Goodbye Eraserheads!


Pinakamahirap sa lahat ang pamamaalam lalo na kung naging parte ito nang iyong nakaraan. Opo, eto na ata ang pinakahuli-huliang konserto ng bandang sumikat ng husto noong dekada nobenta, ang Eraserheads. Ngayong gabi kasi gaganapin sa may SM Malll of Asia ang kanilang pangalawang (huli?) konserto pagkatapos maudlot ito noong nakaraang taon nang isugod ang bokalista ng banda na si Ely Buendia sa ospital. Ang konserto nila ay pinamagatang "The Final Set".


Masasabi kong isa sila sa mga naging bandang pinakapaborito ko at isa rin ako sa nalungkot noong nagkawatakwatak sila at nagkaroon nang sari-sariling mga banda.

Sila lang din yata ang bandang naka-incorporate ang Ilokano lyrics sa kanilang kanta. Eto ang "Toyang" na sumikat ng husto noong high school kami. Ang kantang ito ay sumasalamin sa buhay ng isang ordinaryong Filipino na nagmamahal ng tunay kahit sa hirap siya.



Kahapon namaalam si Francis M dahil sa sakit pero eto mamamaalam naman ang Eraserheads. Magiging sorpresa sana ang rapper sa mga manonood sa kanilang konserto ngayon pero mas nasorpresa sila dahil mas nauna itong namaalam sa industriya ng isang araw.
Post a Comment

Popular Posts