Skip to main content

Penumbral Eclipse: Sanhi nang Pagka-stranded ng mga Dolphins


Naging isyu at ibinalita sa lahat yata ng istasyon ng telebisyon kahapon ang pagkakaroon ng Penumbral Eclipse o yung pagdaan ng buwan sa anino ng mundo. Ito ay nasaksihan ng ating bansa na nagsimula sa 8:36 ng gabi, Pebrero 9, 2009 at natapos kaninang madaling araw 12:39, Pebrero 10, 2009


Pero mas nagulantang ang buong Pilipinas nang magliwanag at ibinalita sa telebisyon ang pagka-stranded ng mahigit 200 dolphins sa baybayin ng Pilar at Abucay sa Bataan. Pinagpistahan ng mga tao ito dahil malapit lang sila sa dalampasigan. Ayon sa mga residente doon, ito'y kakaiba dahil sa tanang buhay nila ngayon lang sila nakakita nang ganon karami ng dolphin at na-stranded pa sila. Animo'y parang tila may iniiwasan daw ang mga dolphin at kahit gaano nila ito'y itinataboy papunta sa pinakamalalim na parte nang dagat ay bumabalik pa rin sila.

Nagtulong-tulong ang mga residente doon, kasama ang Coast Guards, at nang probinsyal na pamahalaan para igiya ito pabalik ng dagat at isalba ang buhay ng mga dolphin. Nangangamba kasi sila dahil pagtumagal pa ang mga ito sa pampang ay manganganib silang mamamatay dahil dehydration.

Ang dolphin kasi ay madaling mawalan nang tinatawag na navigational system o yung kanilang ginagamit sa paglakbay sa dagat at karagatan. Dahil ang mga mata nila ay nasa gilid nang kanilang ulo hindi nila matatanaw ang nasa harapan nila at umaasa lang sila sa kanilang navigational system o yung panukat nila sa sonar sounds ang ginagamit para manghuli o maghanap nang kanilang pagkain.

Pero sa aking palagay, ang penumbral eclipse ang siyang may kagagawan sa nangyaring pagka-stranded ng mga dolphins. Sa pagkakaroon ng eclipse, nagbago ang magnetic fields ng mundo. Ayon kasi sa pag-aaral, ginagamit ng mga dolphin ang magnetic field ng mundo para makapaglakbay. Siguro noong nagkaroon ng eclipse humina ang magnetic field ng mundo at hinigop ng buwan. May haka-haka kasi na tuwing kabilugan ng buwan ay hinihigop daw nito ang gravity ng mundo at nagkataon na full moon din nang nagkaroon ng eclipse.

Para sa akin ito'y spekulasyon ko lamang. Pero malay niyo ito pala ay too.

(Nahiram ang larawan mula sa http://www.javno.com/)
Post a Comment

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…