Rejuvinating Filipiñanism on Philippine Flag


Kahit kabi-kabila ang mga kontrobersyang kinasasangkutan ng gobyernong ito sa mga pinaggagawang mga proyektong ubod sa ipinatong na halaga para makapagkamkam nang pera, heto at tila nabubuhay ang nasyonalismo sa ating bansa.


Sa aking pagmamasid-masid, halos lahat ng bagay na nabibili ngayon ay may kaugnayan sa ating watawat. Kahit yung mga kilalang produkto ay tila nagsigayahan na rin. Ang konseptong ito ay nagsimula sa isang kilalang rapper ng bansa na si Francis Magalona, ito ang kanyang "3 Stars and a Sun" at tila kahit ang mga bargain na produkto ay nameke na rin sila upang makasakay din ang mga ordinaryong mamamayan sa uso dahil mas mura ito kaysa sa orihinal.. Ang ini-indorsong produkto ni Manny Pacquiao na Nike ay ganun din na hawig sa ating watawat. Ang kilalang Adidas ay naglabas din ng kanilang sariling bersyon.

Sino rin ang hindi nakakakilala kay Batista na isang wrestler na may tattoo sa kanyang katawan. Pati ang internasyonal na membro ng Black Eyed Peas na si Allan Pineda ay nagsusuot din ng apparel na ganito.

Isang mahalagang bagay na dapat nasa bawat Pilipino ang ganitong pagpapahalaga sa kanyang sariling bansa, sa kanyang kultura at sa mga produktong galing dito. Napapanahon siguro na dapat nating bigyan ng tuon ang ating mga produkto dahil isa ito sa mga kinikila sa ibang bansa.

Heto ang iba't-ibang nakita ko sa internet na may kaugnayan sa ating watawat.

www.trendhunter.comwww.trendhunter.comwww.trendhunter.comwww.trendhunter.comwww.zazzle.comwww.sulit.comhttp://i2.photobucket.comhttp://img516.imageshack.us/


Post a Comment

Popular Posts