ANGELS & DEMONS: BOOK & MOVIE


Pagkatapos ng The Da Vinci Code na umani ng batikos mula sa iba't-ibang sektor sa lipunan eto at nakakapanabik ang napipintong pagpapalabas sa pelikula ng bestselling novel na Angels & Demons ni Dan Brown nitong May 15 sa buong mundo.


Bagamat hindi ko pa nabasa ang nobelang ito ni Dan Brown dahil tinatamad akong magbuklat nang napakakapal na mga libro, pero dalawang taon na akong mayroong libro ng Secrets of Angels & Demons na sinulat naman nina Dan Burstein at Arne De Keijer na nabili ko pa sa isang bargain bookstore sa may Isetan Recto nang minsan napadako ako doon. Napakamura kung tutuusin dahil P149 lang ito at tila galing ito sa mga hindi nabentang mga libro ng Powerbooks na may orihinal na halagang P635.

Nakapaloob dito sa Secrets of Angels & Demon ang mga paliwanag na nakatago sa nobela ni Dan Brown. Decoded siya talaga dahil mas maiintindihan mo ang bawat yugto kahit ito'y mga buod lamang. Dahil sa kuriosidad, inuumpisahan ko nang basahin kahit ito'y may pahinang 387. Baka sakaling matapos ko ito bago sa pagpapalabas ng pelikula nito para kahit papaano ay hindi ako malito.

Sa pelikula, magbabalik ang katauhan ulit ni Tom Hanks bilang si Robert Langdon. Kung may Sophie sa Dan Vinci Code, meron namang Vittoria sa Angels and Demon na siyang makakasama ni Langdon sa pagresolba sa mga apocalyptic mysteries at pagdecode sa mga clues. Kung sa Paris ang setting ng Da Vinci Code na tumalakay sa mga gawa ni Leonardo Da Vinci, sa Rome naman ang Angels & Demons kung saan nagfocus naman siya sa mga nawawalang dokumento ni Gallileo. Kung may Priory of Scion sa DVC may Illuminati naman sa A&D. At tiyak mas maging kontrobersiyal itong A&D dahil talagang tinutukan ang Simbahang Katoliko dito.

Makakasama ni Tom Hanks sina Ewan McGregor at Ayelet Zurer bilang si Vittoria. Ginawa ng Columbia Pictures at Imagine Entertainment, distributed ng Sony Pictures at idinirek ni Ron Howard.


Post a Comment

Popular Posts