The Desperate President


Taliwas sa mga sinabi ni Ginang Arroyo na bibisita si US Secretary of State Hillary Clinton at makakasama pa ang kanyang among si Barack Obama sa pagbisita sa China, Japan, South Korea at Indonesia, ito'y pinabulaanan ni US Ambassador Kristie Kenney nang siya ay pumunta sa MalacaƱang.


Siguro para hindi mapahiya si Ginang Arroyo noong nagkita sila ni Hillary pagkatapos nang ginanap na National Prayer Breakfast sa US ay umo-oo na lang ito. At ang nakakahiya noong ginaganap ang nasabing event ay hindi man lang binanggit ang pangalan ng pangulo sa loob ng Kongreso ng Amerika. Siguro dahil hindi naman siya talaga inimbita at isiniksik na lang ang presension niya doon.

Bakit nga ba napakadesperada ni Ginang Arroyo na makuha ang atension nito? Matatandaan ko pa, pagkatapos manalo ni Obama sa pampanguluhang eleksion noong Nobyembre, nakadalawang ulit si Ginang Arroyo na tatawag sana kay Obama para ito'y batiin pero hindi siya napagbigyan. Pero kalaunan tinanggap na rin ang pangungulit niya pagkatapos ng dalawang linggo.

Baka naman siya ang pinapatamaan ni Obama sa kaniyang Inaugural Speech noong Enero?

(Photo from About.com)
Post a Comment

Popular Posts