso rin. Kaya pala yung mga nagta-tai chi ay niyayakap nila ang mga puno.

Hindi man dinagsa ng foreign buyer ang eksibit, dahil siguro kulang ang promosyon nito sa international, sapat na rin para sa nag-uumpisa. Sa susunod na taon mas marami ang magpapartisipa, mas maraming bisita na pupunta at mas marami ang matututong mahalin ang kalikasan.

A Freelancer Life

Akala ko isang pagkakamali ang pag-alis ko sa mundo ng korporasyon, dalawang taon na ang nakakalipas. Umalis ako sa buhay ng pagtanggap ng sahod dalawang beses sa isang buwan at minsan napapagalitan ng amo na natural naman sa isang namamasukan kung ito'y nagkakamali. Mas pinili ko ang daan na puno ng agam-agam.

Ngayon ko napagtatanto na mas masarap pala ang buhay ng isang malaya. Malaya sa lahat ng bagay na gawin at magkaroon ng motibasyon sa sarili para humanap ng mapagkakitaan. Ngayon nagagawa ko ang buhay na dati ay di ko nagagawa, naging mas malawak ang mundong ginagalawan. At ang dating fixed na tinatanggap ngayon mas malaki at minsan may maliit.

Napag-aralan ko ang pagdidisiplina sa sarili para paghandaan ang kinabukasan at hawakan ng mahigpit kung ano ang nasa palad.

Nagkaroon ako ng sapat na panahon sa aking pamilya at hindi kagaya dati na halos magpakamatay sa loob ng opisina para punan ang walong oras na trabaho sa maghapon.

Pwede akong magtrabaho sa loob ng bahay habang ginagawa ang ibang bagay na tungkulin. Naging amo ako ng sarili ko.

Ilan lang ito sa aking tinatamasa sa pagiging malaya. Masaya ang pagiging malaya na gaya ng isang ibon na alam ang patutunguhan, alam kung saan hahantong ang paglaklakbay sa maghapon.

Soon to launch my own Blog Design

Hindi na ako makatiis sa mga naka-embedded na mga promos tuwing binubuksan ko ang aking blog. Kaya nag-isip na akong bumuo ng sariling disenyo para tuluyan ng matakasan ang mga ito. Irehistro ko ito sa google para di nila pwedeng kopyahin.

Ang ipinagtataka ko, kung saan galing ang mga nagpa-pop-up gayong ang alam ko wala naman akong sinubskriban ng ganitong websayt. Nakaactivate naman ang pop-up blocker. Blinak ko ang nasabing site at dinelete ang cookies para hindi na sila makabalik pero hindi pa rin gumana. Sumasakit ang ulo ko kung paano mawala ang mga ito.

Ito ang naka-embedded na site: http://adserving.cpxinteractive.com

Sinubukan kong diretsong pinuntahan ang site na ito pero "THE PAGE CANNOT BE FOUND" ang lumalabas.

Malamang isa itong spam.

Kayo may ganitong ekspiyensa ba?

Who says typewriter is out?



Nasa sulok na ba ang inyong typewriter at pinamahayan na ng mga ipis o tinabunan na ng alikabok? Kapag oo magdalawang isip na kayo at agad linisin. Kung bakit? Basahin mo ito.

Habang prinoproseso ko ang permit galing sa Department of Environment and Natural Resources para sa eksibit namin sa World Trade nitong July 18, napansin ko ang pormularyo na ibinigay sa akin ng organizer. Eto pala ay dapat pinupunan gamin ang typewriter, napakamot ako sa aking batok. Saan ako hahagilap ng typewriter ngayong panahong ito, gayong dinomina na ng kompyuter ang mundo at tila patapon na ang sinaunang uso. Wala na rin yung dating maraming hilera ng mga nagta-type sa Recto.

Una akong pumunta sa City Hall ng Quezon City para kumuha ng sedula at magbakasaling may mapagpa-taypan doon pero nabigo ako. Nakita ko ang isang gwardya at tinanong ko sa kanya kung saan ako pwedeng magpa-type. Ayun sinamahan ako sa isang maliit na opisina na katabi ng pinagkukuhanan ng Police Clearance. Eto pala ay opisinang nagnonotaryo, pinapunan ko ang mga dokumento, siguro kung bilangin ko ang letra nito ay aabot lang ng 150-200. Nagbayad ako ng 30 pesos. Mas mahal pa kung nag-arkila sana ako sa kompyuteran, may 20 pesos per hour na ngayon. At ang mas ikinagulat ko ay ang gwardya na nagturo sa akin ay may tip pala kung nakakadala siya ng tao doon na magpapagawa. Sinilip ko ang opisina ng pulis na katabi lang ng pinuntahan ko, pareho rin palang typewriter ang gamit nila.

Karamihan pa kasi ng polmularyo ng ahensya ng gobyerno ay ginagamitan pa ng typewriter. Hindi pa sila makasunod sa uso ng e-filing na gamit ang Microsoft Word o Excel. Dahil matatanda na rin ang mga kawani nito, karamihan sa kanila ay di marunong gumamit ng makabagong teknolohiya at pinagtiyatiyagahan ang papalaos ng gamit.

Magandang pagkakakitahan? Hindi kasi madalang, parang patak ng ulan sa panahon ng tag-araw.

HOAX OR GENUINE?


Habang abala ang buong mundo kung paano kontrolin ang pagtaas ng presyo ng gas ay nandito ang isang Filipinong nakaimbento umano ng sinasabing sagot sa lahat ng problema.

Si Daniel Dingel, isang inhinyerong nakatuklas umano ng hydrogen power car noong 1969 pa. Ano ba nangyari sa imbensyon niya?

Ayon sa mga balita, inilapit daw niya ito sa mga naging pangulo ng Pilipinas mula kay Marcos, Aquino, Ramos, at Estrada para makahingi ng suporta pero tanging si Estrada lang ang sumuporta sa kanya kaso saglit lang ang panunungkulan nito kaya hindi natuloy ang proyektong sana pinapakinabangan ng sambayanang Filipino. Ang rason daw ng mga nagdaang Presidente ay mawawalan ng revenue ang gobyerno sa gas.

Ngayon namumroblema ang Pilipinas kung paano niya labanan ang lingo-lingong pagtaas sa presyo ng gas.

Ang sabi ng DOST, ipresent muna ni Engr. Dingel dapat ang kanyang imbensyon sa kanila para matesting pero mukhang wala namang inisasyon para ipursige ito.

Ang imbensyon ni Dingel ay mukhang mapupunta lang sa wala dahil malapit na ring maglabas ang Daimler Chrysler ng kanilang modelo ng Hydrogen Power Car at pati Toyota, Nissan at Honda ay nagdedevelop na rin. Hindi rin ito pwedeng i-patent dahil haharangin umano ng International Monetary Fund, ayon sa kanila malaki daw ang utang ng Pilipinas at walang karapatang magpatent ng produktong makakaapekto sa kalakalan ng malalaking bansa lalo na sa larangan ng paggawa ng sasakyan. Ewan!

Kung totoo man sana itong imbensyon, sana gawin na sa madaling panahon kahit anong rason pa. Kung peke, bakit gumagana ang sasakyan niya? Kayo na ang humusga.






Source:

www.mysticfamilycircus.com/Pages/Community/Projects/xwatercar.html www.jcmiras.net/jcm/item/75/
www.macuha.com/2008/06/technology/daniel-dingles-water-powered-car/

RAP ILOCANO? FUZBUZLOW


Fuzbuzlow?

Hindi ko kilala ang pangalang ito. Pero kwidaw ka, isa itong ilocano banda na binigyan ng Dongalo Records (pag-aari ni Andrew E., ang pioneer ng Philippine Rap) ng pagkakataon na makapagrecord ng kanta.

E ano bago dun?

Hindi lang po simpleng kanta kundi rap! Bago sa kulturang ilocano dahil hindi pa nagkakaroon ng album na puro rap ang laman. Inireleasehed ang album noong Nov 12, 2007.

Ang mga paborito kong kanta nila ay ang "My Pinakbet", "No Kuripot", "Ruby Taan" (Banyo Queen) at ang carrier name nilang "Hawaiian Bebot".

Sana maging successful at mapenetrate nila ang Metro Manila na dinodomina ng Tagalog pati na rin Cebuano(Charing by 1017) at Kapampangan(Kaluguran by Ojo).

Support RAP ILOCANO!


Beware of Fraud Emails!

Isang email ang ifinorward ng Alibaba sa akin. Ito ay naglalaman ng detalye ng isang kumpanya(kuno) na interesado sa aking mga produktong paruparo na nakaframe. Sila daw ay interesado na makatransaksyon at ibigay ang mga detalye ng aking mga binebenta. Kahit sino malulula dahil sila daw ay may sineserbisan na 65 stores sa US.


Nagpost kasi ako sa Alibaba ng mga produkto ko, mga limang buwan na ang nakakalipas kaya doon nakuha ang mga contact information ko at agad naman ako pinadalhan ng sulat. Ang Alibaba ay isang sourcing website kung saan dito nagtatagpo ang nagbebenta at bumibili. Libre ang anunsyo sa lahat ng gusto maglagay.


Nagverify ako sa internet kung ano itong HDCON, Inc. na nagpadala sa akin ng email. Tinignan ko kung ito'y genuine na kumpanya, at ayon sa aking nakuhang impormasyon, isa palang fraud na kumpanya na nambibiktima sa mga tangang nagpapaloko. Tignan itong post na ito:




Ang masaklap hindi pa pala ako ang napadalhan ng mga ganitong mensahe.


Hindi ko masisisi ang Alibaba dahil hindi naman nila sakop ito lalo na hindi nakarehistro itong HDCON, Inc. sa kanilang database.


Eto ang parte ng email sa akin:





Want to have an Anthology?

Gusto mo bang magkaroon ng sariling anthology na hindi na kailangan iimprenta o kalipunan ng mga kuwento ng paborito mong manunulat? Subukan mo itong Anthology Builder, isang website na nagseserbisyo ng paggawa ng isang antolohia.
Pwede kang magsumite rin ng iyong mga gawang fiksion, yun nga lang at walang bayad pero ang kagandahan kung may nagdagdag nito sa kanilang antolohia may kaukulang bayad para sa'yo(royalty). Pwedeng ring pagkakitaan. Kinakailangan rin nila itong i-review bago maging available sa kanilang sistema.

Ang kailangan mo lang ay bisitahin ang kanilang website at magrehistro, pagkatapos pwede ka ng gumawa. Kung mag-customize ka ng sarili mong disenyo yun ang may bayad pati ang pag-order ng piling mga kuwento.

PRICE HIKE OF COMMODITIES? CHARGE TO FUEL!


Isa na namang pagtaas ng pamasahe ang napipintong mangyari nitong biyernes, inaprubahan na ng Land Transportation and Franchising Board Authority ang hinihinging dagdag sa pamasahe ng mga transportation sector. Pagtaas na subalit hindi nasunod ang hinihingi ay nakadagdag ng kita (ewan?) sa kanila at para mapantayan ang pagtaas ng fuel.

Sa dyip, ang inaprubahan ay P0.50 centavo para sa unang apat na kilometro at P1.50 sa mga susunod na kilometro. Sa ordinaryong bus ay karagdagang P1 sa unang limang kilometro at P1.25 sa mga susunod na kilometro. Kaya huwag na kayong magtaka sa mga susunod na araw kung ang inyong nasakyan ay sasabihing kulang ang ibinayad mo sa kanila.

Sadyang wala ng pakundangan ang sunodsunod na pagtaas ng krudo at gasoline, ni hindi makasabay ang mga tao sa lingo-lingong pasanin na ‘to. Kahit ang ordinaryong mamamayan ay apektado kahit walang sasakyan dahil ang lahat ng bilihin ay nakadepende sa gas. Anumang paggalaw nito ay malaki ang dulot sa bulsa ng bawat isa.

Hindi natin malaman kung ang demand ng papaunlad na bansa gaya ng China at India ang may kasalanan dahil buong mundo maliban ang Arab Countries ang nakakaramdam ng paglobo sa presyo ng gasolina. Maraming nagproprostesta, pero hanggang doon na lang dahil kahit magpakamatay ka sa gitna ng kalsada ay walang mangyayari para mapababa ito. Kung ikumpara mo ang presyo ng gasolina dito sa Pilipinas na P60.00 at sa Saudi na P7.00 ay napakalaki ang diperensya. Paano natin ipaliwanag na bakit ganun kalaki ang pagitan. Hindi ba’t nakakaloko na ang merkado?

Nitong linggo lang tumaas din ang presyo ng mga de-lata ng P1.50. Ang rason ng mga gumagawa ay dahil sa taas ng materiales. Siyempre ikaw na mamumuhunan gagawa ka rin ng hakbang para hindi ka malugi, gustuhin mo man na huwag magtaas pero kailangan.

Sana naman gumawa na ng hakbang ang gobyernong ito para maibsan man lang ang pagdepende ng bansa sa fuel. Bakit di natin buhayin uli ang nuclear power na di hamak na mas mababa ang generation cost ng elektrisidad. Sa mga mauunlad na bansa ay pinapakinabangan na nila ng lubos ang ganitong source ng enerhiya. Pinangangambahan nila ang malaking dulot daw nito sa mga tao? Di sana lahat na ng tao sa Europa ay namatay. Ang gumawa ng nuclear plant sa Bataan ay mga Amerikano at di gaya ng pumutok na Chernobyl sa Ukraine (dating sakop pa ng USSR) na sila na rin ang gumawa at mismanagement ng tao. Mas di hamak na ligtas ang sa atin. Pero sa tagal na rin ng pagkaunsiyami ng paggana sana ng nuclear plant natin ay siguradong sira na ang mga ibang parte at ang masaklap hanggang ngayon binabayaran pa rin ng Pilipinas ang inutang sa pagkagawa.

Ang pagpapaconvert ng mga sasakyan mula sa gas patungong LPG ay hindi garantisadong solusyon dahil nakadepende rin sa fuel ito. Anumang pagtaas ay siguradong susunod din. Ang kailangan natin ay pangmatagalang solusyon gaya ng ginagawa ng Japan sa kanilang mga sasakyan na pinapagana ng tubig gamit ang baterya. Isang imbensyon na meron na rin sa bansa at ginagamit sa piling lugar sa Makati.

Maraming mapagkukunan ng enerhiya dito sa Pilipinas para makapaggawa ng elektrisidad, nariyan ang araw (solar), ang hangin (wind power gaya ng windmill), alon, init ng lupa, talon, basura(methane) na problema ng Metro Manila. Ang mga nasabing mapagkukunan ay pinapakinabangan na natin pero sana magdagdag pa sila. Suportahan ng gobyerno kung anumang imbensyon. Hindi kung ano-ano ang ginagawa na wala namang katuturan.

Habang ganito ang sitwasyon ng buong mundo na naaalarma sa pagtaas ng presyo ng gas ay sana kumilos na ang gobyerno para tumulong man lang sa mamamayan. Walang patutunguhan kundi maubos ang gas ng mga Arabo. Aantayin pa ba nila na mangyari ito?

Nigeria



Madrid, Spain


Myanmar


India



Indonesia

TIPS WHEN BUYING ONLINE






Moderno na ang panahon ngayon, pati ang pagbebenta ng mga samut-saring bagay ay pwede ka ng magshopping sa Internet pero kaalinsabay din nito ay ang pagdami rin ng mga swindler o yung mga manloloko.

Isa na rin ako sa mga ilan-ilang tao na pumasok sa pamamagitan ng ganitong transaksyon. Naging libangan ko ang pangongolekta ng pera (papel man o barya) ng iba’t-ibang bansa. Sa pamamagitan ng “ebay”, isang kumpanya na kung saan matatagpuan ang mga bagay-bagay na tinitinda, mula kolesiyon hanggang sa mga bagong bagay, dito ka ma-bid kung magkano ang kaya mong presyo at kung sino man ang siyang pinakamataas ay siya ang mananalo. Sa tagal ko na sa ganitong larangan wala pa akong naranasan na aberya sa aking mga transaksyon.

Kung bakit? Heto at ibigay ko sa inyo ang mga natutunan ko na tips:

  • Kung sakaling ikaw ang nanalo sa bagay na binid mo at kailangang kunin mo na ito, huwag makipagkita sa lugar na di kabisado at higit sa lahat yung hindi matao. Mas maigi kung ikaw ang magdikta kung saan kayo magtagpo. Mas mabuti kung sa mall, sa restaurant o sa lounge ng hotel. Magpasama rin sa kamag-anak o kaibigan kung nag-aalangan.

  • Huwag ibigay ang mga personal na impormasyon tungkol sa’yo gaya ng kung saan ka nagtratrabaho at numero ng account sa bangko.

  • Maging pamilyar sa bagay na ibilhin. Tiyakin na ito ay genuine at walang depektibo. Maging masuri sa bawat anggulo nito. Bago ito mapasaiyo, i-research muna ang structure at feature nito sa mga libro at internet. Makakatulong ito para maging kabisado ang itsura ng bibilhin at higit sa lahat magtanong-tanong sa mga tao na may ganitong pag-aari. Maipapaliwanag nila sa’yo ang mga dapat malaman tungkol dito.

  • Tiyakin na bago ibigay ang bayad ay nasa sa’yo na ang binili mong bagay. Kung sadyang malayo ang panggagalingan at kailangan pang ipadala sa courier, piliin ang mapagkakatiwalaang ahensiya gaya ng PAYPAL at Western Union. Huwag na huwag magbayad sa pamamagitan ng bank to bank, naglipana kasi ngayon ag mga pekeng account at sa huli di mo na mahabol ang perang ibinayad sa kanila.

Kung masusundan mo lahat ang mga tips na binaggit ko, sigurado maging malinis ang iyong transakyon. Kaya happy shopping!

Parting Shots






Pagkatapos arugahin ng apat na buwan, heto at dumating na ang sandali na aalis na sila sa amin upang mapunta naman sa karapat-dapat na taong magmamahal din ng katumbas ng pagmamahal na inilaan din namin sa kanila noong nasa amin pa sila.

Masakit man na mawalay sila sa amin pero kailangan dahil di na namin sila kayang alagaan at maliban na rin sa halagang ginagastos nila sa pang-araw-araw.

Malikot man silang maituring pero nakakaaliw din sila dahil sadyang malambing ang ganitong lahi ng aso. Sasalubungin ka tuwing pagbangon sa umaga at hahalikan nila ang iyong mukha, mga mata na nangungusap na nagsasabing gutom na sila. Paborito nila ang saging at mansanas na merienda, maliban sa dog food na binibili kailangan din ng katawan nila ng gulay na luto pero walang halong vetsin o yung hilaw din na ampalaya, tinapay, at karne.

At bago ang kanilang pag-aalis, pinaayusan pa namin para matuwa ang bagong magmamay-ari sa kanila. Kinailangan din na bilinan ang mga nakabili kung ano ang nakasanayan na pagkain, ang oras na dapat ilaan sa kanila, ang pasensiya na walang katumbas at ang pagmamahal na di matatawaran.

Kuhang larawan pagkatapos nilang naayusan:




Larawan bago sila pinayusan:



Larawan noong mga tuta pa sila: