A cent for your thought



Dumarami at nadadagdagan pa ang aking mga naipon na sentabo sa lalagyan ng Downy. Ito'y mga sukli sa Mercury, True Value, SM Supermarket, Landmark, 7-11, Ministop at kung saan-saan pa. Halos mapuno na. Kanina lang nadagdagan na naman.


Gusto ko sanang magprotesta kung susuklian ako ng ganitong pera dahil pabigat lang sila sa bolsa at madalang namang gamitin dahil sa liit nila at hindi na tinatanggap ng ibang tao gaya sa mga traysikel pero wala akong magawa. Tanging simangot na lang ang isusukli ko rin.



I-imagine mo na na magbabayad ka ng pamasahe sa dyip ng P8.50, pero puro tig-10 sentabo o 5 sentabo, baka mabulyawan ka ng drayber dahil isang salop na ang laman ng kanyang palad.

Sa probinsya, lalo na dun sa amin sa Lasam, hindi na tinatanggap ang mga ito pati yung mga 25 sentabo. Katwiran nila wala daw mabibili ang mga ito at napakadaling dumumi o kapitan ng kalawang. Mababang klase kasi ang ginamit na metal sa paggawa.

Dati may programang pangkawanggawa ang dating First Lady Ming Ramos na Piso para sa Ilog Pasig, ito'y naglalayong linisin ang naturang ilog. Bakit kaya piso at hindi sentabo man lang kung saan mas marami ito? At mas madaling magdonate.

Pati na rin yung mga nakikita natin na coin can sa mga boutiques at shops ng mall na nasa harap ng counter, o kaya'y sa MRT na may mga tauhan ng Red Cross na akala mo namamalimos dahil nag-aabang sila ng sukli.

Speaking of namamalimos, kung ganito kaya ang ibibigay na pera sa kanila ano kaya ang magiging reaksyon? Baka ibalik lang sa'yo at sabihing ang kuripot mo naman.

Sa ngayon balak kong ibangko ang mga sentabong naipon ko dahil sayang naman. Sa huling pagbilang ko umabot na ito sa P50 pesos pero pati ako nahihiya rin. Baka simangutan lang ako ng tagabilang ng sensilyo sa bangko dahil mapapagod ito.

Kung sa Central Bank naman ay napakalaking abala, napakalayo para ito sadyain. Bahala na lang kung anong mangyari sa mga naipon kong sentabo.

Yellow Mickey Mouse Head?


Kagilagilalas ang mga ganitong ornamental na tanim na pwedeng pangdekorasyon sa loob ng bahay at pati na rin sa labas.

Sinibukan kong nagpatanim sa Cagayan ng ganito, pero hindi ata tugma sa klima dahil mainit dun. Sadyang gusto lang ang malalamig na lugar na kagaya sa Tagaytay.

Lessons from Mistakes

Halos pareho kami ng napansin ni Manong Jovy kagabi ng kami'y sumakay sa bus byaheng Monumento. Mula sa binabaan namin sa Cubao galing sa isang pagtitipon ng mga manunulat na Ilocano sa Royal Tagaytay Estates, Alfonso,Cavite, kinailangan pa namin sumakay uli dahil hindi na aabot sa destinasyon namin ang pinag-angkasan naming may-ari ng sasakyan; matutulin pa rin ang mga ito sa kanilang pagpapatakbo, sa tantya namin umaabot ito ng 80-100kph.

Hindi pa rin pala sila natuto sa nangyaring pagkakaaksidente at pagkamatay ng isang kilalang doktor na nadamay lang mula sa paghahabulan ng dalawang bus ng Joanna Jesh na tila nagkakarerahan at walang pakialam kung may mahagip sila sa kanilang kayabangan.


Ganyan din ang muntik nangyari sa amin ng kasama ko sa isang negosyo, tatlong buwan na ang nakakalipas sa panulukan ng McArthur Highway, nagbeating the red light ang isang bus kung saan kami ang nasa harapan. Konti na lang at mahagip na sana ang nguso ng serbis naming ISUZU DMAX kung hindi lang nakapagmenor ang kasama ko. Sumubsob ako sa wind shield ng sasakyan dahil nakalimutan kong nagseat belt. Tumatawa pa ang lokong drayber ng bus ng makita ang nagyari, at tila parang nanalo sa isang pakontes ng karerahan. Parang ipinagmamayabang pa niya ang kabulastugang inasal gayong halos makadisgrasya na sana siya.

Hinabol namin ito hanggang maaabutan namin ito sa may Monumento, ihinarang namin ang sasakyan para hindi siya makadaan at inakyat namin ang minamaneho niya bus. Sinita namin para ipamukha ang kamaliang ginawa niya pero nag-over react at tila siya pa ang kawawa raw dahil marami daw kami. Nagkarooon ng komusyon at nakiaalam ang mga pulis. Parehong sa presinto ang bagsak namin. Noong una'y nagmamatigas pa ito pero kalauna'y lumambot din dahil naperwisyo kami at lalo na sa parte niya kung saan marami pala itong anak na umaasa sa kanya. Paano na kung buhay niya ang nawala?

Karamihan sa mga bus drayber dito sa Maynila ay ganito ang mga pag-uugali. Porke't napakalaki ang kanilang hinahawakang sasakyan ay ito ang ginagamit nila para mang-api sa maliliit na sasakyan. Humihinto kung saan-saan para magsakay o magbaba kahit ang iba ay naabala na. Katwiran nila naghahanap-buhay daw sila. Oo tama nga naman, pero sana sa tamang paraan. Hindi sapat ang sori at pagkakamot ng ulo kung nakadisgrasya para mapagtakpan ang isang kamalian na dulot ng kamangmangan sa daan.

I AM SORRY

Nagiging palasak na sa atin itong katagang ito kung tayo ay nagkasala at humihingi ng tawad at pang-unawa mula sa taong nasaktan natin. Ito’y may kaakibat na pagsisisi sa nagawang kamalian at nagsusumamo ng higit na pagnanais upang hindi na masundan ulit.

Kahit si Ginang Arroyo ay nabigkas din ito sa harapan ng midya ng siya’y pinaratangan at idiniin sa pagkakasalang pandaraya sa resulta ng pampanguluhang eleksyon na lalo nagpatibay noong inilabas ang “Hello Garci Tape”, kasabwat ang isang komisyoner ng COMELEC na si Garcillano. Hindi maawat dati ang sambayanan upang ipamukha sa isang pekeng namumuno na siya’y produkto rin ng pandaraya, at kalaunay tanging “I am Sorry” na binitawang salita para kahit paano mapakalma lang ang mga Filipino, pero ang pagbigkas niya ng naturang kataga ay parang pag-amin niya na rin sa ginawang kasalanan.


Ganito rin ang sinabi ng isang retiradong direktor ng PNP at Comptroller na si De la Paz ng dumating ito sa bansa mula sa biyahe niya sa Mozcow, Russia upang dumalo sa isang pagpupulong ng mga InterPol. Parang isang basang sisiw na nanlulupaypay ang pakpak ang natunghayan sa telebisyon, halos maiyak at humihingi ng dispensa sa nagawang pagdadala ng napakalaking halaga ng pera na nasabat ng imigrasyon sa Russia. Isang premiadong artista ang nakita ko sa midya na pinaligiran ng mga alalay upang matiyak ang seguridad para hindi kuyugin ng tao. Nakakatawa na nakakainis dahil pagkatapos ang nagawang pagkakamali ay may gana pang bigyan ng ispesyal na trato ang gobyerno.

Ano ba ang gagawin niya sa kulang-kulang na pitong (7) milyong dala? Upang mag-“shopping galore“ dun kasama ang pito pang opisyal ng PNP at karaykaray ang kanilang mga asawa habang ang sambayanang Filipino ay naghihikahos, o dili kaya’y itago roon ang pera para sa seguridad ng kinabukasan lalo’t retirado na ito sa pinagsilbihang kawal? Kung ano man sa dalawa ay parehong hindi katanggaptanggap dahil kwetyonable pa rin kung saan nanggaling ang naturang halaga gayong 2.3 milyon lang pala dapat ang pondo ng Contingency, tatlong beses ang halaga kung ito’y kwentahin.

Parang ngayon lang ang mga ito na nakaranas makapaglakbay sa ibang bansa at hindi alam ang batas sa pagdadala ng napakalaking halaga, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibitbit ng mahigit sa $10,000 dolyares sa bawat tao dahil labag ito sa Anti-Money Laundering Law. Pero ang nakakagulat bakit hindi pa ito nakita sa airport ng Pilipinas noong sila\y paalis? Hindi ba sila ininspeksyon at nagtiwala na lang ang mga sekyurity dahil sila’y mga pulis at doon pa sa ibang bansa nakita ang kabalbalan nila nang tignan ang kanilang bagahe.

Noong una’y todo suporta pa ang tsip ng DILG na si Puno kay Dela Paz ay sinabi’y cash advance daw ang iba dahil may nakalaan daw na 10 milyon na cash advance para kay De la Paz, pero nitong huli ay umiwas na rin na parang may nakakahawang sakit o taeng naapakan ang direktor at baka siya’y madamay sa imbestigasyon.

Nagpupuyos naman sa galit itong si Senadora Santiago na may hawak sa Komite ng Foreign Relation ng senado, ipapatawag daw niya kaagad ang mga nasangkot sa kahihiyan para maimbestigahan. Sana naman totoo ito, at hindi lang moro-moro ang gagawin pambubuklat sa totoong kwento kasama ang Ombudsman. Nangangamoy politika na naman kasi lalo’t mainit na talakayan ito sa midya, magiging libreng “media mileage” para sa kanila upang hindi makalimutan ng sambayanang Filipino ang kanilang maaamong(kuno) pagmumukha.

Sana hindi gawing pananggalang ang EO 464 na siyang nagbibigay ng karapatang tumangging dumalo sa imbestigasyon o nagbubusal sa bunganga ng lahat ng opisyales ng gobyerno para isiwalat ang kanilang alam. “Sori “ na lang tayo dahil may batas sila para sa kanilang sarili.

Big 3, big greed


Kasakiman ang siyang naging dahilan kung bakit bumagsak ang ekonomiya ng buong mundo, sila’y yaong mga kapitalistang ang tanging hangad ay malalaking kita sa kanilang imperialistang negosyo. Ito’y mga bankong nagpapautang sa pamamagitan ng pabahay na may kaakibat na napakalaking interes, at pag pumalya sa paghuhulog tiyak magkapatong-patong ito at lolobo ng husto na siyang maging pabigat upang hindi na ito mabayaran.

Kasakiman din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa ibinababa ng husto nitong mga dambuhalang korporasyon ng langis ang kanilang presyo kahit sumasad na ng husto ang pandaigdigang merkado na mula sa $147 noong Hunyo ay naging $61 na lang ngayong Oktubre 17. Mahigit kalahati na ang ibinaba nito kung susumahin. Kung noong $147 ang presyo ng isang bariles ay halos P60 ang isang litro, dapat P30 o mas mababa pa dapat ang presyo sa ngayon.

Tila nagsisidedmahan na lang sila at nag-aantay na tataas ang presyo ulit para makapagtaas na naman sila. Inuunti-unti nila sa pamamagitan ng papisopisong pagkaltas, napapakiramdaman sa isa't-isa kung sino ang maunang magbaba dahil alam nila walang ibang mapupuntahan ang mga gumagamit ng langis. Habang ang mga Small Player ay mas mababa kung tutuusin ang presyo na kokonti lang ang mga gasolinahan sa buong Pilipinas.

Naging palaisipan pero ikinatuwa ng mga mamamasada ang pagtapyas ng Unioil at Flying V ng P3 sa presyo nila. Kung kaya ng mga ito ng magbaba, e, bakit itong mga malalaking kumpanya ay hindi. Napakalaking katanungan para sa mamamayang Pilipino na niloloko nila sa pamamagitan ng monopolya. Wala mang batayan na may kartel na nagyayari ang taom-bayan, pero nangangamoy malansa dahil sa parepareho sila ng presyo. Kung may paggalaw sa pandaigdigang merkado na pagtaas, magtaas sila kaagad kahit hindi pa dumarating ang bagong stock, at ang nakakaloko sabay-sabay din, ayaw magpaiwan o magpalamang sa isa’t-isa.

Ang isinusulong ng mga militanteng grupo na pagtanggal sa VAT ay hindi rin garantiyang mapapababa nito ang presyo ng langis. Alam naman natin na sobrasobra ang panloloko ng mga ito sa atin baka sa kalaunan magiging dagdag lang ito sa kanilang kita at ipagpilitang nalulugi pa sila.

Ano bang nagyari sa pagtanggal pansamantala ng gobyerno sa taripa? Hindi naman bumaba, bagkus sila lang ang nagbenepisyo dahil hindi naman naramdaman ng mga konsyumer ito. Naging dagdag lang sa kanilang binibilang na kita. Kung talagang nalulugi sila, di sana nagsara na ang kanilang mga gasolinahan. Sinong negosyanteng tanga ang magpapalugi ng napakalaki gayong hindi kumikita ang kanilang negosyo.

Ang sa akin lang, hanggang hindi ibinabasura ang Deregulation Law na hindi naman umipekto at pinakinabangan ng masa, magiging pabigat na pasanin sa balikat ng mga Filipino itong mga swapang at mapagsamantalang kumpanya ng langis. Ito'y kanilang pananggalang para idikta kung ano man ang kanilang gustong kikitain kahit naghihikahos na ang sambayanan.

Killer Billboards

Hapon ng Lunes, papunta na ako sa aking miting sa Makati ng biglang bumuhos ang ulan, kaya tanging nagawa ko ay sumabay na lang sa delivery ng mga ilaw para sa aking kliyente sa isang leisure club project sa probinsiya ng Quezon, doon din naman ang bisinidad ng delivery sa aking miting.

Binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA ng biglang ibalita ng isang istasyon ng radyo, na trapik na raw ang southbound lane dahil sa isang billboard na bumagsak bago paakyat sa flyover ng Santolan, at may mga itinakbo raw sa ospital na mga taong nabagsakan ng mabibigat na bakal. Kaya ang ginawa namin ay umiwas na lang at baka maipit pa kami.

Hindi na nadala ang gobyerno sa ganitong insidente, ganyan din ang nangyari noong kasagsagan ng bagyong Milenyo kung saan nakapatay din ang bumagsak na billboard. May mga imbistigasyong nangyari noon dahil pinagpistahan ito ng midya pero kalaunan wala ring nangyari at nauwi sa wala. Hindi maalis sa suspetsa ko na may bayarang nangyari noon, kung kaya parang bula lang itong namatay. Ang masaklap lalo pang dumami ang mga ito at nagsilakihan pa at ito na lang ang nakikita, tinabunan ang ibangkagandahan ng kapaligiran.

Ngayon at may bumagsak na naman, ano kayang aksyon ang gagawin ng DPWH para kahit paano mabawasan o dapat ba laging iinspeksyon ang mga ito kung ang estado nito ay ligtas pa ba kung sakaling tamaan ng malalakas na hangin na dulot ng bagyo. Para kahit papaano hindi na kikitil ng buhay, o hanggang pasikat lang sila? Magsisihan? Magturuan? Pare-pareho.

Anti-Poverty Campaign on Blog Action Day

Sa kabuuang 90 milyon na populasyon ng bansa ayon sa istatistika ng Census, 40 porsyento nito ay nasa mahirap. Kabilang na rito ay yung mga pamilyang nabubuhay sa $1 sa isang araw. Sila yung pinagkaitan ng pagkakataon na baguhin ang takbo ng kanilang buhay, kulang sa biyaya inaambon galing sa mapagmahal na gobyerno at tila iniwanan na rin ng Diyos na parang di nakikita ang kanilang kalagayan.

Nitong nagdaang mga araw, hindi ako makapaniwala sa balitang kinitil ng isang ginang sa Cavite ang buhay ng kaniyang mga anak at isinunod pati ang sarili dahil wala na siyang maipakain sa kanila. Ganun din sa Davao nung isang taon lamang, isang dalagita ang nagbigti dahil din sa gutom na nararanasan ng kanilang pamilya.

Ganun na ba kahirap ang buhay dito sa Pilipinas? At pati sariling hininga o buhay ng kaanak ay kinikitil na lang para lang matakasan ang kalam ng sikmura.Tanging 'yun na lang ba ang naisip na kalutasan ng bumabagabag na konsensiya, ang takasan ang responsibilidad at idamay ang iba para hindi na maranasan pa ang hirap at sama-sama na lang hanggang sa hukay?

Hindi ba't isa tayo sa bansang mayroong mga bilyonaryo, may malalawak na lupain at malawak na dagat na pwede sanang mapagkunan ng ating ikakabuhay, para kahit papaano may panlaban sa kalam ng sikmura pero paano naman mangyari 'yun, e, kinokontrol ito nag iilang pamilya ang malalaking bahagi ng Pilipinas. Ang iba pa nga may hinahawakan na katungkulan sa politika at ito ang siyang dahilan kung bakit hindi nagagalaw ang kanilang lupa para sana maibahagi sa higit na nangangailangan.

Ngayon at nararanasan na naman ng buong mundo ang krisis sa ekonomiya, ang dating bilang ng mahihirap ay madadagdagan na naman, lalong hihigpitan sinturon. Gaya ng maraming isda sa isang aquarium paano paghahatian ang isang pellet. Dadaanin na naman sa lakas? Kung sino ang malaki siyang may pagkakataon na makuha ang pagkain. Paano naman kasi sila makaikot at magkahanap ng pagkain sa isang kulob na salamin.

Napakahirap maging mahirap, pero walang ibang paraan kundi harapin ito, hindi ito pwedeng talikuran o takasan.

Ang kahirapan ay maihahantulad din sa isang toro, nandiyan na handang makipambuno, susukatin ang iyong lakas, ang iyong tatag at kahit wala kang sapat na lakas pero may abilidad kang magpursige kaya mo itong gapihin.

Nightmare of JPEPA on Philippine Economy

Tila walang hangganan ang pang-aapi ng administrasyon ni Ginang Arroyo sa mahihirap at maliliit na mamamayan ng Pilipinas. Pagkatapos papasukin ang mga minero dito sa bansa, ang pagpapasipsip sa langis ng bansa sa mga dayuhan at ibigay ang karapatan sa pagkuha sa isla ng Spratly, heto at pinabilis sa Senado ang pagpirma sa Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) na halatang pumapabor lamang sa bansang minsang nagpahirap sa atin at kumitil ng napakaraming buhay noong Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, at sa botong 16 laban sa 4 ay naipasa ang pinangangambahang batas na siyang papatay sa ekonomiya ng bansa at pagpabor sa Japan. Hindi pa ba siya natuto sa free trade na dinala ng GATT-WTO sa atin ng rinatipikahan ng Senado noong 1994, at senadora na siya ng panahong iyon?

Samantala, ang 16 senador na pumirma sa JPEPA ay sina Mar Roxas, Edgardo Angara, Rodolfo Biazon, Alan Peter Cayetano, Miriam Defensor Santiago, Jinggo Estrada, Juan Ponce Enrile, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Bong Revilla, Miguel Zubiri, Manuel Villar Jr., at Lito Lapid. Ang apat na na di pumirma ay sina Aquilino Pimentel Jr, Jamby Madrigal, Francis Escudero, at Noynoy Aquino.

ANO BA ANG JPEPA?
Ito ay kasuduan ng Japan at Pilipinas na naglalayong madagdagan ang pamumuhunan at oportunidad sa pagitan nila sa pamamagitan ng Free Trade Agreement (FTA) o pinasimpleng pagtanggal ng trariffs sa lahat ng produktong papasok sa pagitan ng bawat bansa.

Lingid sa kaalaman ng marami, ito’y nagsimula ng niluluto pa noong 2002 kung saan si Ginang Arroyo ay bumisita sa Japan at naging pormal ang negosasyon nila ng dating Punong Ministro Jonichiro Koizumi ng Japan noong November 2004.

SAKOP NG JPEPA
Importasyon
Kung sakaling mapirmahan na ni Ginang Arroyo ang naturang kasunduan, mas madali na sa bawat bansa na ipasok ang kanilang produkto ng walang agam-agam, ng walang taripang maipapatong na siyang nagpapamahal sa isang imported na bilihin. Siguradong dadagsain ang ating merkado ng gawang Japan at maitutulad sa mga produkto ng China na naghahari sa mga pamilihan. Dahil sa nangyaring pagdagsa ng gawang China maraming pagawaan dito sa Pilipinas ang nagsara dahil hindi nakayanan ang sobrang baba ng presyong imported.

Eksportasyon
Hindi makakatiyak ang mga produktong Pilipinas na ganun na lang kadali na makapasok sa merkado ng Japan kahit na may JPEPA dahil sa sobrang higpit ng kanilang batayan. Para sa isang banyagang gustong pumasok sa Japan ay napakahirap at napakamahal ito lalo na pagdating sa distribusyon dahil masyadong sarado ito at dinodomina lang ng mga distributor, mga wholesaler at retailer. Sa kanila ka lang pwedeng makipag-ugnayan. Sa ngayon tanging malalaking kumpanya lang ang nakakapasok dun gaya ng Dole Philippines at mga Farm dito sa Pilipinas na pag-aari pa rin ng mga Hapon.

Kalikasan

Sa ilalim ng JPEPA, pinapayagan ang mga basura at patapon ng gamit ng mga Hapon na makapasok sa Pilipinas ng walang buwis, saklaw nito ang mga nakakalason, mapanganib at nakakamatay na basura. Pero sabi ng gobyerno, hindi daw ito pwede dahil ipinagbabawal daw ito ayon sa RA 6969 o “Toxic Substance and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990” pero ang sabi naman ng ibang grupo ng mga abugado, binura na ng JPEPA ang nasabing batas kung sakaling ito’y mapirmahan.

Noong July 1992, may nahuling nakapasok sa Pier ng Manila na 122 na 40-footer container galing Japan. Idineklara itong mga basurang papel na pwedeng pang gamitin ulit pero noong buksan tumambad ang basurang laman na galing sa mga ospital sa Japan. At noong November 2006, nagprotesta ang mga magsasaka ng Brgy. Sapang sa Ternate, Cavite dahil doon daw pinagawa ng gobyerno ang 84 ektaryang landfill na tatanggap sa basurang manggagaling sa Japan.

Filipino Propesyunal
Pati ang mga caregiver at nars ay hindi rin ligtas sa JPEPA, isinama kasi sa kasunduan ang pagpasok ng mga ito sa Japan. Bago sila makapagtrabaho doon, kailangan pa nilang maipasa ulit ang Japan Nursing Examination bago sila mabigyan ng lisensiya kahit nakapasa na sila ng Philippine Licensure Exam. Bibigyan sila ng tatlong pagkakataon sa loob ng tatlong taon para maipasa ito. Kailangan din nilang alamin ang wikang Nihonggo. At higit sa lahat, mas mababa ang kanilang sahod kaysa sa Nars na Hapon. Pinakamababa rin sila kung ikumpara sa sahod ng nasa US, UK, Middle East at Europa.

Eto ang magiging kasuklamsuklam na pamana ni Ginang Arroyo sa atin na mamamayang Filipino pag-alis niya sa trono kung aalis nga siya talaga.

Eto ang mga listahan ng mga papasok sa Pilipinas na basura ng Japan.



Eh ano kung may langis?

Magandang balita sana ang ibinibida ng Sekretaryo ng Departamento ng Enerhiya na si Angelo Reyes tungkol sa pag-uumpisa ng pagpapaluwal ng langis sa Galoc 1 pero para sa akin hindi pa rin ito matutustusan ang pangangailangan ng bansa sa konsumo sa langis.

Mayroon 300,000 bariles na ginagamit ang Pilipinas sa isang araw, at ayon sa report ang naturang oil field ay makakapagpalabas ng 20,000 bariles lang sa isang araw o 6 porsyento sa kabuoang ginagamit.Sa pagtataya nila mayroon daw itong 5 hanggang 14 milyong bariles ng nakatagong langis. I-divide kaya natin ang 14 milyon sa 300,000. Gagamitin lang ito ng ating bansa sa isa’t kalahating buwan o mas mababa pa sa aking kalkula.

Mababawasan kaya ang presyo ng langis sa merkado? Hindi. Kasi ang pagpresyo ng mga kumpanyang nagmamay-ari sa GALOC Field ay ibabase nila ito sa pandaigdigang merkado o kasing presyo rin ng nasa ibang bansa lalo na’t ang pinakamalaking bahagi ng operasyon nito ay kinokontrol ng dalawang banyagang korporasyon na Galoc Production Corporation na mayroong 58.29 na nakabase sa Bahrain at Nido Petroleum Philippines Pty Ltd ay mayroong 22.3 porsyento rin. Kaya mananatili pa rin ang paghahari ng mga swapang na korporasyon ng langis dahil may kalasag sila sa likod ng Batas ng Deregulasyon.

Hindi rin tayo makatitiyak kung dito sa Pilipinas ito gagamitin dahil mas mahal na hamak ito kung tutuusin kaysa sa Dubai Crude pero mas mababa kaysa sa American Crude, dahil baka ibenta sa ibang bansa gaya sa nangyari sa Natural Gas sa Malampaya na matagal ng nagsimulang nag-ooperate pero sa Singapore pala ito inexport. Hindi pinakinabangan ng bansa at tanging ang buwis lamang na nalilikom, na minsan hindi rin natitikman ng taombayan dahil kinukurakot ng mga mahahaba ang kamay.


French Writer wins 2008 Nobel Prize for Literature


Isa na namang Pranses ang nagkamit ng Nobel Prize, ang pinakamataas na pagkilala sa larangan ng panitikan, sa katauhan ng 68 anyos na si Jean-Marie Gustave Le Clézio. Siya ang pangatlong Pranses na nanalo sa prestihiosong award pagkatapos kina Gao Xingjian (2000) at Claude Simon (1985).

Si Le Clézio ay isinilang sa siudad ng Nice sa France. Ang kanyang ama ay isang Briton at Pranses naman ang kanyang ina.

Sa edad na 7 ay nakapagsulat na siya ng libro tungkol sa dagat. Nakapaglimbag na siya ng kanyang nobelang Le Procès-Verbal (The Interrogation)sa edad na 23, at naging daan ng kanyang pagkabantog dahil nanalo ito sa Renaudot Prize.

Sa 32 librong naisulat niya, may mga mangilan-ngilan nito'y naisalin sa ibang mga lengguahe. Nakakapagsulat din siya sa wikang Ingles.

Ang nobelang Desert na isunulat niya noong 1980 ay siyang naging daan kung bakit siya ang itinanghal na Nobel Prize for Literature. Ayon sa Nobel Academy, ang nobelang ito'y nagtataglay ng kakaibang imahe o pagsasalarawan ng nawalang kultura sa disierto ng North Afrika at pagpapasubali sa paglalarawan ng Europa sa kanilang nakikita tungkol sa mga hindi kanais-nais na mga imigrante.

Milking Cow


Hindi ko pa nararanasan ang sinasabi ni Ginang Arroyo na kaltas sa singil sa text na kanyang ipinangalandakan noong nag-SONA pero eto at binubuliglig na naman ang isyu hinggil sa pagdagdag ng presyo nito kung sakaling igiit ng gobyerno ang pagkuha ng 20 porsyentong halaga para raw mapunan ang kulang-kulang na budget ng edukasyon sa bansa.

Ayon sa Senate Bill 2402 o mas kilala sa Health and Education Acceleration Program (HEAP) na ipinanukala ni Senator Richard J. Gordon, kakaltasan ng 20 porsyento ang pisong singil sa text at ito ay mapupunta sa mga programang tumatalakay sa edukasyon. Ang naturang porsyento ay ilalagak daw umano ng mga telecom company sa isang Trust Fund, upang doon kukunin naman ng gobyerno.

Maganda sana ang panukalang batas, dahil ang lahat ng mga bata ay magkakaroon ng sapat at tamang pag-aaral. Sino ang aayaw na dadami ang mga silid-aralan, libro at titser na magtuturo. At iaangat niya ang estado ng edukasyon sa bansa. Pero papayag kaya naman ang mga telecom company? Papayag ba silang mabawasan ng kitang 200 milyon? (Meron kasing 1 bilyong text na ipinapadala araw-araw). Syempre hindi, ipapasa lang nila sa mga taombayan ito. At ang halaga ng piso text ay magiging 1.50.

Sobra-sobra na ang pagpapahirap sa mamamayan dahil sa laki ng mga buwis at sa mahal ng mga bilihin pati ba naman text dadagdagan pa nila ng pagpapahirap. Bakit hindi gamitin kasi ng tama ang budget na 1.4 trilyon, tanggalin nila ang pork barrel ng bawat kongresman o senador at doon ilagak.

Sa laki rin ng pork barrel ni Arroyo na P835.97 billion pork, dapat siya ang magbawas at ilagak ang 20 porsyento para sa edukasyon at kalusugan ng tinaguriang "Pag-asa ng Bayan".

The Early Birds


"The early birds catches the worm."

'Yan ang isang pamosong kasabihan/idioma/proberbio na lumabas sa John Ray's A collection of English proverbs 1670, 1678, na ang ibig sabihin ay kung mas maaga ka, mas may tyansa kang magtagumpay sa iyong ginagawa.

Kaya pinadrowing ko sa kompyuter ang aking anak gamit ang "PAINT" upang ilarawan niya base sa interpretasyong sinabi ko sa nasabing idioma. At pagkatapos ginamit ko ito sa aking post.

Kaya silipin din natin sa politika kung sino-sino ang mga early birds na nagpapahiwatig ng kanilang interes upang kumandidato sa pagiging Presidente ng "Pilipinas Kong Mahal" sa 2010 kahit napakalayo pa.
Malamang madadagdagan pa ang listahan, dahil hindi pa kasama ang mga "new sons" o yung mga nuisance. Sa dami nila parang baratilyohan ang pagiging Presidente. Aagos at dadaloy na naman ang pera. Pagkakataon na ng mga gustong magbisnes, umpisahan niyo na rin at baka maunahan kayo.

ANOTHER ILUKO SHORT STORY CONTEST

Gapu iti kaadu ti pakasikoran iti napalpalabas a bulan ket diak unayen nakasirip wenno nakatambay sadiay "ILOCANO.ORG", maysa a website nga ayuyang dagiti Ilokano iti cyberspace.

Iti Ilocano.orgmo a makita wenno maam-aamo dagiti dadduma nga Ilokano nga agnaeden kadagiti agsasabali a disso ditoy Filipinas ken agramanpayen dagiti addan sadiay ballasiw taaw. Lallalo ket ti akinkukua ken webmaster iti nasao a website ket naka-base met sadiay Amerika.

Simple laeng ti rules sadiay, maiparit iti agsao iti Tagalog, ta ikkaten no kua ti webmaster. Agduduma iti topic a mabalin a pagpilian, ken amin dagitoy mabalinmo met ti agkomento. Ti agrasaw, maikkan iti suspension wenno maiparitton a dumap-aw, nga usar iti agpada a nagan.

Nabayagakon a miembro iti nasao a website, ket uray diak unay sumirsirip sadiay adda latta dagiti mangit-ited kaniak iti update babaen iti email. Isu nga idi kalman pinatulodandak iti imbitasion iti maysa a pasalip. Sinnuratan kano iti ababa a sarita, ket ti premio, doliar.

Mangrugi ti pasalip inton October 13 ket agngudo met inton December 6.

Ti numero uno a kwalipikasyon ket dapat miembroka ken nakapagposte iti minimum a 100 sakbay nga i-submit ti sarita. Kadagiti interesado mabalinyo pay ti kumamakam. Alisto laeng ti agiposte ti 100.


ILOKANO SHORT STORY CONTEST

Link

1. The contest is open to all members who have at least 100 posts at the time of submission of his/her entry.

2. Manuscript should be in Ilokano.

3. Contest officially starts on October 13, 2008 9:00 am Philippines Time and will end on December 6, 2008 9:00 am Philippines Time.

4. Length of the story is from 12 pages to 25 pages, typed double-space, font size 12, on regular bond paper (size 8 ½’ x 11’).

5. Only one entry is allowed per member. Pen Name is necessary to hide the identity of the contestant from the judges, thus will avoid any favoritism issue in the duration of the contest.

6. Contestants may submit any type of story, but with emphasis on Ilocano culture.

7. Entry should be original, and should not have been published yet nor have yet won any prize in any writing contest.

8. Pen Names shall be used in the manuscript, but to validate contestant's being an IDO member, his/her IDO Username must be indicated if different from the email address used. Usernames of winners shall be revealed after the contest.

9. A brief explanation on how the author has come up with the story’s plot is an added advantage.

10. Rest assured that only yours truly and the sponsor shall have knowledge of the author’s identity for the time being. Winners shall be notified, and only then shall they be requested to send their names and addresses.

11. All winning entries shall become the property of the sponsor, and the latter shall have the right to edit and publish them in any form, without prejudice to authors’ copyright.

12. The decision of the judges shall be final, unless otherwise found out that the author violated paragraph # 7.

13. Prizes shall be as follows:

First Prize - US$200.00

Second Prize – US$100.00

Third Prize – US$50.00


14. Sponsor: ANONYMOUS

15. Judges were pre-chosen and shall be sent invitations. Their identity shall remain confidential throughout the contest, and shall only be revealed together with their ratings on the day the results are to be posted.

16. Entries must be emailed to the following address not later than December 6th, 2008 9:00am, Philippines Time: joaquin_roskaldo@yahoo.com