Flop on Flip Flops


Dahil sa kolonyal na mentalidad ng mga Filipino naging sikat itong mga tsinelas o yung tinatawag nilang Flip Flops/Estampas na Havaianas galing Brazil.


Naging status symbol sa mga mamamayan dahil sa halaga nito na P700 ang pinakamura at libo-libo na ang pinakamahal. Kahit sa mga nag-oopisina pumapasok sila sa kanilang trabaho na suot ito at akala nila magandang tignang iterno ito sa kanilang uniporme. Pati mga batang maykaya, pumapasok din sa paaralan na gamit ito.

Noong March 3 naglabas ang U.S. Consumer Product Safety Commission nang recall sa mga Havaianas Children's flip flops na may decorative paint sa pinakamukha nito. Ang pintura daw ng mga tsinelas na ito ay nagtataglay ng sobra-sobrang antas ng Lead.

Nang kami ang bata, "Spartan" ang gamit namin noon. Matibay din ito dahil umaabot ng isang taon bago mapudpud. Ito ang pinaka-Havaianas namin noon. Buti at wala pang mga pintura ito. Ewan ko lang kung may mabibili pang brand na ganun ngayon.

Eto ang kumpletong litahan ng mga Havaianas na pinarecall:

Baby Estampas, Baby Pets, Kids Apple, Kids Fairy, Kids Flores, Kids Lighthouse, Kids Monsters, Kids Surf, Baby Letrinhas, Kids Sports, Kids Candies, Kids Fun, Kids Love, Kids Sereias, Kids Speed, Kids Lucky Bug, Kids Pets, Kids Rock, Kids Slim, Kids Wonder Woman, Kids Small Flowers and Kids Tropical w/Kit.


Post a Comment