Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2009

Rejuvinating Filipiñanism on Philippine Flag

Kahit kabi-kabila ang mga kontrobersyang kinasasangkutan ng gobyernong ito sa mga pinaggagawang mga proyektong ubod sa ipinatong na halaga para makapagkamkam nang pera, heto at tila nabubuhay ang nasyonalismo sa ating bansa.


Sa aking pagmamasid-masid, halos lahat ng bagay na nabibili ngayon ay may kaugnayan sa ating watawat. Kahit yung mga kilalang produkto ay tila nagsigayahan na rin. Ang konseptong ito ay nagsimula sa isang kilalang rapper ng bansa na si Francis Magalona, ito ang kanyang "3 Stars and a Sun" at tila kahit ang mga bargain na produkto ay nameke na rin sila upang makasakay din ang mga ordinaryong mamamayan sa uso dahil mas mura ito kaysa sa orihinal.. Ang ini-indorsong produkto ni Manny Pacquiao na Nike ay ganun din na hawig sa ating watawat. Ang kilalang Adidas ay naglabas din ng kanilang sariling bersyon.

Sino rin ang hindi nakakakilala kay Batista na isang wrestler na may tattoo sa kanyang katawan. Pati ang internasyonal na membro ng Black Eyed Peas na si All…

A Butterfly Art will be available in Market!Market!

Kahit sinasabi nang mga balita na hihina o babagal ang ekonomiya dahil sa pandaigdigang krisis sa pampinasyal ay itutuloy ko pa rin ang pagpasok sa negosyo at unti-unting ikonsentreyt ang aking naumpisahan na may kinalaman sa mga paroparo.


Ito kasing buwan ng Marso ay magkakaroon ako ng outlet sa ground floor ng Market!Market na matatagpuan sa mga tiangihan ng lifestyle section. Ito'y opisyal na kasunduan namin sa isang exporter na ngayon nagkaroon ng mga pwesto doon.

Noong una nagdalawang-isip ako lalo't nagpahayag na rin sila ng kanilang intensyong magpabail out na gaya nang mga nangyayari sa Amerika. Marami kasing kasapi ng Philexport ang unti-unting nararamdaman ang impact ng krisis na nararanasan ng mga taga Kanluran. Humina at tumamlay ang mga order. Ang iba nagbawas na lang ng tao para lang makaraos.

Pero sana kahit ganito ang nangyayari, sana makarekober pa rin ang mga exporter dahil isa sila sa mga nagpapasok ng dolyar na siyang pinagkukunan ng gobyerno.

DMBox Multimedia: The Future of Digital Viewing?

Naintriga ako sa mga nakita ko sa Raon sa may Sta. Cruz kanina lang, nang napadaan ako para bumili ng mga parts ng frames sa Recto. Kasi sa halagang P3,500 ay makakabili na daw ako nang complete set ng DMBox Multimedia.


Siguro kayo rin ay naguguluhan kung ano ang DMBox Multimedia. Ito'y isang isang klase nang receiver o nagsasagap ng signal sa pamamagitan ng Free-to-Air o FTA na ibinabato mula sa isang Satelite. Galing ang signal mula sa Agila 2 na kung matatandaan niyo pa ito'y pinalipad noong August 20, 1997, kapanahunan ng administrasyon ni Pangulong Fidel Ramos. Ito'y joint venture nang Mabuhay Philippines Satellite Corporation at mga iba't-ibang kumpanya sa Asia. May buhay na 15 years.

Gaya nang nabanggit ko, sa halagang P3,500 ay may satelite disk, digital multimedia box at card na kung saan hindi ka na mangungunsimi buwan-buwan sa bayarin sa cable. Nakakasagap ito ng mahigit 40+ channel na tv at radio channel.

Kung dati napakamahal nang Dream Satellite at kaila…

GRILLED VERSUS FRIED: MANG INASAL INVADES THE PHILIPPINES

Naging paborito na yata namin ang inasal lalo na ang pagkain sa kahit anong branch nang Mang Inasal. Nakakagana kasi ang kanilang inasal na tila nahuli nila ang panlasa ng bawat Pilipino.


Masasabing mas makakatipid ka kung sa kanila ka kakain dahil sa sulit ang iyong pera. Malalaki ang hati nito na di gaya sa mga pangkaraniwang fastfood na Jollibee at McDonald na tila masyado atang tinipid at napakaliit ang kanilang kanin. Mas healthy pa ito dahil hindi siya prinito kundi inihaw.

Sa Mang Inasal, one to sawa ang kanilang kanin at may libreng saba pa na mas lalong magpapagana. Ang inaalam ko ngayon kung ano ang inilalagay nila sa suka nila dahil parang ito ang siya nagbibigay nang gana upang maparami ka sa pagkain at sa susunod uulit ka pa. Pero nitong huli nang kami ay kumain sa isang branch nila sa SM San Fernando sa may Pampanga, hindi kapareho nang suka nila ang nakalagay sa kanilang mga condiment bottle. hindi namin alam kung naubusan sila o sadyang iba, na para yatang Datu Puti Vine…

JUSTIN TADLOCK'S STRUCTURE TEMPLATE FOR BLOGGER?

Isang challenge sa aking sarili ang pagkonvert nang Structure Template ni Justin Tadlock mula sa Wordpress tungong Blogger. Sana matapos ko ito bago mag-March 15 para madagdagan ang Arapaap Template na kaka-launch lang.


At kahit nakadiscontinue na ito sa Hybrid Theme, ito'y mada-download naman sa Blogger. Nag-focus na kasi si Justin Tadlock sa mas may kabuluhang mga bagay kung saan kikita siya. Sana ako rin, hehehe.

Kaya sa mga gustong magkaroon nito, abangan niyo na lang at laging bumalik dito sa aking blog.

Pacquiao: From Boxer to Doctor?

Tila wala ng katapusan ang mga karangalang tinatamasa na ngayon ni Manny Pacquiao, dahil kahapon lang tinanggap na naman niya ang kanyang diploma mula sa Southwestern University sa Cebu bilang Doctor of Humanities (Honoris Causa)


Ito'y pagbibigay pugay daw sa kanya hindi lang sa mga nakamit na karangalan sa mundo ng boksing kundi pati na rin ang kaniyang walang sawang patulong sa mga nangangailangan.

Kahanay na ngayon ni Manny sina Muhammad Ali, George Foreman, at Mike Tyson – mga boksingerong may honorary doctorates.

At kahit hindi pa siya tapos sa kanyang kinukuhang kursong Business Administration sa Notre Dame University of Dadiangas pero doktor na siya.

(Photos from http://philboxing.com/)

WHERE IS THE SUPREME POWER OF THE COURT?

Hanggang ngayon, wala pa ring kalayaang ganap ang ating bansa mula sa kamay ng Amerika. Nagpapadikta pa rin ang Pilipinas sa mga gusto ng mga kano at kahit ang ating Supreme Court ay tila binabastos na rin. Asan na ba ang ating masasabing kalayaan? Asan na ang ngipin ng ating pinakamataas na hukuman?



Parang ganito na nga ang nangyari sa ating Supreme Court na nagdecision ayon sa jurisdiction sa convicted rapist na si Lance Corporal Daniel Smith. Ayon sa decision, dapat i-turn over ng US Embassy si Smith at iditene dapat ito sa isang pasilidad nang ating gobyerno pero hanggang ngayon wala pang aksyon at tila hindi nga aaksyon sa kautusan ng SC.

At kung sakali man na mailipat ang kustodia dito, ayon kay DOJ Secretary Gonzalez, baka hindi raw dito sa Pilipinas maikukulong si Smith at sa ibang bansa kung saan may ibang pasilidad ang Pilipinas dahil hindi daw malinaw ang nakasaad sa kautusan.

Parang napaka-espeyal naman nitong si Daniel Smith at ayaw bitiwan nang gobyerno ng Amerika, ganu…

ARAPAAP TEMPLATE; a Blogger Magazine Style Template

Gaya nang aking ipinangako, at mas maaga pa sa expected na release na aking sinabi at tutal pwede na naman ng ilabas ang aking pinaghirapang templeto. Heto po ang isang magazine style template na pwede nang i-download sa inyong mga blog.

[DOWNLOAD] [DEMO]


Ang templeto na ito ay binubuo nang multi-column area na pwede niyong paglipat-lipatin. Marami ring area na pwedeng punan ng mga patalastas at sidebar na pwedeng i-customized ayon sa gustong widget na isama para makita ng inyong mga tagabasa.

Heto ang kumpletong instruction kung paano i-upload at baguhin ang mga area:
1. Sa inyong blog, pumunta sa "LAY-OUT / EDIT HTML"
2. I-klick ang "Download Full Template". Pagkatapos, i-klick ang "Choose File", saka "Upload". Kung sakaling walang lumabas na problema.
3. Save Template.


PAANO BAGUHIN ANG MGA AREA:

Feeds:
1. Pumunta sa "Lay-out / Edit Html".
2. Hanapin ito <div id='topbar'>
3. Sa baba nito makikita ang <li><a href='ht…

ANGELS & DEMONS: BOOK & MOVIE

Pagkatapos ng The Da Vinci Code na umani ng batikos mula sa iba't-ibang sektor sa lipunan eto at nakakapanabik ang napipintong pagpapalabas sa pelikula ng bestselling novel na Angels & Demons ni Dan Brown nitong May 15 sa buong mundo.


Bagamat hindi ko pa nabasa ang nobelang ito ni Dan Brown dahil tinatamad akong magbuklat nang napakakapal na mga libro, pero dalawang taon na akong mayroong libro ng Secrets of Angels & Demons na sinulat naman nina Dan Burstein at Arne De Keijer na nabili ko pa sa isang bargain bookstore sa may Isetan Recto nang minsan napadako ako doon. Napakamura kung tutuusin dahil P149 lang ito at tila galing ito sa mga hindi nabentang mga libro ng Powerbooks na may orihinal na halagang P635.

Nakapaloob dito sa Secrets of Angels & Demon ang mga paliwanag na nakatago sa nobela ni Dan Brown. Decoded siya talaga dahil mas maiintindihan mo ang bawat yugto kahit ito'y mga buod lamang. Dahil sa kuriosidad, inuumpisahan ko nang basahin kahit ito'y …

AO 255: DO THEY HAVE MORALITY LEFT?

Pumirma si Ginang Arroyo noong Jan 30, 2009 nang isang adminitrative order para buhayin daw ulit ang namatay ng moralidad sa mga ahensya ng gobyerno na sukdulan na sa kurapsyon, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang kawani.


Sino ang pumirma? Hindi ba siya ang asawa ni Jose Miguel Arroyo, ang unang ginoong isinasangkot sa makabago na namang scandal, ang World Bank Financing Project sa rehabilitasyon sana ng Epifanio Delos Santos Avenue. Ayon sa report ng WB, kasama ang isang tao sa mga di umano’y tumatanggap nang lagay[aka tongpats, patong, kotong etc] na nag-oopisina sa LTA Bldg sa Makati, mga iba’t-ibang opisyales ng DPWH at mga kontraktor sa naturang project. Hindi ba nakakahiya na isang internasyonal na tagapondo sa proyekto ng gobyerno ang siyang magpapatunay na talamak na ang kanser [korapsyon] na ito sa ating lipunan.

Saang departamento ba ngayon nang gobyerno ang walang kabalbalang ginagawa, mula Judiciary, Executive at Legislative gaya nang DPWH, Bureau of Customs, …

The Desperate President

Taliwas sa mga sinabi ni Ginang Arroyo na bibisita si US Secretary of State Hillary Clinton at makakasama pa ang kanyang among si Barack Obama sa pagbisita sa China, Japan, South Korea at Indonesia, ito'y pinabulaanan ni US Ambassador Kristie Kenney nang siya ay pumunta sa Malacañang.


Siguro para hindi mapahiya si Ginang Arroyo noong nagkita sila ni Hillary pagkatapos nang ginanap na National Prayer Breakfast sa US ay umo-oo na lang ito. At ang nakakahiya noong ginaganap ang nasabing event ay hindi man lang binanggit ang pangalan ng pangulo sa loob ng Kongreso ng Amerika. Siguro dahil hindi naman siya talaga inimbita at isiniksik na lang ang presension niya doon.

Bakit nga ba napakadesperada ni Ginang Arroyo na makuha ang atension nito? Matatandaan ko pa, pagkatapos manalo ni Obama sa pampanguluhang eleksion noong Nobyembre, nakadalawang ulit si Ginang Arroyo na tatawag sana kay Obama para ito'y batiin pero hindi siya napagbigyan. Pero kalaunan tinanggap na rin ang pangungulit n…

Penumbral Eclipse: Sanhi nang Pagka-stranded ng mga Dolphins

Naging isyu at ibinalita sa lahat yata ng istasyon ng telebisyon kahapon ang pagkakaroon ng Penumbral Eclipse o yung pagdaan ng buwan sa anino ng mundo. Ito ay nasaksihan ng ating bansa na nagsimula sa 8:36 ng gabi, Pebrero 9, 2009 at natapos kaninang madaling araw 12:39, Pebrero 10, 2009


Pero mas nagulantang ang buong Pilipinas nang magliwanag at ibinalita sa telebisyon ang pagka-stranded ng mahigit 200 dolphins sa baybayin ng Pilar at Abucay sa Bataan. Pinagpistahan ng mga tao ito dahil malapit lang sila sa dalampasigan. Ayon sa mga residente doon, ito'y kakaiba dahil sa tanang buhay nila ngayon lang sila nakakita nang ganon karami ng dolphin at na-stranded pa sila. Animo'y parang tila may iniiwasan daw ang mga dolphin at kahit gaano nila ito'y itinataboy papunta sa pinakamalalim na parte nang dagat ay bumabalik pa rin sila.

Nagtulong-tulong ang mga residente doon, kasama ang Coast Guards, at nang probinsyal na pamahalaan para igiya ito pabalik ng dagat at isalba ang buhay…

SSS fund to be lend for Economic Stimulus Package?

Tila nanganganib ang pondo ng Social Security System (SSS) matapos magpalabas nang Press Release itong si Romulo Neri kaugnay sa pagpapahiram daw ng nasabing ahensya sa gobyerno para mapunan ang planong 300 bilyong Economic Stimulus Package.


Ayon kay Neri, 12.5 Bilyon ang manggagaling sa SSS at ito'y pinahihintulutan daw ng batas (charter). Ang nasabing pagpapahiram ay naglalayong palaguhin pa raw ang pondong nakolekta mula sa mga kasapi ng ahensya. Pero swa 27 milyong membro, tila halos lahat ay di pumapayag sa planong ito. At naniniwalang mapunta lang sa wala ang perang kanilang inilagak para sa kanilang pagtanda at magaya lang sa kinahinatnan ng mga pre-need companies.

Ang sa akin lang, bilang isang membro at kontributor ng SSS, bakit kinakailangan pa, na sa gobyernong ito i-invest ang perang galing naman sa mga pinagpaguran namin? Kaming mga nasa pribadong kumpanya ay lubos-lubos na nagtratrabaho para kahit papaano ay may maitabi man lang para sa kinabukasan. Pero ngayon, wawald…