Skip to main content

AO 255: DO THEY HAVE MORALITY LEFT?


Pumirma si Ginang Arroyo noong Jan 30, 2009 nang isang adminitrative order para buhayin daw ulit ang namatay ng moralidad sa mga ahensya ng gobyerno na sukdulan na sa kurapsyon, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang kawani.


Sino ang pumirma? Hindi ba siya ang asawa ni Jose Miguel Arroyo, ang unang ginoong isinasangkot sa makabago na namang scandal, ang World Bank Financing Project sa rehabilitasyon sana ng Epifanio Delos Santos Avenue. Ayon sa report ng WB, kasama ang isang tao sa mga di umano’y tumatanggap nang lagay[aka tongpats, patong, kotong etc] na nag-oopisina sa LTA Bldg sa Makati, mga iba’t-ibang opisyales ng DPWH at mga kontraktor sa naturang project. Hindi ba nakakahiya na isang internasyonal na tagapondo sa proyekto ng gobyerno ang siyang magpapatunay na talamak na ang kanser [korapsyon] na ito sa ating lipunan.

Saang departamento ba ngayon nang gobyerno ang walang kabalbalang ginagawa, mula Judiciary, Executive at Legislative gaya nang DPWH, Bureau of Customs, BIR, DepEd, Dept of Agriculture, NEDA, DOJ, COA, Supreme Court, Kongreso, Senado, PNP, AFP, Ombudsman. Lahat sila may naitalang mga kalokohan sa kani-kanilang iniikutang mundo.

Subukan nating magmasid sa mga opisina ng gobyerno lalo na sa hapon. Wala pang alas-5 pero nandyan na ang mga kawani na nag-aayos na sa kanilang mga gamit, nag-aayos na ng kanilang make-up at di na inaasikaso ang mga taong nangangailangan ng kanilang serbisyo. Ala-1 na ng hapon pero wala pa sila sa kanilang mga desk/cubicle. Pag tinawagan naman ang teleponong naka-assign sa kanila, hindi ito makontak o dili kaya’y may aangat pero pagpapasapasahan ka nila, may mga sarkastikong sasagot at meron ding eng-eng na akala mo’y bagong panganak sa mundo.

Sana hindi pumirma si Ginang Arroyo nang ganitong batas, dahil kung ako ang tatanungin, wala siyang karapatan at wala siya sa posisyon manguna sa isang pagbabago. Kailangan ang isang taong walang bahid sa kanyang dangal at tunay na may takot sa Diyos. Dapat linisin niya muna ang sarili niyang bakuran. Paimbestigahan niya ang kaniyang asawa. Panagutin ang dapat managot. Para kahit papaano maibalik ang tiwala, integridad at moralidad na sinasabi niya.

(Photos from http://www.philembassy.se/annments/pgma.jpg)
Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…