WHERE IS THE SUPREME POWER OF THE COURT?


Hanggang ngayon, wala pa ring kalayaang ganap ang ating bansa mula sa kamay ng Amerika. Nagpapadikta pa rin ang Pilipinas sa mga gusto ng mga kano at kahit ang ating Supreme Court ay tila binabastos na rin. Asan na ba ang ating masasabing kalayaan? Asan na ang ngipin ng ating pinakamataas na hukuman?



Parang ganito na nga ang nangyari sa ating Supreme Court na nagdecision ayon sa jurisdiction sa convicted rapist na si Lance Corporal Daniel Smith. Ayon sa decision, dapat i-turn over ng US Embassy si Smith at iditene dapat ito sa isang pasilidad nang ating gobyerno pero hanggang ngayon wala pang aksyon at tila hindi nga aaksyon sa kautusan ng SC.

At kung sakali man na mailipat ang kustodia dito, ayon kay DOJ Secretary Gonzalez, baka hindi raw dito sa Pilipinas maikukulong si Smith at sa ibang bansa kung saan may ibang pasilidad ang Pilipinas dahil hindi daw malinaw ang nakasaad sa kautusan.

Parang napaka-espeyal naman nitong si Daniel Smith at ayaw bitiwan nang gobyerno ng Amerika, ganun din ang Pilipinas na tila tulog at pabayaan na lang na apakan ang ating soberenya.

Ibig sabihin pala kung sakaling mailipat nga sa pasilidad ng Pilipinas si Smith, ito\y gagastusan ng gobyerno sa pagkain. Siyempre hindi naman yan kumakain lang ng munggo kagaya ng mga nakabilanggo sa Munti na may budget lang na P10 kada araw.

Post a Comment

Popular Posts