SSS fund to be lend for Economic Stimulus Package?


Tila nanganganib ang pondo ng Social Security System (SSS) matapos magpalabas nang Press Release itong si Romulo Neri kaugnay sa pagpapahiram daw ng nasabing ahensya sa gobyerno para mapunan ang planong 300 bilyong Economic Stimulus Package.


Ayon kay Neri, 12.5 Bilyon ang manggagaling sa SSS at ito'y pinahihintulutan daw ng batas (charter). Ang nasabing pagpapahiram ay naglalayong palaguhin pa raw ang pondong nakolekta mula sa mga kasapi ng ahensya. Pero swa 27 milyong membro, tila halos lahat ay di pumapayag sa planong ito. At naniniwalang mapunta lang sa wala ang perang kanilang inilagak para sa kanilang pagtanda at magaya lang sa kinahinatnan ng mga pre-need companies.

Ang sa akin lang, bilang isang membro at kontributor ng SSS, bakit kinakailangan pa, na sa gobyernong ito i-invest ang perang galing naman sa mga pinagpaguran namin? Kaming mga nasa pribadong kumpanya ay lubos-lubos na nagtratrabaho para kahit papaano ay may maitabi man lang para sa kinabukasan. Pero ngayon, wawaldasin lang ng isang tao ang aming pondo para ibigay sa gobyernong wala namang ginawa kundi pahirapan ang tulad namin.

Noon pa man, nang may naaamoy na akong malansa sa pagkatalaga ni Romulo Neri bilang pangulo ng ahensya. At tila ngayon na ang tamang panahon para sa kanila upang maisakatuparan ito.

Walang kwestyon sa paggamit ng pondo ng SSS, dahil ayon sa kanila nakasaad ito sa charter, pero dapat mas unahin sana ang mga kasapi. Bakit hindi na lang ipahiram ito sa mga kasapi para makapagpatayo ng sariling negosyo, lalo ngayon marami ang nawawalan ng trabaho. Hindi problema ng membro ang gobyerno, dapat ang gobyerno ang may kargo sa mga mamamayan. Humanap silang ng ibang mapagkukunan ng pondo at huwag ang pondo ng pribadong sektor.

Post a Comment

Popular Posts