GRILLED VERSUS FRIED: MANG INASAL INVADES THE PHILIPPINES


Naging paborito na yata namin ang inasal lalo na ang pagkain sa kahit anong branch nang Mang Inasal. Nakakagana kasi ang kanilang inasal na tila nahuli nila ang panlasa ng bawat Pilipino.


Masasabing mas makakatipid ka kung sa kanila ka kakain dahil sa sulit ang iyong pera. Malalaki ang hati nito na di gaya sa mga pangkaraniwang fastfood na Jollibee at McDonald na tila masyado atang tinipid at napakaliit ang kanilang kanin. Mas healthy pa ito dahil hindi siya prinito kundi inihaw.

Sa Mang Inasal, one to sawa ang kanilang kanin at may libreng saba pa na mas lalong magpapagana. Ang inaalam ko ngayon kung ano ang inilalagay nila sa suka nila dahil parang ito ang siya nagbibigay nang gana upang maparami ka sa pagkain at sa susunod uulit ka pa. Pero nitong huli nang kami ay kumain sa isang branch nila sa SM San Fernando sa may Pampanga, hindi kapareho nang suka nila ang nakalagay sa kanilang mga condiment bottle. hindi namin alam kung naubusan sila o sadyang iba, na para yatang Datu Puti Vinegar ito. Ganun kaya dahil mga kapampangan ang mga tao doon.

Ang isang nakakagalak, yumayabong na rin ang kanilang mga branches at baka darating ang araw parang Jollibee na rin ito na kahit anong sulok meron na rin sila. Sa ngayon may 68 na sila sa buong lupalop ng Pilipinas at dumarami pa. Kahit sa Tuguegarao ay may isang franchise na rin. Sa pagbakasyon ko, hindi ko mamimiss ito dahil nasa tabi-tabi lang.


Post a Comment

Popular Posts