Treasures of Cagayan Valley



Nagmamadali akong umalis ng bahay kaninang umaga kasi nakaschedule ang miting ko ng 9:00AM sa isang interior designer sa bahay ng kliyente niya sa Alabang Hills, pero tumawag siya na i-reset ito ng 3:00 PM, kaya ayun wala na akong magawa kundi tumuloy na lang dahil nasa sasakyan na ako. Sayang naman ang oras kung babalik pa ako.

Naisipan ko na lang mag-mall hopping tutal madadaanan ko naman ang Festival Mall. Pamatay oras habang nag-aantay. Sa aga ko, isa ako sa mga unang pumasok sa mall. Ikot ng ikot sa mga shops hanggang napadako ako sa isang trade fair na ginaganap sa Mini Trade Hall sa may 2nd Floor ng mall.

"Gameng ti Cagayan Valley" ang pamagat nito. Gameng, iluko word for Kayamanan. Hindi yung literal na kayamanan kundi mga kumpanya at kooperatiba na naka-base sa Quirino at Nueva Vizcaya na gumagawa ng mga processed foods, arts & crafts, furnitures & accessories, bulaklak at ornamental plants.

Naalala ko tuloy noong bago pa ako sa kumpanyang pinasukan ko sa Makati, sa Carousel Court ng Festival Mall din ako nadestino pagsapit ng Philippine Furniture Festival na inoorganisa ng Chamber Furniture and Industries taon-taon. Tumagal ng dalawang taon hanggang inilipat na sa Mega Mall ang exhibit, hindi na sumali ang kumpaniya namin, at itinoka na lang ako sa Philippine International Furniture Shows sa World Trade Center.

Ang mga naka-exhibit sa Treasure of Cagayan Valley ay mga pangkaraniwang mga muebles na nakikita sa bahay-bahay at tila hindi pa sila preparado para sa export, base sa aking analisa. Kulang pa sa kaalaman kung ano ang uso sa international market.

Nag-umpisa ang exhibit ng Gameng ti Cagayan Valley noong Sept 26 at matatapos ito sa Oct 5. Kaya sa mga gustong bumili at balak bumili punta na kayo, tiyak mas mura ito ng konti kumpara sa mga exporter.













Google Phone versus iPhone?


VERSUS


May bago na namang inaantay ang buong mundo, eto ang T-Mobile G1 ng Google na lalabas nitong October 22 sa US. At ang goodnews nito ay mas mura sa halagang US$179 kaysa sa US$199 na iPhone ng Apple. Ewan ko lang kung magkano naman ito kung dumating na sa atin, dahil yung US$199 sa US na iPhone ay naging US$850 ng nasa Pilipinas na, sa pamamagitan ng Globe.



Ang G1 ay mas makapal kaysa sa iPhone, pero mas malapad ng konti naman ang  iPhone. Ginawa ito ng isang Taiwanese firm na HTC. Ang Google Phone ay pinapatakbo ng Android Software, isang klase ng program na ginagamit na rin na libre ng iba pang mobile phone manufacturer.

Sekreto natin 'to...ang SMART daw ang kukuha ng rights sa pagdadala sa Pilipinas at kukumpitensiahin daw ang iPhone ng Globe. Ang presyo ay kagaya ng sa US daw, hehehe.


Anti-Obscenity and Pornography Act of 2008

Isang obra maestra ni Hidalgo. (pornograpiya ba ito?)

Hindi pa natatalakay sa mga media at press itong panukalang batas ni Senate President Manny Villar pero maiinit ng talakayan ito sa cyberspace lalo na yung mga nasa larangan ng arte tulad ng manunulat, mananayaw, iskultor, pintor, mga artista sa entablado at pelikula, at marami pang iba.

Bakit kaya niya isinusulong ito, gayung mas marami pang ibang dapat atupagin kaysa sa walang kabuluhang batas na papatay sa industriya ng sinalumang arte na nag-ugat pa maraming taon na ang nakaraan. Ito'y mula pa sa mga ninuno ng ating mga ninuno. Siya na walang karapatang husgahan kung ano ang nilalaman ng ating mga pag-iisip, ng ating kamalayan sa tunay na anyo ng paglalarawan ng ating niloloob.

Hindi kaya pantapat niya ito sa panukalang batas din ni Rep. Edcel  Lagman o yung tinatawag nilang "Reproductive Health Bill" para makakuha ng suporta sa simbahan na sobrang kumokondena nito? O kaya pantapal niya sa bahong inilabas ni Lacson tungkol sa kaniya?

Ano ba ang mas marangal, pangungurakot o paghuhubad na may tamang layunin?

At siguro kung sakaling nabubuhay pa si Dr. Jose Rizal sa panahon ni Villar, e, di magbabayad siya ng P5000,000 o P1,000,000 sa pagpapalabas ng kanyang mga sinulat dahil kinukonsidera ng mga Kastila na ito'y obscene at labag ito sa simbahan.

Isama na rin niya sa panukalang batas ang bibliya, na nagtataglay din ng obsinidad, partikular ang SONG of SONGS. Ang SONG OF SONGS ayon sa mga sinaunang mga Hudyo ay isa daw metaphor, klase ng berso na tumatalakay sa relasyon ng lalaki (DIYOS) at ang babai (ISRAEL).

Kung ganun pala, e, paano mo i-interpret ang larawan sa taas. Paano ka magtatanggal ng damit? Paano ka magdadamit? Paano mo ilarawan sa painting/pelikula ang isang babaeng manganganak na nakabuyangyang ang pwerta sa harapan ng mga doktor? At ang itsura ng batang ipinapanganak na walang saplot. May damit na ba ito? Susmaryosep naman!

Eto ang nilalaman ng kaniyang panukalang batas. 

Garbage & Risky Products of China

Pagkatapos ang isyu ng Fisher Price na nagparecall ng mahigit isang milyong produkto nila sa merkado na gawang China dahil mayroon itong lead sa pinturang ginamit eto at mayroon na namang kinatatakutan ang buong mundo na isang produkto, ito ay gatas.

Ayon sa pag-aaral sa gatas na gawa ng Sanlu, nagtataglay daw ito ng melamine na siyang sanhi kung bakit nagkaroon ng bato sa kidney ang karamihan sa uminom at dumede ng gatas na gawa nila.

Ang melamine ay pangkaraniwang ginagamit din sa paggawa ng melamine resin o melamine formaldehyde, isang raw material para sa mga matitibay na produktong plastik. Kilala ang Melawares sa paggamit ng melamine, ang kumpanyang gumagawa ng mga plastik na kagamitan para sa bahay dito sa Pilipinas.

Ang melamine ay ginagamit din sa mga urea fertilizers at mga pandikit sa formica.

Kaya kung nakain o nasa loob na ng katawan natin ang melamine, mahirap na itong lumabas dahil hindi na basta-bastang natutunaw at naiiwan sa ating kidney. Nagiging sanhi pa ito ng bladder cancer,

Mahigit 13,000 katao na ang naospital sa China. Dahil sa nangyari, pinababalik na ng nasabing kumpanya ang lahat ng nabili o ibinebenta pa lang sa merkado na produkto nila.

Sabi ng Bureau of Foods & Drugs (BFAD) dito sa Pilipinas ay ligtas daw ang ating bansa sa ganitong klase ng gatas dahil hindi daw tayo nag-iimport mula sa China. Pero paano na yung mga gatas na galing sa Australia, New Zealand at America na kung saan baka sila ang bumili sa China at ibinenta rin sa atin dito. At pati yung mga ipinuslit na di dumaan sa Customs, marami kasi ang ibinebenta sa Divisoria na walang pangalan at inirepack lang. Ang Sanlu ay pag-aari rin kasi ng Fonterra Cooperative, Inc. na nakabase sa New Zealand.

Natagpuan ko sa internet kung saan mabibili ang melamine kaya eto po, tignan natin:




Hindi lang gatas o mga laruan ang mga nagkalat dito sa atin na gawang China at tested na rin nating mahinang klase talaga. Bakit hindi na lang natin kaya i-boycot at tangkilin ang sariling atin.

Manila Metropolitan Theater's Vanishing Beauty


Isang pagpapatunay na ang mga Pilipino ay wala talagang pagpapahalaga sa mga bagay na linumana ng panahon ay ang kinasapitan ng Manila Metropolitan Theater na matatagpuan sa may Padre Burgos Street o yung tinatawag nila na Lawton. Sa likuran nito ay ginawang istasyon ng mga bus papuntang South.

Dating pambansang tanghalan ng mga lokal na artista at banyaga pati na rin mga pakontes ng kagandahan at mga dulang ingles at kastila bago ito nagsara noong 1996.

Naglabas ng press release dati ang lokal na gobyerno ng Maynila upang ayusin ang naturang teatro pero hanggang ngayon hindi pa naman nauumpisahan. Naglilikom pa sila dati ng pondo para rito.

Ang teatro ay dinisenyo ng arkitektong si Juan M. de Guzman Arellano at binuksan noong 1931.

Gaya ng ibang mga gusali na matatagpuan sa Maynila pinamugaran pansamantala ng mga iskwater ang harapan at gilid nito sa ngayon.







Flour Millers & Bakers Association Rivalry


Parang awayan din ng mga oil companies at mga tsuper itong banggahan ng Flour Millers at Bakers Association tungkol sa presyo kung ano dapat ang nasa merkado. Hindi kasi nakontento ang mga bakers sa ibinaba ng presyo ng harina kahit bumaba na ang presyo ng trigo sa pandaigdigang merkado. Kulang pa raw kung tutuusin ayon sa kanilang kwentahan ang 13 pesos na inirollback.

Siempre si mamimili na naman ang papasan sa ganitong awayan. Kung dati may mabibili pa ako na pisong pandesal na gaya ng nasa larawan pero ngayon siguradong magiging dalawang piso na ito na kasing kamao lang ng bagong panganak na sanggol.


Revisiting Intramuros

CIUDAD MURADA, ito ang dating pangalan ng Intramuros na ang ibig sabihin ay Walled City o within the walls. Isang komunidad na pinapalibutan ng napakataas na bakod na gamit ang mga matitibay na bato. Hugis itong pentagon o limang sulok.

Paulit-ulit na akong pumupunta sa Intramuros pero hindi para magliwaliw at usisain ang kagandahan nito na sinira ng mga nagdaang giyera. Nitong linggo naisipan naming mag-anak na pumasyal dahil nangungulit ang aking anak na gustong makita daw si Dr. Jose Rizal. Kuriosidad para sa isang batang nag-aaral palang sa Kinder upang makita daw niya ang pambansang bayani.

Note: Ginawa ko rin sinaluma ang mga larawan para maiangkop sa artikulo.

 
Matandang puno na pinutol pero tumubo ang sanga. Nasa gilid ito ng Letran, malapit sa Puerta Isabel.


Ginawang banyo ng mga iskwater ang harapan ng estatua ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. tsk! tsk! tsk! Konting respeto naman.


Sinalumang bintana mula sa gumuhong building.


Ticket naming tatlo. P50 ang bayad ng matanda at P25 naman sa mga bata. Ewan ko kung magtataas pagkatapos ang ginagawang pag-aayos. Irerelaunch daw ang Fort Santiago sa Sept 24. Abangan!

Lumang kanyon na nakaharap sa Manila Bay. Matatagpuan ito sa Reducto De San Francisco Javier.

Ang dating American Barracks. Dito naikulong sina dating Pangulong Quirino at Marcos.

Pagpapatunay na nakulong si Marcos sa naturang barracks.

Kinakalawang na angkla ng barko noong World War II.


Ang harapan ng Fort Santiago



Isa sa mga gamit ni Rizal na matatagpuan sa Rizal Shrine.

Ang Baluarte De Santa Barbara.


Ang Falsabraga De Media Naranja. Kitangkita ang Ilog Pasig. Dito ang unang inaatake daw ng mga pirata mula sa Manila Bay.
Dungeons sa may Baluarte De Santa Barbara.


Ang huling mga yapak ni Rizal patungong Luneta.

Palacio del Gobernador

Ang Manila Cathedral. Sayang hindi kami nakapasok dahil may ikakasal ata.


ILLEGAL LOGGING SA CIUDAD? Ang mga kawawang punong pinagpuputol sa harap ng Manila Cathedral. Ano bang balak niyo diyan?


Inukit na pintuan ng San Agustin Church.


NAIA 3 Ceiling Falls Again

Hindi pa noon nagbubukas ang NAIA 3 pero bumagsak na ang malaking bahagi ng kisame nito noong March 2006, August 2008 at kahapon naulit na naman sa pangatlong pagkakataon. Wala namang lindol pero bakit kusang nagsisilaglagan ang mga ito. O talagang gustong ipakita na napakalaki ang kinamal ng mga humawak sa naturang proyektong na hanggang ngayon binabayaran pa ng sambayanang Pilipino ang pagpapatayo.

Hindi ba dapat suriin mabuti ang insidenteng ito at huwag lang laging pagtatakpan at sabihin ligtas ang naturang paliparan. Hindi tamang isisi sa klima sa loob nito, dahil kung talaga matibay yan , hindi basta-basta babagsak. Ito kasi ang iginigiit ng pamunuan ng paliparan. Paano na kung ang mabagsakan ay si PGMA e di lagot kayo hehehe. 

Buti walang nasaktan na mga pasahero. Nabansagan pa naman ang mga OFW na bagong bayani, baka mamaya maging bayani nga sila dahil namatay sa pagguho ng isang KISAME lang.

Ayon kasi sa pag-aaral kahit magnitude 6 na lindol lang ay talagang lulubog ang naturang paliparan. Mahinang klase ang mga ginamit na materiales dahil tinipid ang mga ito. Pang World Class pa naman ang disenyo.

Kayo sana ang mabagsakan para sabihin niyong safe yan.

MMDA or MPDA

Maaga talaga ang kampanya dito sa Pilipinas. Dalawang taon pa ang papalipasin pero eto at nag-iingayan na ang mga trapo. Kanya-kanyang istilo ng pagpapaganda at pagpapabango sa kanilang mga pangalan. Ang iba pati ang produktong pampaganda ay pinatulan, ang iba naman ginagamit ang pangalan ng kanilang partido, panay ang pagpapa-interbyu sa TV, kunwari ay concern sa kapakanan ng masa at yung pinakasikat sa kanila naglipana sa Edsa ang mukha pati karatig probinsiya.

Kamakailan lang parang tumubong kabute ang mga larawan ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa mga poste ng MRT sa kahabaan ng Edsa. Gatao ang laki at talikuran pa sa poste. Akala mo boss na nakatayo run, suplado at nagmamasid. At ganun din sa mga karatig na probinsiya sa Zambales kung saan hindi naman na niya sakop pero nakalagay sa mga poste ng kuryente.

Nitong linggo lang nabuking ang mga sticker na pinakalat niya sa mga tricycle, bus at pati mga pribadong sasakyan. Noong una akala ko para sa mga totoong bayani na namatay na parang simpatiya sa kanila, yung pala ang tinutukoy ay ang chairman ng MMDA. Hindi bat siya ang nag-utos na tanggalin ang mga plakard na napakarami sa harapan ng wind shield. E, ano ang ginagawa ng kanyang sticker?

Naglabas na ng utos si LTO Chairman Alberto Suansing na pagbabaklasin ang mga sticker na ito. Katwiran niya pasakit sa mata ng mga tao, at noong tinanong nila ang isang drayber ng bus ang sabi para raw hindi sila huliin ng MMDA. Ano yan panakot? Saan niya kinuha ang perang pampaimprenta nito? 

At ano naman ang ginagawa niya (pati tauhan) sa iba-ibang lungsod sa Pilipinas? Nagpakalat kasi siya ng mga sasakyang  at tauhan(Marikina) para mamigay ng kung ano-anong naikaimprenta sa papel. May mga banners pa. Sakop pa ba yan ng MMDA?

Metro Manila Development Authority(MMDA) o Metro Philippines Development Authority(MPDA)?

See also more photos: http://mgasidecommentsko.blogspot.com/2008/08/where-in-philippines-is-bayani-fernando.html

Total Secure 2009 & Other Malwares

Umiikot na ang bumbunan ko nitong nakaraang dalawang araw dahil sa paglitaw ng mga spyware sa aking kompyuter. Hindi tuloy ako nakagawa ng mga sinusulat ko dahil sa tuwing pinipindot ko lumalabas ang mga warnings na nagsasabi sa akin na impektado daw ang kompyuter ng spyware at kailangan kong i-download ang kanilang produkto. Hindi ko alam kung bakit sila naglitawan gayong wala naman akong pinindot na links.

Una lumabas ang "antispyware", na sabi panlaban sa mga spyware. Naging interesado naman ako baka sakaling matanggal pero mas nagdagdag pa sa pabigat.

Unang lumabas itong warning na ganito. Pero kahit i-click mo ang "yes" or "no".

susunod naman lalabas ito:
 

Eto ay mga pekeng warning na ginagaya ang itsura ng "My Computer". Nagdadownload din siya ng sarili niya at nilalagyan niya ng pangalan na Total Secure 2009 aka totalsecure2009.exe, isinisiksik niya ang sarili sa My Documents. Sinubukan kong burahin pero hindi kayang burahin ng "delete button".

Nag-research tuloy ako sa internet at napadownload ng iba-ibang anti-spyware. Sinubukan ko ang Spybot pero hindi rin tumalab. Ang SuperAntispyware ganon din, knock-out. At pati Hijackthis. Gumana ang hijackthis sa antispyware.exe, binura ko ang mga registry nito at ayun naglaho. Kinailangan kong burahin pati laman ng Empty Bin para mawala ang bakas sa basurahan.

Pero eto pa rin ang totalsecure2009, nagbobomba ng napakaraming pop-up windows. Pinabagal niya ang performance ng memory at nag-freeze ng tuluyan. Dinadale rin nila ang DrWatson Postmortem Debugger na parte ng windows.

Hanggang nahanap ko rin ang kanilang katapat. Ito ang Malwarebyte's Anti-Malware. Salamat sa tipidpc.com sa mga tips. May mga ganitong insidente na rin pala na naranasan ng iba. Sinundan ko lang ang kanilang payo. Buti at nawala ng tuluyan. Magaling din ang SpyHunter kaso nanghuhuli lang ng spyware pero di naman pinapatay ang nahuli kasi kaylangan mong bilhin.

Steps para matanggal ang Total Secure 2009 (totalsecure2009):

  • I-download ang Malwarebyte's Anti-Malware
  • Kailangan mong i-update bago mag-scan.
  • i-restart ang kompyuter.
  • At, tanggalin ang laman ng Recycle Bin.

All Rogue Anti-Spyware in our database:

A

Advanced Antivirus
Advanced XP Defender
Advanced XP Fixer
AdvancedAntivirus
AdvancedAntivirus 2008
AdvancedPrivacyGuard
AdvancedPrivacySuite
AdvancedXPDefender
AdvancedXPFixer
Adware Delete 2.0
Adware Deluxe
AlertSpy
AndromedaAntiVirus
Anti Spy Check
AntiMalware Guard
AntiMalwareGuard
AntiMalwareShield
AntiRoguekiller
AntiSpy Check
AntiSpyBoss
AntiSpyControl
AntiSpyGolden
AntiSpyKit
AntiSpyMaster
AntispySpider
AntiSpyStorm
AntiSpyStorm2008
Antispyware 2008
Antispyware Suite
Antispyware2008
Antispyware2008XP
AntiSpywareApp
AntiSpywareBot
AntiSpywareControl
AntiSpywareDeluxe
Antispywareexpert
AntiSpywareMaster
AntiSpywareShield
AntiSpywareUpdates
AntiSpyZone
Antivermins
Antivir gear
Antivir64
AntiVirGear
AntiVirProtect
Antivirus 2008
Antivirus 2008 XP
Antivirus 2009
Antivirus Gold
Antivirus Master
Antivirus XP 2008
AntiVirus2008
Antivirus2008Pro
Antivirus2008XP
Antivirus2009
AntivirusDoc
AntivirusForAll
AntivirusGold
AntivirusMaster
AntivirusXP2008
AntiVirXP08
ANTIWORM 2008
AV Master
AVSystemCare
Awola
B

BestsellerAntivirus
BraveSentry
BugDokter
BugsDestroyer
C

Centod
CleanerMaster
CleanupTool
CrisystecSentry
CryptDrive
D

DangerousVirus
DataHealer
DioCleaner
DisableSpyware
DiscErrorFree
Diskretter
DisqudurProtection
Doctor Adware
Doctor Antivirus 2008
DoctorAdwarePro
DoctorAntivirus2008
DoctorVaccine
Dr.AntiSpy
DriveCleaner
DriveCleaner 2006

E

EasySprinter
ErrorDigger
ErrorDoctor 2008
ErrorKiller
ErrorProtector
Errorsafe
ErrorSmart

F

Festplattencleaner
Files Secure
Files Secure 2.2
Filterprogram

G

Gktxaspm Toolbar

H

HardDiskVakt

I

IE Antivirus
IEAntiSpyware
IEAntiVirus 3.2
IEAntivirus 3.3
IEAntivirus 3.4
IEDefender
InfeStop
InstantSafePage.com
InternetSecurityDeluxe

K

Kvm Secure
KvmSecure

L

LastDefender
LiveKill
LongLifePC

M

MacroAV
Magicantispy
Malware Bell 3.2
Malware Crush
MalwareAlarm
MalwareBell
MalwareBot
MalwareBurn
MalwarePatrol Pro
MalwarePatrolPro
MalwarePro
MalwareProtector 2008
MalwareProtector2008
MalwareScanner
MalwareWar
MalwareWiped
MalWarrior
MalWarrior 2008
MasterAntivirus
MaxAntiSpy
Menace Rescue
MS Antivirus
MS Antivirus 2008
MSAntivirus
MSAntivirus2008

N

NadadeVirus
Neospace Internet Security
NoWayVirus
NowFixPc.com

P

Pc Protection Center 2008
PC-Antispy
Pc-Cleaner
PC-Cleaner 2008
PCClean Pro
PCCleaner 2008
PCCleaner2008
PCCleanPro
PCHealthKeeper
PCPrivacyCleaner
PCSecureSystem
PCSweeperPro
PCTotalDefender
PCTurboPro
Pest-Patrol
Pestcapture
PestSweeper
Power Antivirus 2009
PowerAntivirus
Privacy Warrior
PrivacyProtector
PrivacyRedeemer
PrivacyWatcher
ProAntiSpy
ProtectingTool
ProtejaseuDrive
PureSafetyHere.com
PyroAntiSpy

R

RaptorDefence
Real AntiSpyware
Real Antivirus
RealAV
RegClean 2008
Registry Doctor
Registry Doctor 2008
Registry Great
RegistryCare
RegistryCleanerXP
RegistryCleanFixer
RegistryDefender
RegistryDoctor 2008
Repair Registry Pro
RepairRegistry2008

S

SafeBrowseNow.com
SafePcTool
SaferScan
SchijfBewaker
SearchAndDestroy
SecureExpertCleaner
SecurePCCleaner
SemErros
Smart Antivirus 2009
SmartAntivirus2009
Smitfraud
SpamBlockerUtility
Spy Guarder
Spy-Rid
SpyAway
SpyBurner
SpyCrush
SpyGuard
SpyGuarder
SpyHeal
SpyKillerPro
SpyLocked
SpyMaxx
SpyOnThis
SpySheriff
SpyShield
SpySnipe
SpySpotter
Spyware Annihilator Pro
Spyware Destructor
Spyware Remover
Spyware Scanner 2008
Spyware Scrapper
SpywareBomb
SpywareDestructor
SpywareIsolator
SpywarePreventer
SpywarePro
SpywareQuake
SpywareQuake 2.4
SPYwareRemover
SpywareScanner2008
SpywareSecure
SpywareStop
SpywareSweeperPro
SpyWatchE
StopingSpy
SuperSpywareKiller
SwiftCleaner
SysKontroller
System doctor
System Integrity Scan Wizard
System Live Protect
System Sweeper
SystemAntivirus 2008
SystemAntivirus2008
SystemDefender
SystemDoctor 2006
SystemErrorFixer
SystemGuard

T

TheSpyBot
Total Antivirus
Total Antivirus 3.11
Total Secure 2009
TotalAntivirus
TotalSecure 2009
TotalSecure2009
Trace Sweeper
TrustedAntivirus
TrustedProtection

U

Ultimate Antivirus 2008
Ultimate Fixer 2007
UltimateAntivirus2008
UltimateCleaner
UltimateCleaner 2007
Ultimatefixer2007
Unigray

V

VIPAntiSpyware
VirusEffaceur
Virusgarde
VirusHeal
VirusHeat 4.4
VirusIsolator
VirusLocker
VirusProtect Pro
VirusRanger
VirusRemover2008
Virusschlacht
VistaAntivirus 2008
VistaAntivirus2008
Vitae Antivirus 2008
VitaeAntivirus 2008

W

WebSpyShield
Win Antivir 2008
Win Defender 2008
Winantispyware 2007
WinAntispyware 2008
WinAntiVir
WinAntiVirus Pro
WinAntiVirus Pro 2006
Winantivirus pro 2007
WinAntivirus2008
WinAntivirusPro 3.7
WinDefender 2008
WinDefender2008
Windows Antivirus 2008
WinFixer
WinFixMaster
Winifixer
WinPerformance
WinProtector 3.8
Winreanimator
winsecureav
WinSecureDisc
WinSpyControl
WinSpyKiller
WinSpywareProtect
WinX Security Center
WinXDefender
Winxprotector
WistaAntivirus

X

XLG Privacy Control Center
XLG Security Center
XLGuarder
XP SecurityCenter
XP-Guard
XP-Shield
XPAntivirus
XPAntivirus 2009
XPAntivirus2008
XPAntivirus2009
XPCleaner
XpCleanerPro
XPert Antivirus
XPert Antivirus Enterprise
XPertAntivirus
XPSecurityCenter

Y

YourPrivacyGuard

Z

Zinaps Anti-Spyware

Nagkalat sa world wide web na ngayon ang mga pekeng anti-virus at anti-spyware (malware) kaya mag-ingat at baka magaya kayo sa sinapit ko. "ANTISPYWARE na SPYWARE", ANTI-VIRUS na VIRUS

Pero kung sakaling may ganito kayo. Tawagan niyo lang ako. Ililibre ko kayo basta pakapehin niyo lang ako. Hehehe.

(Thanks to: SPYBOT Search & Destroy, HiJackThis, Malwarebyte's, COMODO Firewall & Avast Anti-Virus).

Google Chrome Versus Firefox 3

VERSUS

Nagtataka ba kayo kung bakit nagloloko ang inyong Google Browser nitong mga nakaraang araw? Dahil ito sa pagbabago na ginawa ng pamunuan ng Google. Kalalabas lang noong September 2 ang bagong Google Chrome. Isang internet browser kung saan tatapatan nila ang bagong-bago lang na Mozilla Firefox 3.

Punom-puno ng makabagong feature ang Google Chrome, mas mabilis kaysa sa dati at mas may seguridad dahil hindi basta-basta napapasok ng mga embedded ads. Pinasimple ang itsura dahil wala kang makikitang mga menu sa itaas. Hindi mo na kailangang gumamit ng Internet Explorer dahil may sarili itong program na pwedeng idownload ng libre mula sa kanilang website. Pwedeng sabihin nating panlaban din sa Internet Explorer ng Microsoft.

Sa mga nakagamit na nitong Google Chrome, hindi ba kahawig nito ang Firefox 3? Kasi ayon sa mga balita, ang gumawa ng nasabing browser ay dating taga Mozilla Foundation, ang nagmamay-ari ng Firefox. Kasama siya sa mga gumawa ng Firefox noong nagsisimula pa lang. Umalis ito sa nasabing kumpanya noong hindi siya isinama sa paggawa ng Firefox 2.

Anyway, kung ano man ang ginagamit niyo ngayon hindi na yun mahalaga. Sa mga gustong magdownload ng Google Chrome i-click lang ito (download).

Bloglist against Blogs I'm Following

Naka-aktibo na ang "Blogs I'm Following" o Followers na feature ng Blogger ngayong araw lamang sa aking account. Mas nauna nila itong inilabas sa Blogger Buzz nila noong August 27. Aaminin ko na isa rin ako sa mga nag-abang sa kanilang bagong pakulo.

Epektibo na sana ang naturang feature kaso noong tignan ko ay parang kapareho lang ng Bloglist na kung saan makikita mo rin ang mga nakaposte na artikulo ng blogger na sinusundan mo. Kapareho lang din ito ng Google Reader sa feature ng Google.

Bago nga, kaso kung punahin mo wala namang pinag-iba. Paulit-ulit lang ang laman. Nagiging redundant kung baga at pampagulo lang na widget sa sidebar.

Marami ng inilabas ang Blogger na pandagdag nitong nakaraan lang para mahigitan ang iba na nag-ooffer din ng serbisyong libre sa pagbla-blog pero hanggang ngayon hindi pa nila maayos-ayos at punom-puno ng bug o kamalian. Ni hindi ata nila tinest maigi bago nila inirelease. Kaya ayun andaming blog subscriber na nagrereklamo.