DMBox Multimedia: The Future of Digital Viewing?


Naintriga ako sa mga nakita ko sa Raon sa may Sta. Cruz kanina lang, nang napadaan ako para bumili ng mga parts ng frames sa Recto. Kasi sa halagang P3,500 ay makakabili na daw ako nang complete set ng DMBox Multimedia.


Siguro kayo rin ay naguguluhan kung ano ang DMBox Multimedia. Ito'y isang isang klase nang receiver o nagsasagap ng signal sa pamamagitan ng Free-to-Air o FTA na ibinabato mula sa isang Satelite. Galing ang signal mula sa Agila 2 na kung matatandaan niyo pa ito'y pinalipad noong August 20, 1997, kapanahunan ng administrasyon ni Pangulong Fidel Ramos. Ito'y joint venture nang Mabuhay Philippines Satellite Corporation at mga iba't-ibang kumpanya sa Asia. May buhay na 15 years.

Gaya nang nabanggit ko, sa halagang P3,500 ay may satelite disk, digital multimedia box at card na kung saan hindi ka na mangungunsimi buwan-buwan sa bayarin sa cable. Nakakasagap ito ng mahigit 40+ channel na tv at radio channel.

Kung dati napakamahal nang Dream Satellite at kailangan mo ba i-load ito buwan-buwan ngayon may kalaban na sila. At sa aking nakita, kasing linaw din o mas higit pang malinaw ito kaysa sa cable.

Pero, mag-ingat din kayo kung bibili kayo dahil may ipinalabas sa programa sa TV na mga pekeng ganito.
Post a Comment

Popular Posts