Skip to main content

Journey to Quezon

Sabi ng mga ekonomista, ang Pilipinas ay mararanasan ang problemang pampinansiyal nitong 2009 gaya nang nararanasan ngayon ng Amerika at pati sa mga bansa sa Europa. Hindi daw vulnerable ang Pilipinas dahil alam naman ng karamihan na ang Amerika pa rin ang siyang pinakamalaking tagapagbili ng mga exported na produkto.

Pero sa aking analisa, maapektuhan man ang Pilipinas pero bahagya lang. Isang pagpapatunay ang kaliwa't kanang pagbubukas nitong unang kwarter ng taon nang mga hotel gaya ng Newport Marriot Hotel, Summit Ridge Hotel Tagaytay, Radisson Hotel Cebu, Bellevue Hotel, Shangri-la Boracay, at mga renobeyson ng Pan Pacific Hotel, Makati Shangri-la Hotel at expansyon ng Taal Vista Hotel. Hindi rin matatawaran ang mga ipinapatayong mga kondominium at komersiyal na establisimento ng Megaworld, Robinsons Land at pati ng Ayala Land.

Isa rin sa aking mga kliyente ang Graceland Estates & Country Club na matatagpuan saTayabas, Quezon sa mga developer na walang takot sa nakaambang problema sa pampinansiyal. Ito'y isang leisure club na kinakailangan ng pagpapamiyembro para matikman ang mga amenities na nasa loob ng nadevelop na lugar. Kinabibilangan dito ang apartel, villas, functioon rooms, pavilion hall, swimming pool, horseback riding, lagoon, driving range, camping site at meron din silang kondominium na ibinebenta. Madalas dito ang mga siuting sa sitcom at saka pinaggaganapan ng timpalak sa kagandahan.

Bagamat hindi na mabilang ang pagpunta ko sa Tayabas, Quezon, ngayon lang ako nakapagdala ng kamera. Masasabing isa ito sa mga destinasyon ng mga turista dahil sa mga nakatagong ganda nito, ang klimang katamtaman na kagaya rin ng Tagaytay at Baguio, mga pagkaing sariwa at putaheng dito nagmula.

Subalit makulimlim at tila nagbabadya ng ulan, hindi naging hadlang ang aming pag-ikot dito. Pagkatapos masiguradong nasa tama ang delivery ng mga ilaw sa kanilang Pavilion Hall at nakausap ko ang interior designer na namamahala sa naturang proyekto, umalis na kami kaagad para magliwaliw ng kaunti bago uuwi. Kahit papaano maibsan o matanggal man lang ang pagod na nararamdaman sa isang linggong pagtratrabaho.

Gaya ng dati sa Palaisdaan kami tumuloy, ito ang pinakahang-out namin sa tuwing nagagawi kami rito. Nasubukan na namin minsan ang Kamayan sa Palaisdaan, pero hindi kasing ganda a
ng serbisyo at kasing sarap ng luto kung ihahambing sa Palaisdaan. Ang sabi ng mga taga doon, magkapatid daw ang may-ari ng
 dalawang restoran/hotel.

Sa tanawin pa lang sulit ka na, dahil sa likud ng Palaisdaan ay 
masisipat mo ang gahiganteng bundok ng Banahaw, na tila pinamumugaran ng ulap kahit sa panahon ng tag-araw. Ang mga kubokubo rito ay nakalutang sa isang bukal na pinamamahayan ng malalaking isda gaya ng tilapia. Parang dinuduyan ako dahil sa paggalaw ng kubo na tinutulak ng hangin. At ang hangin na mula sa kabundukan ay napakalamig. Buti na lang nakapagdala na ako ng sweter. Tila wala ring hinto ang pagtatanim ng palay dito dahil libre ang patubig. Tuloy tuloy kasi ang tubig na mula sa bukal hanggang sa mga 
palayan.

Pinakapaborito ko sa mga luto nila ang ginataang suso na may
 pako, malapot na malinamnam dahil sa dami ng gata. Hindi rin pahuhuli ang Pancit Lucban na kawangis ang Pancit Cabagan, ang sikreto nito para mas maenjoy mo, lagyan mo ito ng sukang tuba. Ang pinaputok na tilapya, magkaagaw ang lasa dahil sa gata at sukang tubang pinaghalo. Sariwang sariwa dahil sa aming kinalalagyan nila ito hinuli, sa isang kilong order, dalawang piraso lang. Ang tanyag na Longganisang Lucban na katulad ng Vigan Longganisa. At ang bulalong kalabaw ang siyang pinakamasarap sa lahat, dahil kahit malamig, hindi pa rin namumuo ang sebo, pangtanggal lamig ang sabaw.

Nagkataon na may event nang pumunta kami, at kinailangan pa naming mag-antay ng 30 minutos para makaupo at saka isang oras para lutuhin ang piniling mga klase ng pagkain. Sadyang dinarayo ang lugar na ito dahil napakamura ng kanilang pagkain at idagdag mo na rin ang ambiente ng lugar.

Sana ganito ang pinagtutuunan ng gobyerno, ang pagsulong sa lokal na turismo at pati ang agrikultura, hindi sa kung ano-anong pagkakakabalahan na wala namang katuturan. At kahit siguro may krisis sa pananalapi, hindi mo mararamdaman ito.


Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…